Magsasalita pa sana ako nang marinig namin ang tila pagdagundong ng buong gym. Grabe! Sobrang ingay! Lahat na nga yata ng tao dito sa gymnasium ay tumitili at sumisigaw.

Nang balingan ko ng tingin ang entrada ng gymnasium ay nakita ko ang grupo mula sa kabilang eskwelahan at halos mamilog ang mata ko nang makita ko si Aivan na naglalakad kasama ng mga ka-teammates niya. Varsity rin pala siya sa school niya ngayon?

"Okay ka lang ba, Avy?" Naramdaman ko ang hininga ni Jao sa may bandang tainga ko. Sobrang lapit pala naming dalawa sa isa't-isa.

"Okay lang." Sagot ko at saka ngumiti sa kanya.

Alam ko naman, at ramdam ko na nakita na ako ni Aivan ngayon.

Napalunok ako nang marinig ko si Zach na tinawag si Aivan.

"Aivan! Pare?!"

Lumapit naman si Aivan sa pwesto namin at nakipag-apir pa kay Zach, "Magkalaban na tayo ngayon." Natatawa-tawang sabi ni Zach kay Aivan.

"Oo nga eh," Sabi naman ni Aivan.

Nang balingan ko ng tingin si Aivan ay nakatingin pala siya sa akin. Hindi ko alam pero pansin ko na mukhang wala siya sa tamang konsentrasyon sa ngayon. Mukha siyang bad trip.

"Pare." Tawag ni Aivan kay Jao na nasa tabi ko.

Napakunot ang noo ko, "Pwede ba tayong mag-usap?"

Tumingin naman ako kay Jao, "Uh... Avy. Usap lang kami, saglit lang 'to." Sabi ni Jao sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang tumango hanggang sa lumayo na silang dalawa ni Aivan.

Sana lang ay hindi sila mag-away na dalawa.

Ilang minuto rin ang hinintay ko bago magkasunod na bumalik si Jao at si Aivan. Parehong malalim ang mga mukha nilang dalawa at napansin ko pa na may sugat sa may bandang labi si Jao at gayon din naman si Aivan.

Napa-iling na lang ako, panigurado. Away iyon. Kahit kailan talaga si Aivan, walang ibang ginawa kundi ang makipag-away at makipag-basag ng ulo.

"Okay ka lang, Jao?" Sabi ko sa kanya nang makalapit siya sa may pwesto ko.

Tumango naman siya at umakbay sa akin, nakita ko pa si Aivan na nakasimangot na nakatingin sa amin habang kinakausap siya ng coach niya.

"Okay lang ako, Avy. Wala 'to." Sagot sa akin ni Jao.

Tumango naman ako at hindi na nagtanong pang muli sa kanya, "Galingan mo na lang mamaya, Jao. Good luck." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya.

"Salamat, gagalingan ko talaga."

Tinawag na sila ng coach nila, kaya si Liz na lang ang kasama ko pero may ginagawa naman. Kanina pa niya kasi kinukuhanan ng litrato si Zach na nagpapapogi habang kinakausap ng coach.

Ilang saglit pa ay nagsimula na ang laro nila at unang nakapuntos ay ang grupo nila Jao. Napatayo pa ako sa tuwa dahil si Jao pa ang naka-puntos.

Hanggang sa matapos ang unang quarter, nangunguna ang grupo nila Jao. 36-24. Talagang magaling maglaro si Jao, nakita ko na kasi siyang maglaro ng basketball ng ilang beses, magagaling din naman ang ka-grupo niya kaya pinagsama-sama ang galing nilang lahat.

Prince Of The Womanizers (Completed) Where stories live. Discover now