Chapter Nine

517 12 0
                                    

"YOU'RE LATE" nakakunot na wika sa kanya ni Warren nang puntahan niya ito kina lingguhan. Iyon ang unang araw na magde-date silang dalawa. Sa totoo lang ay nawala talaga sa isip niya ang tungkol doon dahil dumarami nanaman ang trabaho niya bago siya pumuntang Japan para sa kasal ni Aya.

"Sorry, nakalimutan ko" tipid na sagot naman niya ng lapitan ito

"Hindi bale, idadagdag ko nalang sa oras nating dalawa ngayon ang naawas dahil sa pagiging late mo" wika nito na binuksan na ang sasakyan para sa kanya

"Fine, teka saan ba tayo pupunta?"

"Basta"

Hindi nalang siya nagreact at sumakay na lamang sa sasakyan. Somewhere along the south sila pupunta dahil kasalukuyang SLEX ang binabaybay nilang daan ngayon. Hindi niya alam kung ano ba ang gustong patunayan ni Warren pero hinayaan na lamang niya ito.

Ilang oras din ang tinagal ng byahe nila at finally ay nakarating na sila sa destinasyon. Sa isang mamahaling restaurant sila nagpark at doon ay binuksan na ni Warren ang pinto niya para makababa.

"Kakain na agad tayo? Hindi ka pa ba kumakain? Masyado pang maaga para sa lunch at medyo late naman kung magbe-breakfast ka" wika ni Abby kay Warren

"Nope, kumain na ko kanina at alam kong ikaw rin" wika nito na kinuha ang dala niyang bag sa kanya

Simple lang kasi ang porma niya at isang maliit na shoulder bag lang ang dala niya. Hindi naman kailangan magpaganda pa siya para sa taong ito.

"Eh bakit tayo tumigil rito?" naguguluhang tanong na niya sa binata

"May magandang sports attraction sila rito. Nasa likod iyon ng restaurant na ito" pagbibigay impormasyon naman sa kanya ng binata

Iginaya na siya nito sa likod ng restaurant kung saan may hindi karamihang tao ang nag-aabang ng kani-kanilang pagkakataon na ma-try ang sports na iyon. Medyo malayo pa siya kaya hindi pa niya matanaw ang pangalan ng sports na iyon pero nang malapitan ay siya na rin ang napasinghap. NO WAY! Over my dead body!

Tumalikod na siya para tumakas sana pero napigilan nanaman siya ni Warren. Hinablot pa nito ang braso niya para lamang hindi niya matakasan.

"Hep!Hep!Hep! Saan ka pupunta?" saad nito habang hawak-hawak pa rin siya

"Hindi ko itatry iyan, no way" pagtatanggol naman niya sa sarili

Hindi pa nga niya tuluyan nakikita at pangalan pa lang ng sports na iyon ang nasisilayan niya ay sobra-sobra na ang kaba niya. Pakiramdam niya ang balak lang siyang gantihan ni Warren sa mga kasalanan pilit nitong isisnisisi sa kanya.

"Listen" wika ni Warren pagkatapos ay hinila siya muli nito pabalik sa tabi ng binata

"First Factor that I'd like you to know, Warren Vallarde likes extreme sports. Hindi ko pa ito nata-try dahil wala akong oras noon pero dahil ngayong nandito na tayo hindi naman pwedeng hindi natin gagawin ito. After all, noong mag-agree ka sa ten dates natin. Nag-agree ka na sa lahat ng konseptong gagawin natin. So tara na"

Hinila na siya nito at nagparegister na silang dalawa. Hindi na siya nakaimik dahil tama rin naman na noong pumayag siya sa desisyon ni Warren ay pumayag na rin siya sa kahit anong plano ni Warren sa mga date nila. Isa pa mas nagco-concentrate siya sa kaba niya. Hindi lamang 14 feet ang tatalunin nila kung hindi higit pa na ayaw na rin niyang marinig mula sa nago-orient sa kanila. Lalo lang siyang panghihinaan ng loob kapag nalaman pa niya ang ibang detalye.

Hindi na rin siya makausap, nabibingi na siya sa kabog ng dibdib niya. Habang si Warren naman ay hindi mababakasan ng kahit anong takot na katulad ng sa kanya.

My Ex-FactorWhere stories live. Discover now