Chapter Five

492 14 0
                                    

"Airess..."

Napatigil si Abby sa paglalakad, ayaw na niyang maalala pa ang boses na iyon. Pero sadyang malikot ang ulo niya at mas pinili na lingunin ito. Halos lumuwa ang mata niya sa taong nakita niya. Ilang beses niyang ipinigit at iminulat ang mata niya pero hindi ito nawawala sa paningin niya. Unti-unti ay lumalapit ito sa kanya suot pa rin ang matatamis na ngiti nito na once in her life ay minahal ni Abby. Nang makita niya na papalapit pa rin ito ng papalapit sa kanya ay kusa nang gumalaw ang kanyang mga paa niya para mapalayo dito.

"Airess! Wait!" wika nito na humahabol pa rin sa kanya

Hindi niya malaman kung bakit ang pagtakbo ang unang-unang pumasok sa isip niya. Siguro ay takot lang talaga siyang magkasalubong ang landas ulit nila pero sadyang mas mabilis sa kanya ang lalaki kaya pagkapasok na pagkapasok niya ng fire exit ay nahagip na siya nito.

"Would you please stop running? Bawal sa ospital ito, Airess" wika ng lalaki habang hawak pa rin nito ang braso niya

"Ang bilis mong tumakbo, hindi naman ako mamatay tao, kakausapin lang naman kita" wika pa rin nito na hinihingal pa ang boses

Bahagya rin naman siyang nahiya sa narinig dito kaya hinarap na rin lang niya ang lalaki. Naiinis lang tuloy siya sa sarili dahil dinaan niya sa takbo lahat.

"Ano ba kasing kailangan mo Warren? Tsaka bitawan mo na ko" inis na tanong na niya rito

"Bibitawan kita kung ipapangako mong hindi ka na tatakbo" paniniguradong tanong nito sa kanya

"Oo na, kaya lang naman ako tumakbo dahil...dahil..." wala siyang maisip na dahilan

"It's okay Airess, alam ko naman takot ka lang makakita ng multo ng nakaraan" wika nito na hinila na siya palabas ng fire exit

"Anong multo ng nakaraan? Hindi iyon ang dahilan ano! Kamukha mo lang kasi iyong nakita kong psycho na nakapost na wanted sa PNP"

Tumigil ito paglalakad at mariing tumingin sa kanya. Napaatras naman siya sa tingin nito

"Ako? Mukhang Psycho? At wanted?" mariing tanong sa kanya ni Warren

Kahit naman siya ay isusuka ang sinabi niya na iyon. Sa itsura ni Warren ngayon, wala sa kalingkingan nito na maging isang psychotic. Moreover mas mukhang model ito sa tindig at gwapo ng mukha. Pero hindi siya dapat magpatalo, hihina ang depensa niya kung sasang-ayon na lamang siya rito.

"Sabi ko, nakita ko lang" sagot naman niya rito

"Fine" mariin pa ring saad ni Warren

Bumalik sila kung saan sila nanggaling kanina na malapit sa DR. Inabutan siya ni Warren ng kape na tinanggap nalang niya. Tumabi sa kanya ang binata na sumimsim na rin ng kape.

"Ilang taon na ba simula noong huli tayong nagkita? 9 years? 10?" tanong sa kanya ni Warren

"10 years na" walang gana na lamang niyang sagot rito

"Oh I see, matagal na rin pala parang kailan lang" sagot naman nito sa kanya

"How are you doing? Are you married?" pagtatanong muli ni Warren ng hindi siya nagsalita sa usal nito

"No, I'm not yet married and as of the moment, I am managing Brestelline Cosmetics on my own" sagot pa rin niya rito matapos sumimsim ng kape niya

"Wait, you mean pag-aari mo ang Brestelline Cometics?" interesanteng tanong sa kanya ni Warren

Hinarap naman niya ang binata bago tuluyang sagutin ito. Naging mahirap man pero proud siya sa katotohanan na nataguyod nga niya ang negosyong iyon.

My Ex-FactorWhere stories live. Discover now