Hit 22~How To Raise Child?

7.2K 71 7
                                    

"Cashmere!" tawag ni Monique matapos makita ang dalaga."Pinuntahan mo pa talaga ako. Ang bait mo! Salamat!"

Hindi kumibo si Cashmere. Nilibot lamang nito ng tingin ang silid ni Monique. Bulaklak ang design ng wall paper. Marami ring naka-dispaly na mga stuffed toys at picture frames. Meron ding malaking salamin at lagayan ng mga pampaganda at accessories.

"Cashmere, nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"

"Ha? Bakit? Ano ba 'yon?" Dito lang niya hinarap si Monique.

"Ang sama kasi ng loob ko kay Rina. Siya ang best friend ko pero ang pakiramdam ko never niya kong itinuring na best friend." Nagmukmok na si Monique. Ilang sandali pa ay may mga luha nang umagos sa pisngi nito. "Pasensiya kana, Cashmere. Ang tagal ko na kasi itong pinipigilan," sabi ni Monique habang pinapahid ang luha. "Gusto ko talaga ng makakausap kaya mabuti talaga na dumating ka."

"Ang totoo n'yan..." Balak sabihin ni Cashmere na kaya lang siya nagpunta ay dahil pinilit siya nina Nino at Yamapi.

"Naiinis ako kay Rina!" Naputol ang dapat sana'y sasabihin ni Cashmere dahil sa itinuran ni Monique. "Sa pangalawa kasing pagkakataon pinagmukha niya kong tanga," dagdag ng dalaga. Nagsimula na nga ito sa pagkukuwento. Hindi na nakasingit si Cashmere.

"Si Jin ang naging tulay kung paano kami nagkakilala," simula ng kuwento ni Monique.

"Rina, ito si Monique, fiancee ko. Monique si Rina, kaibigan ko."

"Hi!" bati ni Monique. "Ikaw pala si Rina. Totoo pala talaga na napakaganda mo!" nakangiti nitong sabi.

Mula nga noon ay parati na silang magkasama ni Rina. Kapag may problema siya--- ma-studies man, pag-mo-model o tungkol kay Jin, kay Rina niya sinasabi.

Sa kanya rin nito unang sinabi ang tungkol sa pagkakagusto niya kay Ivan.

Hindi lubos akalain ni Monique na darating ang isang pagkakataon na susubok sa pagkakaibigan nila.

"Rina, bakit?" tanong niya. "Bakit ka nakipag-break kay Jin?"

Hindi sumagot si Rina.

"May plano na tayo. Kakausapin ni Jin ang tatay niya. Hindi na matutuloy ang kasal namin. Magiging legal na ang relasyon namin ni Ivan at ang relasyon n'yo ni Jin!" Halos maiyak si Monique sa pagsasalita, pero mistulan pa rin bato si Rina.

"Rina, magsalita ka!" Hinawakan ni Monique sa balikat ang kaibigan. "Kausapin mo ko!"

"Bitiwan mo ko!" malamig na sagot ni Rina.

Biglang napaatras si Monique. Sa tagal niya kasing nakasama si Rina, ngayon niya lang ito narinig magsalita ng ganito. "R-Rina... Ikaw pa ba 'yan?"

"Ito naman talaga ang totoong ako," sagot ni Rina.

Napaawang ng labi si Monique.

"Isang beses ko lang 'tong sasabihin Monique, kaya making ka. Ano mang maging desisyon ni Jin, wala na ko'ng pakialam!"

Tumalikod na si Rina.

"Sandali! Rina!" habol ni Monique.

Huminto si Rina.

"Magtapat ka sa'kin. Nagustuhan mo ba talaga si Jin dahil mahal mo siya o dahil ako ang fiancée niya? Huwag mong sabihing naiinggit ka sa akin."

"Bakit naman ako maiinggit sayo?" mabilis nitong sagot. "Taga Village I ako. Taga Vilalge II ka. Napakalaki ng lamang ko."

"Oo, pero nagawa kong maging modelo. Isang bagay na matagal mo nang gusto pero hindi mo magawa!"

"Anong sabi mo?" Muling hinarap ni Rina si Monique.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon