Panlima

1.2K 33 3
                                    

Kabanata 5

"Here's one order of Piña Colada for a  beautiful lady." Sabi ng bartender.

Ramdam ko ang titig niya pero hindi ko pinansin at kinuha lang ang cocktail ko pero bago ko tuluyan itong makuha ay hinawakan niya ang kamay ko sa baso.

Nanlaki ang mga mata ko at tinignan siya. Anong ginagawa niya?

Inayos niya ang pwesto ng daliri ko sa baso at ngumiti sakin.

"That's how you hold it. Enjoy your night." Kumindat ang bartender bago siya umalis.

Is he flirting with me?

Umupo ako sa stool at ininom yung cocktail. Medyo napangiwi ako dahil sa weird na lasa pero masarap naman.

Tinignan ko ang paligid. Parang rainbow pala dito sa loob ng night club... dark rainbow nga lang. Madilim tas paiba-iba ng kulay. Ang ingay-ingay at usok pa. Pano kaya nila natitiis ang ganitong environment?

Binalik ko ang tingin sa bar counter at pinapanuod yung bartender kung pano siya mag-entertain... more like, makipaglandian sa ibang customers.

I didn't expect bartenders are flirts.

Naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko mula sa pouch kaya kinuha ko ito.

From: The King ♥︎

San ka? Wala ka sa bahay niyo? HAHA

The king?

Chineck ko ang number at narealize na kay Fitz pala to. Iniba nanaman niya pangalan niya sa contacts ko. Nakalagay kasi Fitz dun e aish bahala na nga siya.

Sumisipsip ako onting inumin bago mag-reply.

To: The King ♥︎

Pumunta kang bahay?

Wala pang five seconds pagkasend ko nagreply na siya agad.

From: The King ♥︎

Oo sn kb?

Bakit kaya niya ko hinahanap? Magrereply palang ako ng sumulpot sa gilid ko si Shiela kaya tinago ko na ulit ang phone ko sa pouch.

"Hey! Having fun?" Naka-ngiti siya at mapula na ang pisnge.

Lasing na ba siya? Ganito ba pag nalalasing? Namumula ang pisnge?

Tumango lang ako at ngumiti naman siya.

"Good but you need to loosen up! The Montefalco's like their girl's wild. They like it wild." Sabi niya sabay tawag sa bartender. "One shot of tequilla please! With lemons ha? Hindi orange."

Narinig kong tumawa yung bartender pero ang focus ko ay yung sinabi niya.

They like it wild?

Si Azrael ba...

wild din ang gusto?

Dumating ang order at nakita kong kinindatan nung bartender si Shiela.

"Here," inabot ni Shiela sakin ang maliit na baso at tinuruan ako pano inumin yun. "Gets mo?"

Tumango ako at tinuro yung salt na nilagay niya sa kamay ko. "Lick." tapos tinuro ko yung shot glass. "Drink." Tapos yung lemon. "Suck."

Ngumiwi siya tapos tumawa ng malakas. "Yeah yeah haha that's how you drink it haha--OMG!"

Naputol ang pagtawa niya ng biglang naghiyawan ang mga babae. Tumingin ako sa entrance ng club at nakita ang mga lalaking Montefalco.

"Get your tits ready girl." Bulong ni Shiela. "Remember yung plan natin ah? Ayun si Elijah nakikita mo ba?"

Tumango-tango lang ako habang nginunguso nya kung san pumunta si Elijah pero ang mga mata ko sa iisang tao lang nakatingin.

Kay Azrael na may kinakausap na agad na babae.

"Oy Sari!" Tinapik ako ni Sheila. Tinignan ko siya. "You dont mind me calling you Sari right? Masyadong mahaba yung Sariel e."

Tumango ako.

"So, ready kana?" Tinignan niya ko mulo ulo hanggang paa tapos tinaas niya bigla ang mini skirt ko kaya halos bumalikwas ako sa kaba.

"What're you doing?" Kinakabahang tanong ko sabay baba ng mini skirt na suot ko. Goodness! Ang ikli-ikli na ng suot ko paiikliin pa niya?

"Elijah's into legs y'know? So use it. Maganda kaya legs mo." Sabi niya na medyo sininok pa.

"Let me remind you that Im only--" hindi niya nako pinatapos magsalita at tumalikod na.

"K fine. Do what you want."

Lumunok ako at huminga ng malalim sabay tingin sa kinauupuan ni Elijah. Madilim ang hitsura niya kaya kinabahan ako at inisip na madilim lang talaga dito sa club kaya siguro ganun.

Naman kasi e... why did I even accept this? Just thinking I'd hook up with Elijah, my cousin, ugghh hindi ko ma-imagine but if this is the only to get me and - tumingin ako kay Azrael - him closer... okay nadin.

Baliw na ata ako.

I'm going to break my cousin's heart para sa revenge ng ibang tao... hah... I must be nuts.

Nilapit ko ang kamay ko sa bibig ko para sipsipin yung asin bago ko ininom ang tequilla at muntik nako masuka sa lasa nito. Ugh! Hindi nako iinom nun. Mabilis ko naman sinipsip ang lemon at halos maiyak ako sa lasa nito.

Bakit pakiramdam ko mali yung tinuro sakin ni Shiela? Ugh.

Napalunok ako saka pumunta sa table nila Elijah. Nasa dancefloor nag-e-enjoy ang ibang Montefalco habang mag-isa lang siya dun. Napalunok ulit ako.

Kaya ko ba to?

Kinagat ko ang labi ko at nagipon ng lakas ng loob.

Pero teka... uupo ba ko sa tabi niya? O tatanungin ko muna siya? Naman kasi! Pano ba ang tamang approach?!

Ugh! Bahala na nga.

Hinigpitan ko ang hawak sa pouch ko at magsasalita na sana ng biglang may umakbay sakin.

"Why are you letting this girl stand here bra?" Naningas ako sa kinatatayuan ko. Mula sa square na salamin na nakadikit sa pader, nakita ko siya...

Halos takasan ako ng dugo at parang matutuliro ako sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Get lost Azi." Kinuha ni Elijah ang bote ng beer sa table at ininom ito. "Isama mo narin yan."

Ganito ba si Elijah? No wonder why those girls hate him.

"Rude boy! Tsk tsk." Umiling-iling si Azrael at bumaling sakin. "Bayaan mo na siya miss. Hot lang naman sya e. Ako buring hot, flaming hot, lahat na. I'm everything you need." Ngumisi siya at tila kiliti naman ang hininga niya sa tenga ko kaya hindi ko mapigilang mamula.

"I'll take that blush as a yes." Tumawa siya at hinila ako sa dance floor.

I don't know why but I find his laugh... sexy.

Pinulupot niya ang braso ko sa leeg niya at nilagay ang kamay niya sa bewang ko. Our bodies are too close for my comfort oh my god hindi ko siya matignan sa mukha kaya sa dibdib niya lang ako naka-tingin.

"First time mo?" Bulong niya. Ayan nanaman ang mainit niyang hininga kaya napapikit ako at tumango nalang kahit hindi ko alam kung ano ba yung tanong niya.

He chuckled tapos saglit na tumahimik bago siya nagsalita ulit.

"Virgin ka pa?" Straight niyang tanong.

Tatango sana ulit ako nang mapagtanto ko ang tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagtingala ko upang ipaulit sana ang tanong niya kasi baka nagkamali lang ako ng rinig.

But wrong move.

Our noses touched.

Bumilis lalo ang tibok ng puso ko.

This is effing dangerous.

You Bury Me (Azrael Montefalco FanFic)Where stories live. Discover now