Entry 9:Ang Forever ay Gawa-gawa Lang (DQ)

73 2 1
                                    

Genre: Fantasy

Word count: 2163


Nandito na ako sa building kung saan ako pinagtratrabaho ng nanay ko. Hindi ko nga maintindihan si Mommy kung bakit gusto nya pa akong pagtrabahuhin e ang yaman yaman naman naming. May sarili kaya kaming airline duhh!

Pumasok na ako sa loob ng building at nilapitan yung guard na nagbabantay.
"Kuya, san yung office ni Mr.Right?" Tanong ko dun sa guard.

"May appointment po ba kayo kay Sir Michael Right, mam?" Tanong nito sakin.

"Ahh oo. Ako yung personal assistant nya." Sagot ko.

"Ahh kayo po pala si Mam Chaemi Suarez. Nasa 7th floor po ang office ni sir, yung buong floor po na yun ay office nya kaya di na po kayo maliligaw." Nagpasalamat naman ako kay Kuya Guard at pumasok na sa loob ng elevator. Pinindot ang 7th floor at nagtinginan sakin yung mga kasama ko sa elevator.

"Bakit? May problema ba?" Nakataas kilay kong tanong.

"Kayo po ba yung P.A ni sir?" Tanong sakin nung isang babae. Tinanguan ko naman sya.

"Nako mag-iingat po kayo." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya. Saan naman ako mag-iingat?OMG. Rapist siguro yung Mr.Right na yan. Ang ganda ko pa naman tsaka ang sexy ko. Hayst! Hirap talagang maging maganda. Tatanungin ko pa sana sya pero nagsilabasan na silang lahat sa elevator pagdating sa 6th floor. Wala na akong nagawa kundi ang pabayaan sila. Hindi ako yung tipo ng babae na naghahabol noh. Kung iniwan na nila ako, edi fine. Umalis sila kung gusto nila, di ko sila kailangan. Psh!

Minsan kasi kailangan mo rin mag let go. Oo masakit mag let go pero mas masakit piliting panghawakan ang isang tao na pilit ding binibitawan ang kamay mo.

May mga tao talagang papacuriosin ka tapos pag sobrang hook ka na sa kanila tsaka ka nila iiwan. Parang yung ex ko. Iniwan ako ng gago. Hindi ko naman yun napapansin dati ee, dahil wala akong panahon maglovelife nuon kasi lagi akong sinasabihan ni Mommy na wag daw akong magboboyfriend dahil makakasama lang sakin. Pero biglang nagpapansin sakin yung lalaking yon at nakuha nya ang buong atensyon ko. Sa kanya na umikot ang mundo ko at halos magkapalit na kami ng mukha dahil lagi kaming magkasama.

That time inlove na inlove ako. Ang gwapo rin kasi nun. Pag gwapo talaga manloloko. Feeling ko pag kasama ko sya lagi akong nasa langit, wala pang nagpaparamdam ng ganung kasiyahan sakin, sya palang. I started thinking na, sya nay un. Sya na yung gusto kong makasama habang buhay. Sya na yung gusto kong makasama forever. Pero hindi ko alam na 2 weeks lang pala ang forever na iniimagine ko.

Ang bilis lang pala ng forever noh? Akala ko sobrang tagal. Psh! Ang landi ko kasi dati ee, yan tuloy ginago lang ako.

Oo 2 weeks lang ang tinagal ng paglalandian naming. Hayop yon! Buti nalang matino-tino pa ako at hindi ako nagpabuntis. Kahit ang ikli lang ng pinagsamahan namin, feeling ko 10 years yung naging relationship namin. Sobrang panghihinyang parin kasi yung naramdaman ko kahit niloko nya lang ako. Sobrang sakit parin kasi ang dinulot ng paghihiwalay namin sakin.

Natigil ako sa pagdadrama ng bumukas na ang elevator. Nandito na ako sa 7th floor. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng elevator. Isang malaking two door room agad ang bumungad sakin. Lumapit ako sa pintuan at kakatok na sana pero nakita kong may doorbell pala. Sosyal ha! Pati opisina may doorbell.

Nagdoorbell ako ng dalawang beses at hinintay na may magbukas. Nagulat ako ng kusang naghati ang dalawang pintuan. Taray automatic yung pintuan.

Taas noo akong pumasok sa loob para ipakita sa Mr.Right na yan na hindi nya ako mauutus-utusan.

Second Wave and Round 2 EntriesWhere stories live. Discover now