Chapter Twelve

523 12 0
                                    


HININTAY NA lamang niyang dumating si Shirley para maikwento na niya sa mga kaibigan ang nangyayari sa kanya. Through Zoom nga rin lang ay nakausap nila si Aya live from Verona, Italy.

"What's the fuzz about?" tanong sa kanila ni Aya habang nakadapa ito sa kama, video conference kasi ang ginagawa nila

"Our team leader has a problem" sagot naman ni Shirley rito

Team leader ang binansag sa kanya ng mga kaibigan niya dahil siya ang unang-unang nagkaboyfriend noong high school. Naunahan pa nga niya si Katie na kung tutuusin ay malupit sa lalaki noon.

"Uy balita, gusto ko iyan. So, ano nang nangyayari sa mga pagsinta niyo? I mean after all, nakapaligid sa inyo ang three of the most handsome guys noong high school tayo" kinikilig pa na wika nito sa kanilang tatlo

"And I'm one of them, iyon nga lang ako ang pinakagwapo" singit ng isang lalaki sa kabilang linya na umupo pa sa tabi ni Aya

"Oi Rei, nakakalimutan mo bang girl talk 'to? Singit ka ng singit diyan at nagpahaging ka pa. Tama ka! Katulad ka nga ng tatlong iyon, pare-parehas kayong mga mayayabang" sagot naman ni Katie na ikinatawa nilang lahat

"Misis o, inaaway ako!" pagsusumbong pa ni Rei sa asawa, natawa naman si Aya rito

"Okay lang iyan husband! Totoo naman eh. Sige na doon ka muna sa salas. Manood ka nalang" sagot naman nito sa asawa na itinulak pa palayo

"Isusumbong ko kayong tatlo sa mga nobyo niyo!" pagbabanta pa ni Rei sa kanila bago tuluyang sinunod ang utos ni Aya

"Sorry, single kaming lahat! Hindi ko nga alam, baka nagkamali lang si Aya sa'yo!" sigaw na sagot rin naman ni Katie rito

Tatawa-tawa na lamang si Aya nang balingan muli sila. Narinig nila ang pagsarado ng pinto, sinunod na nga lang ni Rei ang utos ng asawa nito.

"O ano na? Kwento mo na team leader" saad nito sa kanya

"Hindi ba dapat ikaw na ang team leader? Kasal ka na eh" sagot naman niya

"Sorry, mas nauna ka pa rin sa'kin at malay mo susunod ka na ring magsuot ng wedding gown kaya kwento na" wika muli ni Aya

Huminga muna siya ng malalim bago nagsimula nang ikwento ang nangyari sa tatlo niyang kaibigan. Masugid naman na nagsisipagkinig ang mga ito sa kanya, na parang bang ang lahat ng detalye ay importante para mas madali na siyang matulungan ng mga ito. At ng makatapos ay kanya-kanya na rin reaksiyon ang mga ito.

"Mahal mo pa ba?" tanong sa kanya ni Shirley na tinanguan naman niya

"Pero may doubt ka?" tanong naman ni Aya

"Malaki" tipid na sagot niya

"Ito tingin ko lang ha, kasi parang ang nangyayari ngayon si Abby nalang ang nagpapahirap sa sarili niya. We all know how much she loves Warren. Oo, nagkasakitan sila dati pero matagal na iyon. Ikaw na rin, Abby, ang nagsabi, ipinakita na sa'yo ni Warren ang tunay na siya. Pati nararamdaman niya ay sinabi na niya sa'yo. Willing ka namang tanggapin iyon so why not give him the chance? Iba na ang nakaraan at ang ngayon" saad ni Katie

"I agree" sagot naman ni Aya sa kabilang linya

"And me as well" si Shirley

"Kung talagang natatakot ka, tapusin mo muna ang ten dates niyo. If after everything may doubt ka pa rin then siguro doon mo pwedeng sabihin na hindi nga talaga kayo ang para sa isa't isa kasi ayaw na talagang pagkatiwalaan ng puso mo but kung may mangyaring maganda, awat na Abby. Hayaan mo nang magmahal freely ang puso mo" pagpapayo naman ni Aya na sinang-ayunan nanaman ng dalawa

My Ex-FactorWo Geschichten leben. Entdecke jetzt