Pang-labing-isa

483 18 5
                                    

Kabanata 11

"Shion! H-hindi ka pa umuuwi?"

Lumapit si Shiela kay Shion at halatang naiilang kay Fitz. Si Fitz naman ay sakin lang nakatingin kaya nagiwas ako ng tingin.

Ugh... lagi nalang ako napapaiwas.

Hindi sinagot ni Shion si Shiela at dumiretso papasok ng club room. Pinanuod namin siyang lumapit sa pwesto namin ni Glace hanggang sa tumabi si Glace sa gilid at ngayon ay nasa harapan ko na si Shion.

Nagkatitigan kami.

"Shion." Tawag ni Fitz sakanya.

Saglit niya pakong tinignan bago umirap at kinamot ang ulo. "Excuse."

"H-huh?"

"Excuse me." Sabi niya kaya awkward akong tumabi sa gilid kung nasan si Glace.

Pinanuod ko siyang lumapit sa bintana at buksan ito. Akala ko kung ano ng gagawin niya pero kinuha lang pala niya ang bag niya.

...?

Sa labas niya kinuha ang bag niya? San niya nilagay yun? Pano kung mahulog yun eh nasa 4th floor pa naman kami???

Nakita kong ngumisi siya bago isarado ang bintana at naglakad pabalik sa tabi ni Fitz.

"Uwi na tayo Sari." Malamig na sabi Fitz.

Balak kong magdahilan sana pero nagsalita na si Shiela.

"Uwi na pala kayo Sari. Sige bukas nalang natin ipagpatuloy to." Pilit tumawa si Shiela sabay kuha sa bag ko at bigay sakin.

"S-sanda--"

Lumapit si Shiela sa tenga ko at bumulong. "Call later." Tapos bineso-beso ako at tinulak na palabas ng club room. "Bye girl!"

Para akong tuod na nakatingin sa pinto na kasasara lang.

Dmn this is awkward.

Tapos wala pako maisip sabihin o gawin.

Kainis. Bakit ganito?

"Tara na." Narinig ko na sabi ni Fitz.

Lilingonin ko na sana siya pero hinawakan niya na ang kamay ko at hinila papalayo sa clubroom.

Tahimik lang kami naglalakad kaya naisipan ko magtanong.

"Uh magkakilala pala kayo ni Shion?" Tumingin ako kay Shion na busy sa pakikinig ng music sa iPod niya.

"Shem's Brother." Tanging sagot ni Fitz.

Tumango-tango nalang ako nang mapansin ko na pinagtitinginan si Fitz ng mga estudyante na madadaanan namin.

Tinignan ko siya. Oo nga pala, wala siyang pang-itaas.

"Bat wala kang damit?" Tanong ko. Hindi ko sinasadya pero may bahid na pagkairita sa boses ko kaya siguro huminto siya at tumingin sakin. "I-I mean bat wala kang pang-taas?"

"Does it bother you?"

"Obviously! Tignan mo oh pinagtitinginan ka dahil wal--"

"I dont care."

Tinitigan ko siya pero hindi siya natinag kaya umiling nalang ako at huminga ng malalim.

"You're with me so you should care." Sabi ko.

Bigla siyang yumuko kaya nagulat ako.

"F-fitz?"

Tawag ko pero hindi niya ko pinansin at sa halip ay binitiwan pa ang kamay ko.

Lumapit siya kay Shion at may binulong rito. Si Shion naman ay saglit tumingin sakin at umirap nanaman. Pagkatapos kinuha niya ang bag niya sa likod niya at nilabas ang isang T-shirt.

Ngumiti si Fitz at kinuha ito tapos sinuot niya sa harapan ko.

"Okay na?" Tanong niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumango nalang ako. Ngumiti siya ulit at hinawakan ang kamay ko bago maglakad ulit.

Bakit ganito? Bakit parang.. ugh.. hindi ko ma-explain.

Nakarating na kami ng parking lot kung san naka-park ang kotse niya.

Sumakay na si Fitz sa driver's seat at ako naman sa passenger's. Nagtaka ako ng sumakay si Shion sa backseat at napansin siguro ito ni Fitz dahil agad niyang sinabi na humingi daw ng favor si Shem na ihatid si Shion kaya ayun umalis na kami sa school.

This time hindi na ako nagaalala sa pagddrive ni Fitz dahil may special license pala na naka-issue sa kanya.

Mabilis ang oras at finally nakauwi na kami. Habang nasa daan kanina napansin ko na malalim ang pagiisip ni Fitz pero hindi nako nagtanong. Si Shion naman hanggang mahatid namin ay masama ang tingin sakin. I dont know why but ever since nagkakilala kami ay ganun na siya.

"Sari hija, nakauwi kana pala. May package oh para sayo." May dala-dalang maliit na rectangular box si Manang kaya tinignan ko ito.

"Kanino po galing?"

"Ay walang sinabi eh basta nitanggap ko lang."

Tumango ako at nilibot ang tingin sa bahay namin.

"Nakauwi na po ba si Ate?"

"Si Yumi? Gagabihin daw siya."

"Eh si Mommy po?"

"Nasa France."

Nagulat ako. "Pano po napunta si Mommy sa France?"

"Sumakay ng eroplano." Humalakhak si manang kaya sumimangot ako.

"Manang naman e.."

"Biro lang hija! Alam mo naman yung nanay mo, kung san-san nadadala ng punja niya. Osya sige magluluto nako."

Umiling ako pagkaalis ni Manang. Siya kasi nagalaga kay mommy nung bata pa siya kaya parang family na namin siya.

Naupo ako sa sofa at binuksan ang box na binigay ni Manang sakin.

Sumingkit ang mga mata ko ng makita ko ang isang magarang bistida na kulay luntian kasama ang isang imbitasyon.

You are invited to Claudette Montefalco's Sweet 16 Birthday Party

Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone ko.

Number lang...

Sinagot ko ito pero hindi ako nagsalita.

("Sari? Are you there?")

Nabosesan ko ito. Si Shiela pala. Nakalimutan ko i-save ang number.

"Ah.. bakit?"

("Natanggap mo ba yung package?")

Tinignan ko ang box sa harap ko.

"Mhm.. sayo galing to?"

("Haha hindi! Hindi ko afford yan. Sila Alyssa may bigay. Napagusapan kasi na maganda opportunity kung aattend ka sa birthday ni Claudette.")

Hindi ako nakasagot agad. Ang anti-elijah pala may pakana nito. I should've known.

("Helloo? Siguro nagtataka ka pano nakuha address mo no? RK kasi sila Alyssa kaya na-bribe yung admins haha ang kewl nila e no.")

"RK?"

("Rich kid. Nu ba girl! Halatang di ka social e. Told ya loosen up! Osige na I need to go. See you sa party! Bye!")

At binaba niya na ang tawag.

Inabot ko ang invitation at tinignan ito.

Tama ba na pumunta ako doon?

Chineck ko ang date at venue ng party.

Saturday evening
City of Dreams

You Bury Me (Azrael Montefalco FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon