40

49.5K 1.2K 64
                                    

Agad na dinala ni kien at Aaron si mika sa pinakamalapit na ospital, nag aalala sya sa kalagayan ng dalaga dahil mahahalata sa itsura nito ang sobrang stress.

Pagkadating sa ospital ay agad nyang pinaasikaso ang dalaga sa mga staff nito, pinakiusapan naman nya si aaron na pumunta sa subic upang personal na siguruhin ang kaligtasan ng ama ni mika.

"You must be her husband?" Tanong ng doctor na tumingin kay mika.

"Yes dok!, how is my wife now?" Hindi na nya itinama ang sinabi ng doktor dahil aaminin nyang masarap sa pandinig ang tawaging husband ng kasintahan.

"Well, they are fine! pero kailangang iwasang masyadong ma stress si misis dahil makakasama iyon sakanila"

"What? they? kanila? what do you mean dok?" naeexcite na tanong nya dito.

"Hindi nyo po alam? Buntis po si misis kaya kung maaari ay iiwas nyo po sya sa stress. I will recommend you also to look for an OB when she feel better para malaman ang exact age ng baby at mga do's and don'ts at para narin sa vitamins"

Tango na lamang ang isinagot nya dito.

Nakatulala paring nakangiti si kien habang nakatingin kay mika. Nang sabihin kanina ng doktor na buntis ito ay parang gusto nyang lumundag sa tuwa.

"Hmm"

Agad nyang dinaluhan ang dalaga ng magising ito. Kung kanina ay sobra ang kanyang ngiti, ngayon naman ay gusto nyang maiyak ng tuluyang mag sink-in sakanya ang nalaman.

"Hon, whats wrong? bakit ganyan ang itsura mo?"

"Sweetheart, God! I love you!" Sabay halik nya sa dalaga. Natawa naman itong tumugon sa halik nya ngunit tinulak sya nito maya-maya.

"Duh, I know you love me, araw-araw mo kayang sinasabi yan?" Mataray na sabi nito.

Napangiti naman sya ng maalala ang mga kasungitan at ka weirduhan nito ng nagdaang araw. Kaya pala ang bilis mag bago ng mood nito ay dahil nag lilihi.

"Ano ngumingiti kang mag-isa para kang baliw" masungit parin ito.

Naiiling na hinaplos nya ang tyan ng dalaga at itinapat ang tenga doon. "Baby oh, nag susungit nanaman si mommy. Diba dapat love lang ni mommy si daddy para happy ka?"

Biglang nanglaki ang mata ni mika sa nakitang ginawa ni kien, ngumiti ito at maluha luha ang matang nag tatanong. Agad namang tumango si kien upang kumpirmahin ang hinala nito.

"Yes mommy! we are pregnant, mag kakaron na nang kapatid si miko" mas nauna pang bumagsak ang luha nya kumpara kay mika.

"Oh my, I love you hon" masayang yakap nito sakanya.

"I love you more and more mommy! kayo ng mga anak natin"

Nag papasalamat sya na sa kabila ng kaguluhang nangyayari ay may blessing silang natangap na sobrang nag pasaya sakanila.

----
This chapter is dedicated to all na gustong magbuntis si mika. Ayan na po confirmed! haha

Comment po  hehe :)

Lockheart Series- My Hot Boss (editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon