Entry 7:Panayam

119 7 5
                                    

Genre: Fantasy

Word count: 1225 words


Nakahiga ako sa aking silid-tulugan. Napakatahimik ng paligid na aking kinaroroonan. Naisipan kong tumayo at lumabas sa aking silid. Bakit, wala ang mga tao! Nasaan na sila?, inisip ko nalang na lumabas sila ng bahay at may mga kanya-kanya rin silang gawain sa buhay.

Nagpatuloy ako naglakad papunta sa kusina, subali't biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko ang pinto at isang lalaki ang nakita ng aking mga mata. " Sino po sila? Sino po hinahanap ninyo? ", tanong ko sa kanya. "Nariyan ba ang iyong Inay? ", tanong niya rin sa akin. " Wala po siya! ", sagot ko sa kanya. Nananatili lamang siyang nakatayo sa kanyang kinatatayuan at nakatitig sa akin. Kung titignan ko naman siya, hindi naman siya mukhang masamang tao. Ngumiti nalang ako sa kanya at tinanong ko siyang, " Ano po kailangan ninyo kay Inay? ". " Kasama ako lagi ng iyong Inay kapag nasa Prayer Meeting siya. Naparito ako upang makausap siya! ", sagot niya sa akin. " Tuloy po kayo at maupo po muna, baka may binili lang po ang aking Inay! ", banggit ko sa kanya. " Pwede ba akong makahingi ng maiinom na tubig? ", tanong niya sa akin. " Sige po, sandali lang po! ", sagot ko naman sa kanya. Nilagyan ko ng tubig ang pitsel at kumuha ako ng isang baso. Dinala ko sa kanya ang mga ito. Pagkatapos niya uminom ng tubig, " Maari ba kitang makakwentuhan? ", tanong niya sa akin. " Sige po, wala pa naman po si Inay at ang mga ibang kasama po namin dito sa bahay, wala rin po ako makakausap! ", sagot ko sa kanya at naupo na rin ako sa isang silya.

Kaninang unang kita ko sa kanya, hindi ako nakadama ng kaba. Bakit ngayon iba ang aking nadarama. Ito ba ay dahil sa kanyang mga mata na natitigan ko, kasi kakaiba sila para ang mga ito ay nakikipag-usap. Naisipan ko huwag muna magsalita at hintayin siya mauna.

" Ilang taon ka na? ", tanong niya sa akin. " Bente-otso po! ", sagot ko naman sa kanya. " Sa bente-otso na taon mo na nabubuhay dito sa lupa, may mga pagkakataon bang naging masaya ka at malungkot? ", tanong niya muli sa akin. " Opo, mayroong pagkakataon na naging masaya po ako at mayroon din naman pong kalungkutan na nagaganap sa aking buhay! ", sagot ko muli sa kanya. " Maaari ko bang malaman kung ano ang mga kalungkutan na dumarating o naranasan sa buhay mo? ", karagdagang tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit niya ako biglang tinatanong ng mga ganyang klaseng katanungan. Napapaisip tuloy ako kung pag-papatuloy ko pang sagutin ang kanyang mga katanungan lalo na ngayon ang salitang "kalungkutan" ang nadadama nitong aking puso. " Huwag ka mag-alala, baka matulungan kita o maipaliwang sa iyo ang kalungkutan na nadarama mo! ", patuloy niya sabi sa akin at ngumiti siya sa akin kasabay nito ang paghawak niya sa kamay ko na hindi ko na natanggian. Pakiramdam ko ngayon, parang mayroon ako kadamay sa nararamdaman nitong aking puso.

