"Hoy! Todo support kay kay Jao ah? Tignan mo nga si Aivan! Pinapagalitan na ng coach nila." Ani Liz.

Napatingin naman ako sa gawi ni Aivan. Nakayuko siya habang tila pinapagalitan ng kanilang coach. 'Yan! 'Yan ang napapala niya sa kayabangan niya.

"Kanina pa masama ang tingin niyan kay Jao. Mukhang nagkakainitan nga sila, eh. Palibhasa nakatutok ka lang kay Jao."

Hindi ko na siya inimik. Hindi ko naman talaga napansin si Aivan, malay ko ba? At isa pa, ano nga ba ulit ang pakialam ko sa kanya?

Nagsimula na ulit ang laro. Gitgitan, parehas magagaling kaya hindi na nagkakalayo ang score. Hanggang sa maka-abot na sa 4th quarter ng game ay gitgitan pa rin ang laban.

Napapansin ko lang din kay Aivan na mukhang hindi na nga niya ine-enjoy ang laro. Mukhang nakikipag-initan na siya kay Jao. Sa ngayon ay lumamang na ng isang puntos ang ang team nila Aivan, 86-85 ang score. 35 seconds na lang ang natitirang oras at hawak naman ng grupo nila Jao ang bola. Kapag nai-shoot ng grupo nila Jao iyon ay tiyak na panalo na ang school namin.

Nasa aktong i-shoot na sana ng ka-team nila Jao ang bola nang maagaw iyon ng kabilang panig, ten seconds na lang ang natitira at nang ipinasan iyon ng lalaki kay Aivan ay mabilis iyong itinira ni Aivan sa ring. Nakapuntos tuloy ng three points.

Natapos ang laban, panalo sila Aivan. 89-85

Tatayo na sana ako para lapitan si Jao nang makita ko si Aivan na nasa harapan ko na. Badang-basa ng pawis ang buong katawan, nagulat ako ng umupo siya sa tabi ko.

"Hindi mo talaga ako kakausapin?"

Hindi ko siya kinibo. Ang akala ko nga ay magsasalita siya pero nagulat ako nang ilagay niya sa kamay ko ang tuwalyang hawak niya at iminwestra iyon sa katawan niyang basang-basa ng pawis.

Hindi ko maigalaw ang kamay ko sa hindi ko malamang dahilan. Ewan ko ba, pero napapatitig lang ako sa kanya habang hawak niya ang kamay kong nagpupunas ng pawis niya.

Nang magapos ang pagpupunas ng pawis ay saka niya ibinigay sa akin ang bag niya, "Nandyan 'yung tubig ko."

"Hindi ako ang yaya mo." Sagot ko.

Humarap naman siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Iniiwas ko iyon pero mas lalo niyang hinihigpitan ang pagkakakapit niya sa akin, "Nanalo kami sa game. Kaya h'wag mo nang aasahan na lalapitan ka pa ni Jao, may mapag-usapan kaming dalawa."

Napakunot ang noo ko.

"Kapag nanalo ang team niya sa game, lulubayan na kita.... Pero kapag ang team ko naman ang nanalo, hindi kita titigilan." Sabi niya sa akin habang nakangisi, "Kahit naman matalo ako. Hindi pa rin ako titigil sa kakasuyo sa'yo. Ayokong tigilan kita sa kakahingi ng patawad. Ngayong kaharap at kausap na kita, gusto kong sabihin sa'yong humihingi ako ng tawad. Mali ako, sobrang mali ako. Huli na nang marealized ko ang kamalian ko, pero maniwala ka, Avy. Totoo ito, totoo lahat ng sinasabi ko sa'yo ngayon. Walang haling biro o kahit na anong kalokohan, Sorry."

Nakatitig lang ako sa mukha niya, napansin ko ang pagtulo ng luha n'ya sa gilid ng mata niya, "Sa sobrang dami ng kasalanan ko sa'yo. Hindi mo na siguro akong kayang patawarin, pero hindi ako tigigil. Hindi ako mapapagod, dahil alam ko.... Balang araw, mapapatawad mo rin ako."

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.

"Nasaan na ang tubig ko?" Tanong niya sa akin.

Binuksan ko naman ang bag niya para kunin sana ang tubig niya pero nagulat ako sa nakita ko. Punong-puno iyon ng papel at nang buklatin ko ang isa sa mga papel ay nabasa ko ang salitang "SORRY" All caps iyon dahil sulat kamay iyon ni Aivan na mahilig sa mga capital letters.

Napatingin ako kay Aivan na ngayon ay may hawak nang bouquet ng bulaklak. Hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon, "Sorry, Avy... Alam kong kulang pa iyan, pero pangako. Totoo ang lahat ng 'to."

Napa-irap ako at nang may maisip ay pasimple pa akong napangiti.

"Bakit ka ngumingiti diyan? Okay na ba tayo? Pinapatawad mo na ako?"

Kibit-balikat ako bago muling magsalita, "Patatawarin lang kita kung....."

Pansin ko naman ang pagliwanag ng mukha niya na tila ba excited sa susunod kong sasabihin, "Kung ano? Patatawarin mo ako kung ano?"

"Kakantahin mo ang despacito ng naka-boxers lang habang gumigiling-giling. Patatawarin kita."

"Huh? Ayoko nga!" Sabi niya sabay busangot ng mukha.

Mas lalo akong napangiti, "Hindi tayo okay. Hindi kita mapapatawad."

Mabilis naman niyang hinawakan muli ang kamay ko, "Sigurado ka ba talaga na pakakantahin mo ako ng kantang iyon? Hindi naman ako singer ah? Gwapo ako pero di ako singer.... At saka, sigurado ka ba talaga na gusto mong naka-boxers lang ako? Paano kapag nakita ng mga babae 'yon? Magagwapuhan sila sakin tapos magkaka-crush sila sa akin... Gusto mo ba 'yon? Tapos gigiling ko? Oo, macho ako at gwapo ako pero hindi ako macho dancer."

"So?" Napa-irap ako.

"Gusto mo bang gawin ko iyon? Ha?" Aniya

Tumango ako, "Go na."

"Zach!" Nagulat ako nang narinig kong tinawag niya si Zach na nasa may hindi kalayuan mula sa pwetso namin, "Turuan mo nga akong sumayaw na parang si Justin Bieber! Yung gumigiling ah? At saka may boxer ka ba diyan? Pahiram nga! Brief lang kasi 'yung suot ko ngayon."

Shocks.

🔆🔆🔆🔆

FYI: May story din sila Zach at Liz, kumpleto na siya. Ang title ay "Loved You First" Marami din akong story na pwede n'yong basahin habang naghihintay ng update.

Prince Of The Womanizers (Completed) Where stories live. Discover now