Chapter Three

664 19 1
                                    

CHAPTER THREE

TUMUNOG NA ang bell at natapos na rin sa wakas ang last period nila Abby para sa araw na iyon. Nagmadali siyang nagpaalam sa mga kaibigan niya dahil muli ay hindi siya makakasabay sa mga ito pauwi. Nararamdaman niya ang pagtatampo ng mga ito pero sa huli ay tumataginting pa rin ang pagi-intindi ng mga ito sa kanya. Alam kasi ng mga ito na nasa bahagi siya ng kanyang buhay na talagang hindi niya pwedeng palampasin. Syempre ang bahaging iyon ay tungkol lang naman sa kanila ni Warren.

Isang buwan nang magaling ang ilong niya. Ilang linggo na rin siyang nakakatulog ng maayos kaya naman lutang na muli ang kagandahan niya at parehas iyon sa rason na dahil kay Warren. Ang akala niya noong una ay sa oras na gumaling siya ay iiwanan na siya ng binata dahil syempre, iyon ay ginagawa lang naman ni Warren dahil may atraso ito sa kanya. Kaya nga ba labis ang tuwang naramdaman niya nang makalipas ang tatlong araw mula ng matagal ang band aid sa ilong niya ay lumapit muli ito sa kanya at opisyal siyang hiniling na maging kaibigan. Ano nga bang laban ng puso niya? Syempre isang matamis na 'oo' ang isasagot niya kahit na ang pakiramdam niya noong mga sandaling iyon ay niyayaya na siya nitong maging nobya. Ganoon siguro talaga kapag nagmamahal, masyadong advance ang pumapasok sa isip kahit malayo pa iyon sa realidad.

Kaya nang simula din noong araw na iyon ay madalas na silang nagkakasama ni Warren. Minsan nagpapalitan sila ng text messages o kaya ay nagtatawagan. Minsan rin naman ay pinupuntahan siya nito sa kwarto at inihiram sa mga kaibigan niya at nito nga lamang nakaraang tatlong oras ay niyaya siya nitong kumain sa labas na syempre hindi niya tinanggihan.

"Sorry, I'm late" hinihingal na wika ni Abby rito nang makarating siya sa tapat ng gate ng school nila

"Nope, you are just in time" wika naman ni Warren na ipinakita pa sa kanya ang oras sa wrist watch nito. Tama ang binata dahil sumakto naman talaga siya sa oras.

"So paano? Let's go?"

Sumabay na siya sa paglalakad rito bago sila sumakay ng taxi. Si Warren ang bahala sa restaurant na kakainan nila since na ito naman ang magbabayad sa magiging bill nila. Isa pa, wala rin naman siyang alam na magandang restaurant na pwede nilang kainan dahil sa tuwing may pagkakataon ay sa fastfood lang naman kasi siya kumakain. Tamad kasi siyang maghintay ng matagal.

Sa isang Chinese styled restaurant siya dinala ni Warren. Ang akala niya ay magkakainipan sila dahil sa paghihintay pero mabilis ang naging service sa kanila ng pagkain. Hindi niya mawari kung dahil ba steamed at half-cooked lang ang inorder nila o sadyang mas nakatuon ang tingin niya sa bawat galaw ng binata kaya hindi na niya napansin ang oras.

"I really wanted to ask you something kaya kita niyaya rito. Pasensya ka na kung nakuha ko nanaman ang oras mo" wika nito habang dessert na lamang ang pinagkakaabalahan nilang kainin

"Sus! Kahit habang buhay pa kunin mong oras sa'kin, sasamahan pa rin kita!" nakikielam na wika nanaman ng isip niya

"Okay lang isa pa hindi ka na rin naman iba sa'kin. Ano nga ba yung gusto mong tanungin?" interesandong tanong na niya sa binata

"Ahm ano kasi...paano ko ba sasabihin 'to.." nagugulumihanang saad naman ng binata sa harap niya

Hala natataranta na, baka yayayain ka nang magpakasal! I do! wika ng isang bahagi nanaman ng isip ni Abby

"Baliw! Ilusyonada! Underage ka pa no! Hindi kayo papayagan ng batas" kontra naman ng kabilang bahagi ng isip niya

Sabay pa silang napabuntong-hininga ng binata bago tuluyang hinarap siya nito.

"Okay! Final na 'to! Airess Brestelline Alhambra, will you be my Prom date?"

Ilang beses pumigit ang mata ni Abby bago tuluyan magsink-in sa utak niya ang sinabi ni Warren. Oo at next week na nga ang Prom nila pero hindi niya alam na kailangan pa pala na may ka-date roon. Sa bagay, ano nga bang alam niya? First prom niya iyon.

My Ex-FactorWhere stories live. Discover now