Nagsimula ako magsalita muli, " Hindi na po importante sa akin ang mga kalungkutan na nakalipas na! dahil mas nananaig po ang nararamdaman kong pagmamahal dito sa puso ko. Pero hindi ko pa rin po maiwasan ang maging malungkot lalo na po ngayon na may pinagdadaanan po ako. " Hindi niya ako sinagot o tinanong sa sinabi ko. Pero, para bang hinihintay niya lang ako magsalita muli. Huminga ako ng malalim at biglang dumaloy ang luha sa aking pisngi na nagmumula sa aking mga mata, " May malubha po kasi ako sakit ngayon at hindi ko na po magawa ang mga gusto ko at iba pang mga pangarap na nais ko. Tapos po si Inay, kahit anong pagod niya sa maghapon nakakapunta pa rin po siya sa Prayer Meeting upang pagdasal po ang aking karamdaman. " banggit ko sa kanya. " Bakit sa tingin mo hindi mo na magawa ang mga nais mo sa buhay? ", tanong niya bigla sa akin. " Kasi po marami po pinagbabawal sa akin at sinabi na po ng doktor na wala na pong lunas sa aking sakit! ", sagot ko sa kanya. Hindi na naman siya nagsalita at nakatitig lang sa akin. Nakadama tuloy ako ng pagka-hiya dahil sa drama ko. Mabilis kong napunas ang aking luha, " Naku po, pasensiya na po kayo sa akin! Kaya nga po ngayon sa nangyayari sa akin, parang naniniwala na po ako sa 'walang forever' na salitang kumakalat po ngayon! Na halos pinaniniwalaan na ng karamihan ngayon!", banggit ko muli sa kanya. " Bakit mo naman nasabing walang forever? ", tanong niya sa akin. " Kasi po ngayong mayroon akong malubhang karamdaman. Natutunan ko po na walang permanente dito sa mundo. Mga bagay, mga tao, mga nararamdaman man, at mga nais sa buhay ay nawawala po. ", sagot ko sa kanya. " Maari mo bang ipaliwanag sa akin ang iyong sinabi! ", sabi niya sa akin. " Ibig ko po sabihin, ipinanganak po tayo dito sa mundo na wala po tayong dala kung hindi lamang po ang buhay na ipinagkaloob po sa atin at sa kabila po ng lahat nawawala din po ang buhay na ipinagkaloob sa atin kapag tayo po ay namatay na. Kaya po walang forever! ", paliwanag ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin na nakangiti at sinabi niya, " tingnan mo ako at ikaw ay makinig sa akin. Tama ka, ipinanganak ka dito sa mundo na tanging buhay lamang ang iyong dala. Nakita ko kung paano mo pang-hawakan ang buhay na ibinigay sa iyo. Sa bente-otso na taon na ikaw ay nabuhay, natutunan mo mabuhay ng may kabaitan at kabutihan. Ang pagtitiyaga mo lampasan ang mga hamon at pagsubok ng may kahinahunan upang magkaroon ka ng kapayapaan. Hindi ka nanghuhusga, madali ka magpatawad at higit sa lahat ang pag-ibig na nananatili sa iyong puso. Hindi ka mamatay kung nais mong hindi mamatay, katawan lamang ang namamatay dahil ito ay isang laman. At sinasabi ko sa iyo! Na mayroong forever at ito ay ang 'Pag-ibig'. Ang Pag-ibig ng Diyos na walang hanggan."

Nakatulala ako sa aking narinig, para bang sa kanyang salita ay kilalang-kilala niya ako. Litong-lito ako sa aking naiisip. Gulong-gulo ako sa aking nararamdaman ng biglang may narinig akong isang malakas na sigaw. Tumakbo ako sa kinaroroonan nito, laking gulat ko si Inay ay umiiyak sa tabi ng silid-tulugan ko at ako ay nakahiga roon. Ano ang nangyayari? Bakit nakikita ko ang aking sarili na nakahiga? Nanaginip lang ba ako? Tumulo muli ang aking luha ng may humawak sa balikat ko, " tanda mo pa ba ang sinabi ko sa iyo kanina, lagi ako kasama ng iyong Inay sa Prayer Meeting at narito ako para kausapin siya at damayan dahil tinatawag niya ako. Tumingin ako kay Inay habang siya ay umiiyak, " Diyos ko! Mahal kong Panginoon! Tulungan niyo po ako at ang aking Anak! Diyos ko! ".

Bumilis ang pagpatak ng aking luha. Ang aking kapanayam simula kanina ay ang Diyos at isa na akong kaluluwa sa mga oras na iyon. Ngayon na-uunawaan ko na. Ang salitang "walang forever" ay galing lamang sa tao na nakaranas ng pagkabigo sa pag-ibig. Subali't, ang totoo "mayroong forever" ito ay ang tunay na pag-ibig na ibinabahagi mo sa kapwa mo, sa mga taong minamahal mo. Maaring ito ay ka-relasyon, sa pamilya o kaibigan. Hindi ko kailangan maging malungkot sa aking pagpanaw dahil mabubuhay ako ng walang hanggan. Walang hanggan dahil mananatili akong buhay sa kanilang mga puso dahil sa ipinadama kong pagtulong, kabaitan, kabutihan at pagmamahal tulad ng nais ng Diyos na gawin ng mga tao.

Second Wave and Round 2 EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon