Final Chapter

959 23 0
                                    


"HERE, KUMAIN muna kayo. Huwag kayong mag-alala libre iyan" wika ni Aya sa kanila

Araw ng pagkikita nilang magkakaibigan noon at mas maganda na iyon kesa magpakapagod siya sa trabaho na parang nababaliw. Dalawang linggo na ang lumipas simula noong malagim na eksena sa restaurant. At kahit kino-contact siya ng binata ay hindi na rin naman niya sinasagot. Alam ng mga kaibigan niya ang pinagdadaanan niya dahil sa mga ito siya naglabas ng sama ng loob noong mga panahong sukong-suko na talaga siya. Iniyakan niya ng todo-todo ang mga ito hanggang sa mapagod siya kaya naman sa lumipas na mga araw, nagawa niyang iwasan si Warren sa tulong na rin ng mga ito.

Nai-launch na rin ang panibagong proyekto ng Brestelline na 'Glamorous Glam'. Masama man ang ginawa niya ay hinayaan niyang si Katie ang kumausap kay Franz para huwag ipakita sa kanya si Warren. Nakisama naman ang mga ito kaya nakaraos ang lahat ay hindi nagtagpo ang landas nila ng binata.

"How are you doing?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Shirley

"I am better, salamat sa help niyo!" nginitian niya ang mga ito

"How about if we go out on Valentines?" naiibang suhestisyon naman ni Katie para sumaya ang mood

"Nah-ah, I'm sorry girls! You know naman, kailangan icelebrate namin ang first Valentines naming mag-asawa together. And I think I'll busy the night before that making chocolates, alam niyo naman Japanese tradition" nagpapasintabing pagpapaalam ni Aya sa kanila

Iba na nga talaga ang may asawa pero seeing her bestfriend, masaya naman ito ngayon.

"Then we have to deal with other again" sagot naman ni Shirley na nginitian silang dalawa ni Katie

"I'm sorry talaga girls! Next time, promise! Babawi ako sa inyo" paghingi muli ng tawad ni Aya sa kanila

"Okay lang iyon no! Isa pa we all know how much you love Rei. Ayos lang iyan! Sooner or later, unti-unti rin naman tayong magkakapamilya" sagot naman niya na nag-agree ang lahat

Iyon nga lang back to basic nanaman ako! Kainis na pag-ibig iyan, hindi na ko pinagbigyan!

Nang matapos ang chismisan nila ay isa-isa na rin silang nagbalikan sa trabaho. Hindi niya dala ang sasakyan niya dahil pinapagawa pa niya ito kaya si Katie ang naghatid at sumundo sa kanya.

Nang malapit na sila sa Brestelline ay natanaw nila na nakapark ang isang pamilyar na sasakyan doon. Sa malapitan ay nakikilala nila iyong sasakyan ni Warren. Nakasandal rin ang binata rito habang naghihintay sa kawalan. Marahil ay hindi siya nito mahagilap sa loob kaya nagdesisyon na lamang maghintay sa labas.

"Ano nang plano mo? Sumama ka kaya muna sa'kin sa Beldana's? Sigurado namang hindi ka niya pupuntahan doon dahil ban ang magpinsan na iyon sa boutique ko" suhestisyon sa kanya ni Katie

Bahagya pang nag-isip muna si Abby bago nakadesisyon sa sarili. Hindi pwedeg lagi na rin lamang siyang tumatakbo.

"It's alright bestfriend, ayoko na ring umiwas. Kailangan na naming tapusin ito kasi wala na talagang pag-asa" sagot naman ni Abby kay Katie

"Okay, if that's what you want" iginilid na nito ang sasakyan para makababa siya

"If anything happens, tawagan mo lang kami ha" pahabol pa ng kaibigan niya bago niya tuluyang isarado ang pinto. Tumango na lamang siya bilang pagsang-ayon dito.

Naglakad na siya papunta sa entrance ng kompanya niya ng harangin na siya ni Warren. Expected na niya iyon after all, siya ang ipinunta roon ng binata.

"Airess..." sambit nito sa pangalan niya

"Bakit nandito ka Warren?" tanong na hinarap niya ito

"Hindi ka pumunta sa date natin tapos hindi mo rin ako kinakausap, hindi ko alam kung anong iisipin ko. Bakit mo ba ko kailangang iwasan? May nagawa ba ko?" malungkot na wika ni Warren sa kanya

My Ex-FactorHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin