Chapter 43 (part 1): A Week of Truth.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kahit kelan Jethro ang ingay mo" Sabi naman ni Warren

"Hi Miss!" bati sa akin nung nasa likod na lalaking maputi

"Hoy Andrew!" Sabay lapit sa akin ni Warren "Ano bang sabi ko sa inyo? Lagot kayo sa akin sa practice mamaya" 

"Hindi na captain" Lahat sila sabay-sabay pa niyan.

"For dito tayo sa may gitna. Sorry I cannot give you the place beside the window"

"Ayos lang kahit hindi"

"Si Pat kasi madaling mahilo pag di siya ang nagdadrive so kailangan nasa malapit siya sa window"

Napatingin ako sa may tapat ko. Si Patrick na pala to. Naka-red siya na jacket at nakaharap sa bintana. Parang di niya ako napansin.

"Sakay na" Pinauna na ako ni Warren.

"Hi Patrick" Binati ko na lang si Patrick nung nakasakay na ako.

"Hi" Di parin siya lumingon sa akin "Tara na manong"

Pinaandar na ni manong yung van at umalis na kami.

Di masyado maingay sa van karamihan kasi tulog. Si Patrick nakatingin lang sa labas. Nakakailang naman ang ganito. Nakatingin ako sa kanya nung biglang hinawakan ni Warren yung kamay ko at ngumiti. Ang pwesto kasi namin sa van ay si Warren ako then si Patrick.

"Gusto mo matulog?" Tanong ni Warren.

"Maya-maya siguro" 

Dineretso ko na lang ang tingin ko. habang nakahwak sa kamay ni Warren. Unting byahe lang naman to. Walang dapat ikailang.

Pero ang unting byahe lang ay napakalayo pala. Nakatulog na ako at nung maalimpungatan ako eh nakasandal na ako sa balikat ni Patrick. Aayusin ko na sana yung ulo ko nung maramdaman ko na inangat ni Warren yung ulo ko ng dahan-dahan para isandal sa balikat niya. Napapikit na lang ako.

Narinig ko pa nagsalita si Warren ng

"Sorry tol" para kay Patrick.

"Ayos lang. Ang himbing ng tulog ni Elise ah?" sabi naman ni Patrick.

"Oo nga eh"

After nun wala na akong narinig pa na nagusap sila. Nakatulog na rin ako ng tuluyan.

Yung sunod ko na gising eh yung biglang naramdaman ko na may humalik sa ulo ko.

"For, we're here"

Umayos ako ng upo. 

"Ang mantika mo matulog"

"Hindi naman ah?"

"Oo sumandal ka pa nga kay Patrick pwede naman sa akin" Nagpout bigla si Warren

"Sorry" biglang sumeryoso yung boses ko nun.

Alam kong di nagbibiro lang ang pagseselos ni Warren pero parang natatamaan ako. Siguro kasi sa nangyari dati sa amin ni Patrick.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon