3- edited

85.2K 1.9K 40
                                    

HINDI sya makapaniwala na makikita nya ang lalaki sa kompanyang pinagtatrabahuan. sa loob ng dalawang taong paninilbihan dito ay ngayon nya lang nalamang may gwapong anak pla ang may ari, at hindi lang basta gwapo dahil ito lang naman ang lalaking nakabunguan nya kanina sa coffee shop.

"Babe are you ok?" halata sa itsura ng kaibigan nya na nawewerduhan ito sa biglang panananahimik nya at nag-aalala.

"Yeah, wag ka na maingay at mag uumpisa ng mag speech ang bagong president."

"ok" sagot nalang nito sa kanya.

Gusto nyang ibaling sa iba ang kanyang tingin pero hindi nya iyon magawa. Ayaw nyang tignan ang binata pero ang kanyang mga mata ay traydor kaya hindi nya mapigilang sumulyap dito.

Habang nag sasalita ito sa taas ng entablado ay hindi nya mapigilang mapahanga. Kanina kasi nang marinig nya itong magsalita sa coffee shop ay nabastusan sya dito kaya inisip nya na baka kagaya ng ibang mayayamang binata ay pakainin lang din ito ng mga magulang.

Pero nag kamali sya. Dahil isang matipuno, puno ng kompyansa sa sarili at isang edukadong lalaki ang nakatayo ngayon sa kanilang harapan. Bawat salitang bigkasin nito ay naglalaman ng makabuluhang bagay na nanaisin mong pakingan.

Seryosong seryoso ang mukha nito. Ibang iba sa kaninang lalaki na nakita nyang may pilyong mga ngiti sa labi ng sabihan syang tangalin ang suot nitong damit.

"Wow!" She heard the woman besides her giggled ganun din ang nasa kanyang likod at harap. Inilibot nya ang mata sa buong hall and she can see all the faces of her co-workers. They are all fascinated and impressed with him. Just like her.

"That will be all. Thank you!" rinig nyang sabi nito. Hindi nya alam kung namamalikmata lang ba sya pero parang sa direksyon nya ito nakatingin. Nakumpirma nya ang hinala ng magtama ang kanilang mga mata. Inaasahan nyang ngingiti ito kagaya kanina pero seryosong seryoso ang binata.

"In fairness!" bulong sa kanya ni Larry matapos magsalita ang kanilang bagong presidente. Iyon ang kayang naging dahilan upang maibaling sa iba ang tingin. Para kasing matutunaw na sya sa ginagawa nito.

"Huh?"

"In fairness." Lalaking lalaki ang boses ni larry pero alam nya ang gusto nitong ipahiwatig. Mukhang pati ito ay naakit narin sa binata.

"Ewan." She said. "labas na tayo marami pa akong tatapusing trabaho ngayon."

"K." sagot nito sa kanya. If she knows katakot takot na irap ang mararanasan nya dito kung nagkataon silang dalawa lang. Nabitin kasi ata nya ang ginagawa nitong pagpapantasya.

Nang makita nyang pababa ng entablado ang binata at simulan nitong makipag kamay sa mga officers na nasa unahan ay mas hinila-hila nya pa ang braso ni Larry.

"Lab, tara na." hindi na nya hinayaang makita pa nito ang ginagawa ng binata. Baka kasi pigilan sya nito sa paglabas. Buti nalang ay nakatingin sa kanya si Larry ng bumaba ng stage si Mr. new President.

"Ito na. Masyadong atat."

Nakahinga lang sya ng maluwag ng tuluyan na silang makalabas ng hall kasama pa ang ibang empleyado. Pero gaya ng kanyang inaasahan. Halos lahat ng ito ay walang ibang bukangbibig kundi ang kagwapuhan, kakisigan ni Mr. President. May mga narinig pa syang kilig na kilig na nagsasabing mukhang masarap ang kanilang bagong amo. Ang iba ay sinabing totoo iyon dahil kilalang matinik na bachelor ang lalaki.

Sa sobrang kainisan ay mas binilisan nya nalang ang lakad. Ayaw na nyang makarinig ng kung ano-ano pa. Naririndi na ang kanyang tenga sa kakarinig ng mga mahahalay na impormasyon tungkol dito.


HE CAN'T believe it. Bakit nga ba hindi nya naisip na maaring may boyfriend na ang babaeng nakita nya kanina?

Inakala nya pa naman na maari nya itong maging kaibigan. Nahihiwagaan kasi sya dahil ibang iba ang epekto nito sa kanya. At bukod sa pagiging kaibigan ay baka maaring maging kasintahan when time permit.

"Shit what is happening to me? kasintahan really? I don't do relationship for pete sake." Naiinis nyang sinipa ang upuan na nasa harapan ng kanyang kamesa sa loob ng kanyang opisina.

Kanina habang nag papakilala sya bilang bagong mamamahala sa kompanya ay palihim nyang pinag mamasdan ang dalaga, and by what he saw, he can conclude that the woman he's looking at and the guys besides her were really closed. Narinig pa nga nya sa mga officers kanina na kanyang nakilala na mayrelasyon ang dalawa. Alam nyang ito ang tinutukoy ng mga ito dahil sa HR head na kanyang nakausap ay sampong officers lamang ang agad na umalis matapos syang mag speech. Ang wala sa mga ito ay matatanda na. Tanging si Michaela Llaneza at Larrylone Fuantabela lamang ang mga bukod tangin mga bata.

"Michaela. Such a sweet name." napangiti sya bigla ng maalala ang mukha nito. Pero agad na nainis nang maalala rin ang nakangiti nitong mukha kasama ang nagngangalang Larry. "Urgh!" malakas nyang ibinagsak ang kamao sa lamesa.

Hindi nya alam kung bakit sya nag kakaganon. basta ang gusto nya lang ay mapalapit sa babae at makuha ang loob nito no matter what it takes.


Lockheart Series- My Hot Boss (editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon