Entry 22:Future Tenses: Papaasahin, Iiwanan, Masasaktan

130 7 7
                                    


Genre: Action

Word count: 1437


"Una na kami a? May mga pupuntahan pa kasi kami e. Forever best friends, kita-kita na lang mamaya!"

"May pagsusulit kami mamaya sa physics e, alam mo na, kailangan kong makibakbakan sa mga libro ko."

"Ako naman, maghahanda para sa magaganap na awdisyon para sa patimpalak sa kantahan bukas."

KASALUKUYAN akong nagbabasa ng isang bagong labas na libro mula sa isang sikat na taga-paglimbag ng mga aklat na ang karaning tema ay, 'bakit hindi ka dapat magtiwala kaagad'.

Napapatango na lamang ako tuwing nababasa ko ang ilang karagdagang impormasyon tungkol sa pagtitiwala. Sa bawat salitang napapasadahan ko ng tingin, tila binibiyak nito ang puso ko sa ilang piraso. Heto ang dahilan kung bakit hindi ko gusto ang mga akdang masyadong seryoso. Gusto ko iyong punung-puno lamang ng aksyon. Suntukan. Sabunutan. Saksakan. Patayan. Pero mayroong kaunting takot sa akin tuwing nakakakita ako ng patalim.

Oo, medyo takot ako, dahil naniniwala ako na ang patalim ay ang magiging dahilan ng KATAPUSAN.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa nang makarinig ako ng isang malakas na tili mula sa loob ng lumang gusali sa paaralan dito. Dahan-dahan kong isinara ang librong binabasa ko at inihulog sa damuhan.

Unti-unti kong inangat ang tingin ko sa pangkabuuan ng lumang gusali. Ilang sentimetro lamang ang layo ko mula sa kinalulugaran ng gusaling iyon pero rinig na rinig ko ang tili na nagmula roon. Dahil siguro sa kalumaan nito at idagdag pa na wala na talagang mga gamit sa loob n'un.

Nakakapagtaka lamang, wala namang bukas na pintuan, bintana o kahit ilaw mula sa mga kwarto sa kahit na anong palapag n'un. Nakakakilabot talaga.

"Uy! Buti sabay tayong dumating Nadine!"

"E? Si, Joy, nasaan na?"

Nakarinig ako ng ilang boses mula sa hindi kalayuan. Unti-unti akong winawarak ng mga boses na iyon. Pinilit kong ngumiti habang iginagalaw ang aking ulo upang tignan kung saan nanggaling ang mga boses na iyon.

Kinagat ko ang ibabang labi ko habang pinapasadahan ko ng tingin ang dalawang babaeng bumalandra sa akin. Nakatalikod sila mula sa akin pero likod pa lang, kilalang-kilala ko na.

Unti-unti akong naglakad nang tahimik papunta sa kinalulugaran nila.

"Darating na rin 'yun si Joy, Nadine!"

"Sabagay. Tricia, sigurado ka bang nasa canteen si Selestyn? Mamaya muntikan na naman tayong makita n'un."

Para akong pinagkakaitan ng hininga habang unti-unti kong iniintindi ang mga salitang binibitawan nila. Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa aking mata. Huminga ako nang malalim at saka ko pinunasan ang mukha ko gamit ang panyo ko.

Kaunti na lang, malalapitan ko na sila. At habang lumalapit ang distansya namin sa isa't isa, mas bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Ganito pala ano? Kapag ikaw mismo ang nakakahuli kung paano ka pagtaksilan. Ayaw ko munang paniwalaan ang naiisip kong iyon. Pero bakit gan'un?

"Nadine. Tricia." Tawag ko sa pangalan nila nang huminto na ako sa paglalakad. Dahan-dahan nila akong nilingon. At sa bawat segundo na lumilipas ay nagdadala iyon ng masamang ihip ng hangin sa akin. "Best friends for life? Forever?"

Para akong nasisiraan ng bait habang hinahabol ang aking hininga.

"Uy, Selestyn! Sakto, nagkita-kita tayo rito, ang galing!" Nag-igting ang panga ko nang makita ko sa hindi kalayuan si Joy habang nagbibitiw ng ilang alanganing mga palusot. "Tara? Lunch ta—"

Second Wave and Round 2 EntriesWhere stories live. Discover now