Chapter One

9.3K 130 47
  • Dedicated kay TO ALL OF MY READERS!
                                    

Now Playing: Back at One by Brian Mcknight

It will be great to play this song while reading this story.

CHAPTER ONE

MASAYANG BUMAGON si Abby ng araw na iyon. Nakakatuwang makakasilay nanaman siya sa kanyang ultimate crush simula pa noong araw na tinamaan siya ng pag-ibig. She always loves getting up in bed with a reason to live, to love and spent her day with a smile at dahil ultimate crush niya ito ay ultimate goal niyang mapansin siya ni Warren.

Nakasabay nanaman niya sa paglalakad ang kanyang tatlong bestfriend. Si Shirley, na simpleng matalino. Si Katie na hopeless romantic at kagaya niya ay ultimate goal nito na mahanap ang true love nito and then, there is Aya, ang haponesang loka-loka. Half- Japanese at half-Filipino ito at kasalukuyang paalis-alis ng bansa dahil na rin sa trabaho ng mga magulang sa Japan. But all in all, masaya naman silang magkakaibigan sa pagsasamahan. They were actually a great team kaya malakas ang paninindigan sa isa't isa.

Isa pa, simula pa noong una ay parang pinanganak silang apat para samahan ang bawat isa. She loves her own tres marias at kahit ano man ang mangyari nanindigan sila na walang makakasira ng friendship nilang iyon.

"ABBY, NAGAWA mo na ba iyong project mo sa chemistry?" wika ni Shirley ng makarating sila sa kanilang classroom. 3rd year high school na silang magkakaibigan at medyo hapit na rin dahil malapit na ang periodic examination nila. Hassle nanaman iyon.

"Hindi pa pero kaunti nalang, malapit na rin" sagot naman ni Abby

"Hey guys! Labas muna kayo. Si Aya nakikipag-away nanaman" wika naman ni Katie na biglang pumasok sa classroom nila mula sa kung saan. Si Aya nanaman ang dahilan, ilang minuto palang ang lumipas ay nakikipagbangayan na kaagad ito.

Mabilis naman silang lumabas ni Shirley sa classroom at tumungo sa likod ng school kung saan palihim sa mata ng ibang tao ay nakikipag-away si Aya. Naabutan nanaman nila itong nakaambang susuntok habang ang kalaban naman nito ay nakahanda na rin sa pag-atake. Simula pa noon ay sanay na silang tatlo sa ganitong eksena ng kaibigan nila at ni Rei. Si Rei ay anak ng bestfriend ng nanay ni Aya at kagaya nito ay kalahating Hapon at kalahating Filipino rin, simula pa rin noon ay kaaway na ng kaibigan niya. Hindi naman nila alam ang dahilan sapagkat ikinagagalit lamang ni Aya kapag nagtatanong sila tungkol sa bagay na iyon.

"Aya, tama na 'yan!" awat na ni Abby bago pa tuluyang magbanggaan nanaman ang mga ito

"Pagsabihan ninyo iyang kaibigan niyo! Lumalala na ang sayad niyan" wika naman ni Rei na naunang bumawi ng porma

"Hoy Asungot! How dare you say that! Hindi pa tayo tapos!" pahabol naman ni Aya na nanggigilaiti pa rin dito

"Get Lost Aya! Sayang ang gwapo ko kung makikipag-away lang ako sa tulad mo" wika ni Rei bago tuluyang lumayo sa kanila

Nang makalayo ay siya na ang bumatok sa hindi mapigil na init ng ulo ng kaibigan nila.

"Aray!"

"Next time naman pigil-pigilan mo iyong galit mo doon sa kababata mo" wika na ni Shirley na natutuliro na rin sa pinaggagagawa ni Aya

"Hindi ko siya tinuturing na kababata. Siya ang sumira ng childhood ko" dahilan pa ni Aya na mukhang hindi na mababago ang attitude sa naturang anak ng kaibigan ng ina.

Tumalikod na ito sa kanila na siguradong padaretso na rin sa classroo. Malapit na rin namang magsimula ang klase. Napabuntong-hininga naman silang tatlo na naiwan bago tuluyang sumunod kay Aya. Sakit talaga ng ulo ito kapag si Rei ang nakakaharap.

"UUWI KA na ba?" wika ni Aya kay Abby habang nag-aayos ng gamit

Natapos na ang kanilang klase sa araw na iyon. Sa wakas ay oras na para naman tuparin ang hiling ng puso niya.

My Ex-FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon