Chapter Eleven

577 10 0
                                    

"GO TO HELL!" malakas na wika ni Katie bago nito naiinis na sinara ang pinto

Nagising si Abby sa ingay ng kaibigan niya. Kahit si Shirley ay napatayo na ring pinuntahan ito.

"Anong meron?" nagpupungay na matang wika ni Abby kay Katie

"Ayoko na, gusto ko nang umuwi" wika ng kaibigan nila na naiiyak na sa kanilang dalawa ni Shirley, agad naman inalo ni Shirley si Katie habang siya ay sinilip ang labas ng pinto nila. Natanaw niya na naglalakad na palayo si Francis.

Iyon na ang ikatlong araw na nasa Japan sila matapos ang kasal nila Rei at Aya. Lumipad na ang dalawang ito sa Italy habang naiwan naman silang tatlo at ang tatlong special guest ni Rei sa iisang hotel at iisang bansa. Nag-celebrate sila ng pasko kagabi at late na nagsipagkatulog kaya naman hindi niya masisisi na pare-parehas silang mababaw ang emosyon ngayon. Mabilis silang magalit ni Shirley habang mas mababaw naman ang emosyon ni Katie.

"Anong ginawa sa'yo?" tanong niya kay Katie na naiyak na nga talaga sa sobrang inis

"H-h-hinalikan ako" wika nito na talagang sobrang sama na ng loob

Nagkatinginan naman sila ni Shirley bilang tanda na parehas sila ng naiisip nito. Simula noong unang araw na namasyal silang magkakasama ay wala nang ginawa si Francis kung hindi guluhin ang mundo ni Katie, hindi na nage-enjoy ang kaibigan niya kahit bakasyon grande pa nila iyon. Hindi na nila hahayaan na magpatuloy pa iyon, aalis sila sa araw na iyon ng walang kasamang kulugo.

Nang gumaan na kahit papano ang pakiramdam ni Katie ay nagsimula na silang mag-ayos. Kumain muna sila ng agahan sa restaurant ng hotel bago nagdesisyong mamasyal na. Pagdaan nila ng lobby ay nandoon ang tatlong lalaking naghihintay sa kanila. Agad na kumapit sa kanila si Katie bilang paghingi ng proteksyon.

"Good morning ladies!" wika ni Nathan sa kanila

Sumunod na rin na bumati si Warren tapos ay Francis naman na solong binati si Katie. Halata pa rin sa tono nito ang pang-aasar.

"Hoy mga kulugo!" mataray na wika ni Abby sa tatlong lalaki

"Sinong kulugo? Ikaw ata iyon Kuya!" saad ni Francis na binalingan si Warren

"'MGA' nga di'ba?" sarkastikong sagot naman ni Shirley

"Teka, ano bang problema Airess?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Warren, malamang ramdam na nito ang galit niya

"Nag-decide na kaming umalis na walang bakas ninyong tatlo. Kung hindi ninyo pa rin kami papabayaan baka mapilitan kaming lumipat ng hotel kaya por favor lang, pabayaan niyo na kami" sagot niya rito

"Teka, ano bang nangyari? Bakit bigla kayong nagalit sa'min?" si Nathan

"Bakit hindi mo tanungin diyan kay Francis?" sagot naman ni Shirley

"Eh bakit damay kami?" si Warren naman

"Hindi ba't pinsan mo siya? Kuya ka niya, kaya dapat lang na magdamayan kayo" sagot naman niya

"Eh sila lang naman ang kamag-anak, hindi ko sila kaano-ano kaya sasama ako sa inyo!" wika pa ni Nathan na sinagot naman si Shirley

"Zip it Nathan, damay ka sa kanila"

Halata ang naging pagmamaktol nila Warren at Nathan sa kagagawan ni Francis. Sira ulo talaga ang kaibigan niyang iyon. Boto man siya kay Francis ay sobra na ang ginawa nitong paghalik kay Katie sa kahit ano pang kadahilanan.

Nakita pa niyang binatukan ni Warren ang pinsan nito bago sila tuluyang nakalabas ng lobby ng Hotel. Sa araw na iyon ay mage-enjoy na talaga sila, it's a girls dayout! Finally!

My Ex-FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon