22

58.4K 1.2K 8
                                    

Time easily run fast at mag iisang buwan na mula ng ligawan sya ni kien. Sa loob ng mga nakalipas na lingo ay hindi ito pumalya sa pag pagpasaya sakanya at kay miko. Ipinapasyal ni kien ang kanyang anak at ipinakilala narin nito ang bata sa kanyang kapatid na lubos na ikinagagalak ng kanyang puso. Sa mga nagdaang date nila ay mas lalo nyang hinahangaan ang lalaki kaya naman nakapag pasya na sya na mamaya ay gagawin nyang espesyal ang araw na ito para sa kanilang dalawa.

"Li'l sweety, is it ok if you'll be with tita zea tonight?" Although miko have a yaya ay uwian naman ito. Sa umaga lang pumapasok at pag kagabi na ay aalis na upang sya naman ang mag bantay sa kanyang anak.

"Sure mom! mommy zea already told me that po eh. hihiramin nya daw ako" sagot nito na ikinatuwa naman nya. May mga pag kakataon talaga na hinihiram ng kanyang kaibigan si miko kapag mag event na pambata itong pupintahan and because zea and larry are her best of friends ay pinapasama nya ang anak nya dito, minsan naman ay kasama sya.

Her bestfriends already knew her plan at sumang-ayon naman ang mga ito. Larry even told her how to do it pero since baklita ito ay may kahalayan ang mga pinapagawa sakanya. she already decided to tell kien everything at sana ay matangap nito.Kahit natatatakot ay umaasa sya na sana walang mag babago sa pagtingin nito sakanya.

Kien is busy signing when his phone ring, pag katingin nya kung sino ang tumatawag ay parang nawala lahat ng kanyang pagod nang nakita na si mika ito.

"Hi sweetheart, miss me?" he heard her chuckle bago ito sumagot.
"Yan talaga pambungad mo eh no!"
Napanguso na lamang sya ng hindi nito sinabing namimiss sya ng dalaga.

"Di mo ko namiss samantalang ikaw miss na misa ko na"

Alam nyang nakanguso ito habang sinasabing namimiss sya ni kien, kaya naman halos lumabas na sa dibdib nya ang kanyang puso sa sobrang saya at excitement na nararamdaman.

"Oo na po miss nadin kita" narinig nya itong masayang humalakhak sa kabilang linya.
"And i miss you to sweetheart, sana lagi ka nalang nandito." seryosong sabi nito.

Wala na masyado nang hulog ang puso nya para sa lalaki at tiyak na mahihirapan na syang iahon ito.

"Ahm. pwede bang dumeretso ka na sa bahay pag labas mo ng opisina? nag early out kasi ako para maihatid si miko kay Zea?"

"Sige, tatapusin ko lang tong ginagawa ko tapos pupunta na ko dyan. See yah sweety!"

Pag ka baba nag telepono ay nag ayos na rin sya nang sarili. Handang handa na sya para sa gagawin sana lang ay ganon din ang lalaki, pero anu man ang mangyari ay tinitiyak nya na malalaman at mararamdaman nito ang pagmamahal nya.

Lockheart Series- My Hot Boss (editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon