Pangatlo

1.3K 42 4
                                    

Kabanata 3

Pagkauwi ko sa bahay ay sumalpak agad ako sa kama matapos magpalit ng pambahay. Nakasubsob ang mukha ko sa kutson at panigurado mukha akong starfish na naka-dapa kaya umikot ako at tinignan ang ceiling.

"Azrael..."

Montefalco...

Tinaas ko ang kanang kamay ko at inimagine ang mukha niya sa harap ko.

"Ginagawa mo?"

Tumingin ako sa gilid. Nakita ko si Ate Yumi na nakapameywang sa pintuan. Hindi ako sumagot at binaba nalang ang kamay ko. Umiling-iling siya.

"God! Pati ba naman hangin pinagnanasahan mo?" Ngumiti siya ng nakakaloko.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Biro lang! Haha." Lumakad siya papunta sakin at naupo sa gilid ng kama. "You know, dapat ako lang pinagnanasahan mo, little sister."

Agad ako nagtaas ng middle finger kaya humalakhak siya. Ganito talaga si Ate Yumi, nakakakilabot as in. -_- Hindi siya tomboy o lesbian, sadyang ganun lang talaga siya kaya naawa ako sa mga kaibigan niyang lalaki na nawawalan ng girlfriend dahil sa kanya.

Hinipan ni Ate ang bangs niya at sumeryoso ang tono ng magsalita siya ulit. "So tell me.. bakit mapula eyes mo? Sinong tarantado nagpaiyak sayo? Gusto mo resbakan na natin? I can call my boys, kami bahala."

Ang imba ng ate ko. Masyadong perceptive at weird. Hindi ko alam san siya nag-mana. Umiling ako at tumayo papuntang dresser. Tinanggal ko ang tali ng buhok ko at magsusuklay na sana pero kinuha ito ni Ate.

"Ako na." Tapos kumindat pa siya kaya naupo nalang ako.

"Sis, lalaki ba?" Tanong niya habang sinusuklay ang buhok ko. I bit my lower lip. Oo lalaki nga pero hindi ko yun sasabihin sa kanya. "Kasi kung lalaki yan, may alam akong solution."

Agad akong napatingin sakanya at sa tipo palang ng ngiti niya, alam ko nang nahulog ako sa trap niya. Badtrip.

"Hihi lalaki nga!" Humagikgik pa siya habang sinusuklay ang buhok ko. "Dalaga na sister! Pero hinay lang ah? Wala ka pang 18."

Tumingin nalang ako sa salamin at hindi siya pinansin. Sa sitwasyon ko, kahit anong edad ay imposible maging kami ni Azrael.

Hays! Bat ganito ako? May gusto ba talaga ako sa kanya?! Or worst, in love nako? No no no! Baka infatuation lang to... tama! Tama! Infatuation lang to!

"WOOOOII!!!"

Napakurap ako sa harap ng salamin at tinignan si Ate Yumi.

"Lalim ng iniisip ah?" Umiling-iling siya habang naka-ngiti at patuloy na sinusuklay ang buhok ko. "Sabi ko darating si Tito ngayon kaya nagaalburuto nanaman si Mommy."

Yumuko ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. "Bat kasi siya pupunta?"

"Dala niya yung papers mo. Alam mo na? The usual." Binaba niya ang brush ko sa tukador at binuksan isa-isa ang drawers ko.

"Hindi parin siya sumusuko." Untag ko sabay pikit ng mata saglit. Nakakastress.

Kumuha si Ate Yumi ng isang kulay purple na laso at sinara na ang drawer. "Sympre hindi! Anak ka niya no. May rights siya sayo. Sabi ko nga kay mommy hayaan nalang si Tito e." Kumuha siya ng ilang piraso ng buhok sa gilid ng ulo ko at binraid ito tapos marahan niyang itinali ang laso rito.

"Pero sabi ni Judge, si Mommy ang may karapatan sakin. Walang laban si Daddy kahit na parehas silang biological parents ko...since, dad abandoned me--aww!"

Hinila ni ate yumi ang buhok ko kasabay ng matalim niyang tingin.

"Ano bang problema mo?" Nakapameywang na siya ngayon. "Akala ko ba tanggap mo na ang Dad mo?! Bakit ngayon parang ayaw mo na nanaman?!"

Kinagat ko ang ibabang-labi ko. Hindi ko siya magawang sagutin. I know my father didn't abandon me... tinago lang talaga ako ni Mommy kaya ngayon na nakita niya ko, he wants to claim. He's a good man pero...

"Oh my god! Sari?" Niyakap ako ni Ate Yumi. "Oh God sorry lil sis. Wag ka na umiyak."

Umiiyak na pala ko. I hugged my sister back. Nakakainis. Bakit kasi ganito?

May kumatok sa pintuan kaya binitawan muna ako ni Ate Yumi.

"Dont cry na ha? Sorry talaga." Sabi niya habang pinupunasan ang luha ko.

"It's not your fault. Cr lang ako." I forced a smile tapos tumayo na at dumiretso sa Cr ng kwarto ko.

Hinilamusan ko agad ang mukha ko at tumingin sa reflection ko sa salamin.

Damn. Umiyak nanaman ako. Hindi pwedeng ganito.. masyado akong mahina. I need to get myself together.

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa salamin.

"Forget that guy Sari. You'll get over it." Sabi ko sa sarili ko bago lumabas ng banyo.

Sakto paglabas ko ng banyo, nakita ko dun si Mommy at Daddy. Nakaupo sila sa magkabilang-couch ko tapos si Ate naman ay nandun sa may mini-ref ko. Mukhang naghahanap ng kakainin.

"Sari! My princess~" Bati agad ni Dad. Tatayo na sana siya para yakapin ako pero hinarang ng kamay ni Mommy ang mukha niya at naunang tumayo papalapit sakin.

"Anak diba I warned you about D.O.M.s?" Niyakap ako ni Mommy ng sobrang higpit kaya napangiwi ako.

"Are you telling my daughter na dirty old man ang pinakagwapo niyang ama?!" Banat ni Daddy na tinaasan lang ni Mommy ng kilay.

Here we go again. Sighs.

Inayos ni Dad ang necktie at huminga ng malalim bago tumingin sakin.

"Anyway, I'm here to get my daughter." Anunsyo niya. Si Mommy biglang tumawa kaya tumingin kami lahat sakanya.

"Bakit ka ba 'my' ng 'my'? Pwede ba! She's MY Daughter and you have no right to get her." Asik ni Mommy.

"Okay mali. She's OUR daughter okay?" Sabi ni Dad at nagulat ako ng nag-blush si Mommy. Anong meron?

"Whatever!" Binitiwan nako ni mommmy at humalukipkip sa harap ni Dad. "Sayang lang ang punta mo dito dahil tulad noon, hindi niya tatanggapin ang apelido mo. Hindi siya magiging Montefalco."

You Bury Me (Azrael Montefalco FanFic)Where stories live. Discover now