"Miss mo na ako agad?" Imbes ay nang aasar pa na tanong nito.

Kumurap kurap ako. "Hindi no, kapal mo." Mariin na sagot ko, tumawa lang sya. Kinapa ko yung pera sa bulsa ko at nilabas. "Eto, sukli sa pamasahe kahapon."

Tiningnan nya lang yung kamay ko. "Keep the change." Pa cool na sabi nito.

Umiling ako. "H-hindi, sobra sobra naman talaga yung binigay mo. Sige na, kunin mo na."

Nagkamot sya ng ulo. "Keep it. Ipang lunch mo na lang." Tapos iniwan nya na ako.

Hindi pumasok si Joon nung araw na iyon. Sa third day na nga ng school sya pumasok, hindi na naman pumasok kinabukasan! Mabuti na lang din, at least hindi ko na kailangan mag explain kung nagtulong ba kami sa pag gawa ng assignment o hindi sa English.

"Uy, close ba kayo ni Shin? Nakita kita kahapon na naka sakay sa motor nya." Si Kaye.

Kakaalis lang ni Mrs. Reyes at di pa dumadating yung next subject teacher namin.

"H-hindi."

Tumango tango si Kaye. "Mag iingat ka dun, babaero din yun eh."

Natawa ako. As if!

"Bakit ka natawa?" Nagtataka na tanong ni Kaye.

"Wala naman. Wala naman ako gusto dun, no." Inikot ko pa ang eyeballs ko.

Kaye laughed. "Sabay tayo mag lunch mamaya, gusto mo?"

Natuwa ako sa sinabi nya. "Sure! Okay lang ba sa inyo?" Tatlo kasi silang magkakasama tuwing lunch eh.

"Oo naman. Kahapon ka pa nga dapat namin i iinvite, eh mukang hindi ka ata nun pupunta sa canteen." Liningon ni Kaye sila Trisha at Sally. "Diba?"

Tumango yung dalawa. "Sama ka na lang samin tuwing lunch, wala ka namang kasama." Sabi pa ni Trish.

Sunod sunod ako'ng tumango. "Salamat!"

Dumating na yung second subject teacher namin. In between discussions, sinusulat ko na lang yung assignment na nacheck-an na na sa iba'ng papel para ibibigay ko na lang mamaya kay Shin. Medyo natutuwa rin ako kasi Friday na at walang pasok ng dalawang araw.

Recess. Kagaya ng napag usapan, isinaman ako nila Kaye sa canteen. Nasa kalagitnaan na kami ng pag uusap at pagkain ng biglang lumapit sa akin si Shin.

Ok, parang tumigil ang pag hinga nila Trish at Sally.

"Hi. Yung notebook ko?" Tanong ni Shin sa akin.

"H-hindi ko dala, nasa bag ko. Sana sinabi mo na kukunin mo ng recess." Sabi ko.

"Hmmm." Nasa mesa namin ang dalawang kamay ni Shin. "Okay, ihatid mo sa room namin after mo dyan. Ibigay mo sa akin personally, ha." Yun lang at umalis na sya.

Itinuloy ko na ang pagkain ko.

"Grabe! Bakit ganun kayo mag usap? Magkakilala na ba kayo dati pa?" Kinikilig na tanong ni Sally.

Napalabi ako. Mukha ba kaming matagal ng magkakilala? "Hindi, kahapon lang kami nagkakilala. Mahabang kwento. Hiniram ko kasi notebook nya." Sabi nya na lang.

Pero talagang curious ata to'ng mga to. "Talaga? Alam mo ba, first year pa lang ako, crush ko na yan? Haaay. Grabe. Ang lapit nya pero ang hirap abutin." Biglang lumungkot si Trish.

"Oh, oh. Yan na naman kayo sa mga crush crush nyo. Wala naman kwenta yang mga gangster na yan, eh. Kita mo yung mukha nung Shin na yun. Mukhang nakipag bugbugan na naman kagabi. Wala kayo mapapala sa mga yan." Naiiling na sabi ni Kaye.

Seducing Bad Boys (Published)Where stories live. Discover now