Pangsiyam

496 14 1
                                    

Kabanata 9

Ilang araw makalipas ang nangyari sa club ay nagkaron kami ng class meeting para sa gaganaping prom.

"I personally dont think na unneccessary ang meeting natin ngayon." Reklamo ni Fitz.

Napa-facepalm ako. Siya pa naman ang class president namin tas siya pa unang nagreklamo.

"Thaddeus kasi yung arts club president gustong idecorate yung crafts nila sa event." Sabi ni Karlo, class vice-president namin.

"Oo nga kaya naisip namin kung gumawa rin kaya tayo ng ikakasikat ng klase natin." Sabi ng classmate ko na nasa likod. I don't know his name.

"We don't need to be popular." Sagot ni Fitz nang biglang hinawakan ni Janella, secretary ang kamay ni Fitz "Give it some thought Theeds." Sabi niya.

Theeds... what a nickname.

"Kamay mo." Malamig na sabi ni Fitz.

Nagulat ako...

kaming lahat actually.

Hindi ito yung first time na hinawakan ni Janella ang kamay ni Fitz. She's like a leech na kukunin lahat ng chance madikit o mahawakan lang si Fitz but he will gently reject her pero ngayon...

Tinignan ko si Fitz na seryosong nakatingin sa suggestion papers na hawak niya habang si Janella naman ay halatang nasaktan at bigla nalang tumakbo palabas ng classroom.

"Hard mo pre." Natatawang sabi ni Shem, tropa ni Fitz.

Nanatiling tahimik si Fitz habang nasa papel parin ang tingin.

Naisip ko si Azrael... how about him? Pag ba may nanlandi sa kanya.... will he shake her off? or will he--sympre lalandiin din niya! Sht.

Natapos ang class meeting ng hindi ako masyado nakinig. Sakto kasi pagtapos ng meeting ay tumawag si Shiela para sa club meeting naman. Hays. Puro meeting. Hectic. Malapit na kasi mag-end ang school year kaya ganito.

"Sari baka hindi kita mahatid mamaya."

Liningon ko si Fitz na nagaayos ng mga papel sa table kasama nung mga tropa niyang naiwan.

"Okay lang." Sagot ko pagsuot ko ng bag. "Ingat ka."

Lalabas na sana ako ng bigla siyang sumulpot sa harap ko.

"S-seryoso?" Aniya.

"Huh?"

Nag-iwas siya ng tingin at hinawakan ang batok niya. "Joke lang. Sabay tayo uuwi."

Bumalik na siya sa mga kaibigan niya at pinagpatuloy ang ginagawa.

Ano kaya yun?

Nagkibitbalikat nalang ako at dumiretso na sa club room namin.

Sa totoo lang medyo nahihiya akong makita si Shiela at feeling ko ganun din siya sakin.

After kasi nung nangyari samin ni Fitz ay tinawagan ako nung bartender gamit ang phone ni Shiela. Sabi niya masyado daw nalasing si Shiela at hindi niya to mahahatid kaya humingi siya ng favor.

Napaisip ako kung anong meron sa kanilang dalawa pero hindi ko na masyado binigyan ng pansin yun at sinundo na siya.

Sa daan habang nagddrive si Fitz at kaming dalawa naman na nasa backseat, sumandal si Shiela sa balikat ko at humingi ng sorry.

"Bakit?"

"Nakita mo ko na nilalandi yung boyfriend mo e at alam ko galit ka kaya sorry. I-I think influence lang yun ng alak so sana hindi tayo magkagalit." Paliwanag niya.

You Bury Me (Azrael Montefalco FanFic)Where stories live. Discover now