7-edited

71.5K 1.6K 36
                                    

MATAPOS syang guluhin ng apat na pinsan ay sabay sabay din itong umalis. Dahil mag-isa na ulit sya sa opisina ay naalala nanaman nya ulit si Mika.



"Clara, can you call the manager of marketing department? tell her I need an update for the upcoming event"



Hindi nya na matiis, na mimiss nya na talaga ang dalaga. Kaya sinasamantala nya ang kanyang posisyon upang makita ito. Hindi nya akalain na magmumukha syang desperado para lang sa isang babae.



After few minutes, ay nakarinig sya ng katok sa kanyang opisina.



"Come in" pinilit nya pang gawing seryoso ang boses upang hindi mapansin ang kanyang pagkasabik na makita ang dalaga. Titig na titig lang sya sa pinto habang hinihintay ang pagpasok ng mga panauhin.


Pero nang makita ang mga ito ay parang gusto nyang magwala. He is so disappointed. Dalawa ang pumasok sa kanyang opisina pero wala sa mga ito ang babaeng gusto nyang makita.



Ang nararamdaman nya tuloy na kasabikan kanina ay parang biglang naglaho. Naiinis sya. Inis na inis and he wanted to throw these two people out in his office. Pero hindi nya ginawa iyon. Kaya ang unang plano nya na makikinig sa presentation ng marketing strategy nila ay hindi na nya itinuloy. Nang hingi nalang sya ng kopya ng nasabing presentation at pinaalis na ang mga ito. Sinabi nyang tatawag nalang sya sakaling meron syang tanong.



--



ILANG araw narin ang nakalipas simula ng mangyari iyon sa opisina ni ng kanyang bagong amo. Ngunit hangang ngayon ay hindi nya parin ito kayang harapin ng maayos. Lagi nya itong iniiwasan. Gumagawa sya ng paraang at kung ano anong alibi para lang hindi ito makita o makausap.



Gaya nalang ngayon, when clara told her the CEO needs the presentation for a certain event ay si liza na agad ang pinapunta nya kahit pa sinabihan sya ni Clara na mas gusto nang CEO na sya ang magpresinta niyon. sinabi nyang may kailangan pa syang mga madaliing trabaho. Meron din syang meeting mamaya with the clients kaya pinag bigyan na sya ng dalaga. Pumayag itong ang kanyang assistant na ang magdala at magpaliwanag ng kailangan ng kanilang amo.



She knows that it is being unprofessional doing an alibi just to scape him but, she has to do it. As much as possible she wanted to distance herself from Kien Lockheart. Her Boss who is taking all her sanity when he is around. Ayaw nya nang maulit pa ang nangyari sa opisina nito at ayaw nya nang mag karoon pa ng kaugnayan sa lalaki maliban sa pagiging amo at empleyado. Mahirapa na kasi, kagaya nang una nyang naisip. Baka nag lalaro lang ito.



Sa naisip ay mas lalo syang naging determinado na iwasan ito.



Dahil sa sunod suod na trabaho at kaliwa't kanang meetings at hindi na nya namalayan ang oras. Kung hindi pa tumawag sa kanya si Larry ay hindi nya malalamang hapon na.



Tumawag ito sa kanya upang tanungin ang oras ng kanyang uwi. At kung magpapahintay pa ba sya sa kaibigan. Nasanay na kasi silang dalawa na laging sabay na pumapasok at umuuwi. Ito ang naghahatid at sundo sakanya dahil on the way naman ang kanyang bahay kay Larry.



"Babe still there? ano how long will you let my beauty wait? Wag mong sabihing forever mo kong paghihintayin dito. Isa pa hindi ka pwedeng masyadong mag pagabi ngayon remember? Kaya bumaba ka na." Mahaba at makahulugang pahayag nito. Hindi man lang sya binigyan nang pagkakataon ng kaibigan na kumontra.



"Oo na po nag aayos na. Hintayin mo nalang sa ako sa lobby para hindi ka na umakyat dito. Mag paganda ka muna dyan para hindi ka mainip."



"Tse!" natatawa nyang ibinaba ang cellphone at nag simula nang mag ayos.



Muntik na nyang makalimutan na hindi sya pwedeng mag pagabi ngayon dahil tiyak na mag tatampo si miko, lalo pa at espesyal ang araw na ito para sakanila. And speaking of special kailangan pala nilang dumaan pa ni larry sa grocery upang mabili ang kanyang mga kakailanganin sa pag luto ng paborito nitong ulam.



Mas binilisan nya pa ang kanyang pag aayos at bumaba na nang opisina.



Lockheart Series- My Hot Boss (editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon