Entry 10:Stupid Cupid

73 4 12
                                    

Genre: Fantasy

Word Count: 819


"Let's break up. Ayaw ko na! Hindi na kita mahal!"

"Wow! Para namang minahal kita, mabuti pa ngang mag-break na tayo! Nakakasakal na 'yang ugali mo!"

"Talaga!"

Napapalakpak ako mula rito sa isang puno ng mangga habang pinapanood ko ang paghihiwalay ng magkasintahang pinana ko ng itim kong palaso. Yes! May nag-break na ulit! Nakakatuwa naman, siguradong maiinis na naman sa 'kin si Stupid Cupid. Pagsasabihan na naman ako na may forever kaya dapat hindi ko ito ginagawa. Forever my ass. Sino'ng niloko niya? Lahat ay naglalaho sa mundo ng mga mortal. Walang nagtatagal. Tsk, ilang beses ko na 'tong sinabi kay Cupid pero parang wala naman siyang naririnig. Pinipilit niya pa rin na may forever.

"Alpha." At gaya nga ng inaasahan ay sumulpot na naman sa gilid ko si Cupid.

"Ano na naman ang problema mo?" inis na saad ko sa kanya pero deep inside ay natatawa ako. Nasayang na naman ang mga palaso niya dahil sa itim kong mga palaso.

"Hindi na talaga ako natutuwa sa ginagawa mo. Palagi mo na lang sinisira ang misyon ko," inis na saad niya pero nginisian ko lang siya. Walang makakapigil sa 'kin! Haha!

"Ako ang napapagalitan ni Big Boss dahil sa ginagawa mo e. Ano ba ang problema mo at ang bitter mo masyado sa buhay mo? 'Wag ka namang mandamay ng iba," saad ni Cupid pero inirapan ko na lang siya. Unlike Cupid, wala akong sinusunod na Big Boss. And yes, I am the opposite of Cupid. Kung siya, pinaiibig niya ang mga tao at pinapaasa sa salitang forever, ako naman ay sinisira ang relasyon ng mga tao at pinapatunayang walang forever. That's how I live and enjoy my life. It is fulfilling. Haha, ang evil ko ba?

Anyway, mas malakas at mas malaya ako kay Cupid. Kita naman sa pangalan ko, 'di ba? Alpha, which means the "boss" or the "superior". Alpha is also the first letter of the Greek Alphabet. At si Cupid? He is just stupid. Hahaha! Nakakatuwa talaga siyang lait-laitin sa isipan ko.

"Ewan ko sa 'yo, Cupid. Mind your own business, marami pa akong sisiraing relasyon," nakangising saad ko pero napailing na lang siya.

"Balang araw, mai-inlove ka rin pero isusumpa kong hinding-hindi mo mararanasang maging masaya dahil sa mga ginagawa mo," saad niya bago tuluyang maglaho. Psh. Ano ba'ng problema niya? Masyado ba talagang big deal 'tong ginagawa kong paninira!? Haha! Sabagay, sinisira ko kasi ang trabaho niya. Oh well, ang saya kaya! Palibhasa ang boring ng buhay niya kaya dinadamay niya ako sa ka-boring-an niya.

"Ay puso!" Napahawak ako sa dibdib ko nang muli na namang sumulpot sa gilid ko si Cupid. Wala pang isang minuto e bumalik na agad! Na-miss yata ako masyado! Haha!

"May surpresa pala ako sa 'yo," nakangiting saad niya dahilan para mapataas ang kilay ko. So Cupid likes surprises, huh?

"Heto," nakangiting saad niya sabay abot sa 'kin ng isang nagliliwanag na rosas, na sa tingin ko ay kinuha niya lang sa 'ming mundo. Sana sinamahan niya na rin ng matamis na prutas para mas ma-appreciate ko. Pero sige na nga, pagtitiyagaan ko na 'to. Boring na nilalang talaga itong si Cupid e. Pagbigyan na.

"Wow, ang sweet mo naman Cupid," natatawang saad ko at saka kinuha ang nagliliwanag na rosas mula sa kanya.

And I suddenly felt weird when he grinned.

"Bakit nakangisi ka?" tanong ko.

"Dahil sa unang pagkakataon, nauto kita," natatawang saad niya at nanlaki naman ang mga mata ko.

"Naging epektibo na ang sumpa ko sa 'yong hinding-hindi mo mararanasang maging masaya. You don't deserve to have a forever, Alpha. You don't deserve to be happy with someone you love," saad niya at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.

Pinana niya ang puso ko gamit ang palaso niya at kumuha naman siya ng isang itim na palaso mula sa 'kin upang ipana sa kung sino mang mortal na binata.

"Walang hiya ka Cupid! Ang sama mo!" galit na sigaw ko habang pilit na ginagamit ang kapangyarihan ko subalit hindi ko magawa. Damn that rose! Damn his trick! Damn him!

"I am just giving you a lesson. Don't ruin other's relationship. This will serve as your karma so learn from it, Alpha," saad niya bago siya unti-unting maglaho.

Napatingin naman ako sa binatang pinana niya at bigla ko na lang naramdaman ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Ang tila may kumikiliti sa tiyan. Ang biglaang pag-init ng pisngi ko. I think, Cupid's arrow is now starting to effect in my system.

I cried.

Cupid is really stupid.

He is just too cruel to me. Hindi niya kasi alam e, hindi niya kasi alam na siya talaga ang mahal ko. Na kahit hindi niya gawin sa 'kin 'to, I know that forever will never exist in my life.

Why?

Because he is forbidden to fall in love, even to an immortal like me, and that is an order from his boss.

Second Wave and Round 2 EntriesWhere stories live. Discover now