Pangpito

771 17 1
                                    

Kabanata 7

Is.. that...

Nanlaki ang mga mata ko ng silipin ko kung anong meron sa gitna namin ni Azrael habang hinahalikan niya ang likod ng tenga ko.

Oh my god!

"L-lumalabas..."

Nasabi ko pala yun ng malakas dahil huminto siya sa ginagawa niya sakin.

Tila nabato ata siya sa kinatatayuan niya kaya tinignan ko ang mukha niya.

Nagkagulatan pa kami kasi sobrang laki ng mata niya at pati pisnge niya  sobrang pula.

"HOY!"

Halos mapatalon ako sa gulat ng may isang lalaki na humila kay Azrael at parang sinakal siya gamit ang braso nito.

"Kuya! Ugh! Hindi ako makihinga!" Reklamo ni Azrael habang sinusubukang kumawala dun sa lalaki.

Kuya? Kapatid niya?

Tinignan ko mabuti yung lalaki. Ngayon ko lang siya nakita pero hindi mapagkakailang related siya kay Azrael.

"Azi, I know sabik ka sa babae pero pumili ka naman ng lugar!" Umiling ang kuya niya tapos tinignan ako.

Pinasadahan niya ako ng tingin kaya yumuko ako.

Nakakahiya!

"Kapatid talaga kita haha ganda ng taste mo." Humalakhak ito pero si Azrael ay mukhang badtrip.

"Just fcking let me go kuya please!" Bahid ang inis sa boses ni Azrael at lalo naman tumawa ang kuya niya.

"Aba first time to ah. You sound really frustrated." Humalakhak ang kuya niya at pinakawalan na siya na may ngisi sa mukha. "Iba na talaga pag nagbibinata."

Tinignan ko si Azrael. Nakasimangot siya habang hinihimas ang leeg.

"Oh Elijah!" Sigaw ng kuya ni Azrael. "Uuwi ka na?"

Lumingon ako sa gilid. Nakita kong umilaw ang isang sasakyan kung san patungo si Elijah. Tila binge siyang sumakay rito at pinaharurot ang kotse paalis.

"Tignan mo yun isnabero! Tsk. Umuwi kana din." Nilapitan ng kuya ni Azrael siya at binuksan ang pinto ng driver's seat.

"Wait! I need to drive her home!" Tinuro ako ni Azrael at napailing agad ako. Lalo siyang sumimangot at hindi parin pumasok sa kotse.

I can't go with him... baka kasi...

"Dali na!" Tinulak siya ng kuya niya sa loob pero ayaw parin niya pumasok. "Nagtext si Dette Dette, hinahanap ka daw ni Dad."

Nagsalubong ang kilay ni Azrael. "What for?"

Nagkibitbalikat lang ang kuya niya.

"But I need to--"

Pinutol ng kuya niya ang sasabihin.

"Stop it Azi. Ako na maghahatid sa kanya." His kuya waved at me. "Okay lang diba?"

Tinignan ko si Azrael.

His eyes... parang sinasabi niya na wag akong sumama sa kuya niya.

God... don't make this hard for me.

Tumango ako.

"See? Dont worry safe siya sakin. I'm not sexually frustated like you." Tumawa ng malakas ang kuya niya.

Nakita kong namula ang mukha ni Azrael at padabog na sinara ang pintuan ng kotse niya.

Lumayo ang kuya ni Azrael sa kotse at ganun din ako. Tila isang minuto ata ang nakalipas bago niya sindihan ang makina.

Hindi ko alam bakit pero pakiramdam ko ay tila nag-slow motion ang paligid habang nakatingin ako sa kotse niyang palabas sa parking lot.

Wala na siya...

"Hey?" Tawag sakin nung kuya ni Azrael. "I'm Knoxx. Knoxx Montefalco, Kuya ng kahalikan mo kanina."

Feeling ko lahat ng dugo ay umakyat na sa ulo ko habang siya ay tumatawa naman.

This is so embarrassing!

Nilahad niya ang kamay niya at nahihiya kong kinuha iyon.

Nag-shakehands kami at tatanggalin ko na sana agad ang kamay ko pero hindi niya ko binitawan kaya tinignan ko siya.

"Have we met before?" Takang-tanong niya. "You look... familiar."

Umiling ako at ngumisi naman siya.

"Okay. So..." Tinignan niya ko at tinignan ko lang din siya. Awkward siyang napa-ngiti at kinamot ang pisnge. "Are you mute?"

"P-po?"

"Oh you can talk! Haha puro gesture ka kasi.. akala ko tuloy." Tumango-tango siya. "So your name?"

"S-sari."

"Ohh Sari... Sari...?"

Tumaas ang kilay niya na parang may hinihintay. "Sari Ortega po?"

"Nice." Binitiwan niya na ang kamay ko at pinatunog ang isang sasakyan. "San ka nakatira?"

"H-huh? Bakit po?"

Pinaglaruan niya ang susi at sumandal sa kotse niya.

"I told my brother na ihahatid kita. I'm just keeping my word." Naka-ngisi niyang sagot. "At wag mo nako i-po."

Tinignan ko siya. If I let him drive me home malalaman niya san ako nakatira at hindi makakabuti yun. Bumuntong-hininga ako.

"H-hindi na po--err um wag na. Okay lang." Sabi ko at tumalikod na pabalik sa loob ng club pero hinawakan niya ang braso ko.

"Hey I'm not the type to break promises with my siblings."

Pumiksi ako at hinarap siya.

"You didn't promise him. So please..." Marahan kong tinanggal ang hawak niya sa braso ko.

He sighed. "Alright but..." Humilig siya sakin at bumulong. "You shouldn't dress like that if you want to keep your purity."

Tapos lumayo na siya at kumaway sakin.

Oh god.

Mamatay na talaga ako sa sobrang hiya! Sino ba kasing gusto magdamit na parang wala ng saplot?!

"See you around Azi's girl!" Tumawa si Knoxx at sumakay na sa kotse.

Napasapo ako saking noo.

What just happened?!

Tinignan ko ang papaalis na sasakyan ni Kuya Knoxx. Kuya, is it right for me to call him Kuya? Haaay. Ayoko na. Mali to. Maling mali! Kailangan kong makausap si Shiela kaya tumakbo ako pabalik sa loob ng club.

Habol-habol ko ang hininga ko ng sinalubong ako nung bartender kanina.

"Hi!" Bati niya. "Hinahanap ka ng boyfriend mo. Sayang akala ko single ka."

Kumunot naman ang noo ko.

Sinong boyfriend?

"Nasan?"

Ngumiti siya sakin at tinuro ang kabilang dulo ng club.

"Sa may VIP area. Niyaya ni Shils uminom habang hinihintay ka."

"Shils?"

"Shiela?" Pagkasabi niya nun ay tumango nalang ako at umalis na sa harap niya para pumunta sa VIP area.

Medyo nahirapan ako makiraan sa mga sumasayaw sa dance floor. Nakakatakot lang kasi biglang may humahatak sakin pero buti nalang at hindi namimilit.

Pagkarating ko sa VIP area ay laking gulat ko ng makita ko si Fitz.

May hawak siya ng bote ng beer pero mas nagulat ako ng makita si Shiela na naka-upo sa hita niya at halos ipahalik na ang dibdib sa mukha ni Fitz.

You Bury Me (Azrael Montefalco FanFic)Where stories live. Discover now