Pangalawa

1.7K 51 4
                                    

Kabanata 2

Dumating ako sa court.


Halos marindi ako sa hiyawan at tili ng mga babae pero may nakita rin naman ako na mga lalaki. Mas marami nga lang babae. Punong-puno ang court at akala mo may artista na pinagkakaguluhan dahil yung iba ay may dala pang banner at tarpaulin.


Tinignan ko ang center ng court. Andaming naka-harang sa entrance palang kaya sumingit nalang ako.


"GAADD ANG HAWT TALAGA NILA!!" Sigaw ng isang babae sa kanan ko.


"WOOO!! ANG DAMING FAFA!!" Parang kinikiliti naman tong isa sa kaliwa ko.


"GO GO GO E-I-O-N S-A-R-M-I-E-N-T-O!!" Sa harap ko naman ay may tumatalon-talon pa pati rin sa likuran ko na natulak pa ako.


"MGA MONTEFALCO AKIN NALANG KAYO!!"


"GAGA! WAG GARAPAL!"


Mga Montefalco...


I need to see them.


Humanap ako ng magandang pwesto kung san ako pwede makanuood and guess what? Inabot ako ng halos kalahating oras para lang makapunta sa dulo ng court kung san wala masyadong babae na may sapi.


Pinunasan ko ang pawis ko at huminga ng malalim.


Tinignan ko ang mga players.


Sa isang side nakatatak ang pangalan ng team na Crusaders sa harap ng jersey nila. Sa likod nito ay iba't ibang apelido tulad ng Sarmiento, Gonzales, Ramos at iba pa.


Sa kabila naman ay puro Knights at sa likod ng jersey nila naka-print ang apelidong puro


"Montelfaco." Bulong ko.


Tinignan ko sila isa-isa at tulad ng in-expect ko... lahat sila ay may hitsura at magaling mag-laro. Tulad rin ng inaasahan ko, andun si Elijah. Siya ang unang lalaki na Montefalco na nakilala ko dahil kung hindi si Azrael ang kasama ni Klare ay siya naman ang pumapalit.


Naisip ko nga noon na baka love triangle silang tatlo pero imposible kasi mag-pinsan si Elijah at Klare. Nalaman ko na mag-pinsan sila nung nakita ko na nasa top scorers sa exam ang pangalan ni Elijah Riley V. Montefalco.


Bumuntong-hininga ko.


Malandi si Azrael kaya malamang babakuran ni Elijah si Klare. Hindi ko pa nababalitaan naging sila pero sa tinagal na panahon... imposibleng walang nangyayari kay Klare at Azrael.


Umiling ako at nag-focus nalang sa game.


Ayoko ang takbo ng isip ko kasi masyado akong naapektuhan.. masyadong masakit pag naiisip ko na may babaeng mahal si Azrael.


It's okay for him to flirt but I'm afraid that someone will caught his unsettled heart.


Pinagpatuloy ko ang panunuod ng game. Napansin ko na sa lahat ng Montefalco ay may katangi-tangi na hindi mapakali sa iisang lugar kaya hindi ko pa nakita ang mukha niya.
Para kasi siyang kitikite sa likot sa court at kaway pa ng kaway sa mga tao.


Seriously?


Nainis ako. Ang landi pa! Mag-flying kiss ba naman sa audience?!


Sa lahat ng Montefalco siya lang yung laid back maglaro. Siya lang yung parang naglalaro para sa...


"Papogi! Tsk." Humalukipkip ako at nagtaas ng kilay nung nakapag-shoot siya. Tsamba.


You Bury Me (Azrael Montefalco FanFic)Where stories live. Discover now