Chapter 26: Tabs?

691 22 11
                                    

Chapter 26: Tabs?

 

 

 

SAPPHIRE’S POV:

“Red!” pang aasar na bungad sakin ni Ice pagkapasok na pagkapasok sa classroom namin.

Halatang ako yung sinabihan dahil nakangisi sya sakin ng parang aso. Sakin lang nya ginagamit yan pre, yung ngising aso nya ah, di yung… pfft. Red? =_=

“Pwede ba tumigil ka? Bigla tuloy akong nabadtrip dahil nakakita akong panget na tulad mo, baks panget.” cold na sabi ko sa kanya sabay tingin sa kanya ng malamig.

Nanlaki naman ang mata nya at tumingin sakin na parang di makapaniwala. Nanigas din sya sa kinauupuan nya.

Manigas ka dyan, kung gusto mo magdamag pa. walang pipigil sayo =_=

“W-what? P-panget?! Like the F***! Napakagwapo ko masyado para masabihan ng ganyan! Kahit haggard na haggard ako, di pa rin nawawala ang sex appeal ko, you know! Red!”

Sabi nya at hinahaplos haplos pa nya yung mukha nya na parang di makapaniwala at bilib na bilib sa sarili nya. Muntanga =_=

“Ngayon na ang fieldtrip natin!” sabi ni Mam pagkapasok na pagkapasok nya sa room. Naghiyawan naman sila.

Feeling nila di nila alam. Shete =_=

=-=-=-=-=-=-=-=-=

“ Yahh! Ako katabi nya!” nag-tatantrums na sabi ni Erich kay Ice.

“Ako katabi nya, diba? Red?” nakangising sabi nya sabay ngisi sakin.

Napa ismid naman ako. atsaka tumingin sa kanilang dalawa.

“Ayoko makatabi ng madaldal, ang ingay kasi. Ayoko din makatabi ng mayabang, baka kasi liparin ako sa kayabangan. Paminta naman.” Sabi ko habang nakatingin sa bintana. Binulong ko yung banda dulo, aba, mahirap na kung malaman nya na alam ko ano?

“Ano sabi mo? Papable? Red! Tsk! Gwapo ko talaga!” sabi nya sabay upo sa tabi ko na parang di napapansin si Erich na halos mangiyak ngiyak na dahil alam nya na parang wala syang pag asa na makatabi ako.

Bloody AngelOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz