CHAPTER 20: Be brave.

756 25 8
                                    

CHAPTER 20: Be brave.

 

 

MOND'S POV:

 

 

(Oh, bianca. Bakit ka nandito? Papatayin mo ba ako? Oh F*ck, masamang damo ako kaya di agad mamamatay. Ha-ha. O ano?)

P-princess?

(T*ngna mo. Mamaya pa kita papatayin. Kakausapin ka ng pinakamamahal mong kuya. Ohh, bilis, baka mag-bago pa ang isip ko at patayin na kita habang tumatawag tong kuya mo. Pasalamat ka, may utang na loob ako sa kuya mo.) sabi ni Bianca na tila naiinis. Baliw na sya.

Sa tingin ko ay yun rin ang tingin nila. Napatingin ako sa mga kasama ko.

Tila seryoso sila habang nakikinig sa pag-uusap namin.

"Princess, kamusta ka na dyan?" sabi ko sa telepono. Pinipigil kong wag kumawala ang luha ko galing sa mata ko, ngunit huli na ang pag-pigil ko. Kusa itong tumulo na para bang may sariling utak. How Gay eh?

Minamahal ko kasi ang kahinaan ko. Tuwing na lamang na may mangyayaring masama sa kanila ay parang sumisikip ang dibdib ko. Dahil dun ay nahihirapan akong huminga at nagiging mahina na ako.

(K-kuya Mond, buhay pa naman ako eh.) napansin kong garalgal ang boses nya. U-umiiyak ba sya?

(P-princess, umiiyak ka ba?) sabi ko ng nag-aalala. Pinilit kong wag umiyak lalo dahil ako ang pinaka-matanda dito sa grupo. Magiging walang kwenta lamang ako kung di ako magiging matapang at malakas.

(K-kuya, h-hindi ah. P-pero kuya, a-alam mo na ba... na g-gangster ako? *sniff*) napatigil ako sa sinabi nya.

"Oo. Princess, kung inaakala mong galit ako sayo ay nag-kakamali ka. Nakaramdam ako ng tuwa at tampo. Natutuwa ako kasi napapatanggol mo na ang sarili mo, pero sa ibang paraan."

(K-kuya...)


"Nakaramdam naman ako ng tampo dahil di mo sinabi samin nila Alex. Alam mo naman na magagalit kami pero matatanggap naman namin yun diba? Kasi yun ang gusto mo, diba prinsess?" natatawa kong sabi para naman ay mag-karoon sya ng lakas ng loob na pwede pa syang makatakas dun.

Bloody AngelWo Geschichten leben. Entdecke jetzt