Entry 4:Ang Huling Eba

150 8 7
                                    


Genre: Sci-fic

Word count: 896 words 


Pumasok ako sa isang madilim na silid kung saan mangyayari ang isang makasaysayang kaganapang magpapahinto sa mundo... ng literal.

Umupo ako sa aking kama, pagod sa tatlong taong paglalakbay na aking ginawa. Nag-unat ako ng aking sumasakit na katawan. Sa edad na dalawampu, nakagawa na ako ng isang kasaysayan.

Luminga-linga ako sa paligid upang makita ang apat na madidilim na sulok ng apartment ko. Sa silid na ito ako namalagi ng halos apat na taon. Ang mga pader nito ang naging sandalan ko, ang kisame ang aking taga-pakinig, at sa bawat pagbagsak ko nandiyan ang sahig.

Kinapa-kapa ko ang bulsa ng aking pantalon, hinahanap ang huling kopya ng sulat na aking ginawa at ipinadala sa lahat ng kababaihang katulad ko. Mula sa maliit na tupi, binuklat ko ang papel na iyon at binasa.

Pagbati sa ngalan ng Panginoon!

Binabati kita at pinasasalamatan sapagkat magiging bahagi ka ng isang makasaysayang pangyayaring magaganap sa mga kababaihan.

Labing isang taong gulang pa lamang ako nang aking simulang pag-aralan ang mga babae. Lahat ng tungkol sa babae---hilig, ayaw, dami, kulay, pisikal na katangian, espiritwal na katangian, emosyonal na pananaw, maging amoy ng utot nila ay aking masinsinang inaral at sinuri. Bagay na pinagtatawanan ng aking mga kababata, bagay na hindi maintindihan ng mga nakatatanda.

Sa murang edad na iyon, namulat ako sa hirap ng buhay dahilan na dalawampu't dalawa kami sa aming pamilya, hindi pa kasama sa bilang ang aking mga magulang at ang sanggol sa sinapupunan ng aking ina.

Kaya ipinangako ko sa aking sarili at sa buong mundo na hahanapan ko ng solusyon ang papahirap nang mundo. Kahit ang kapalit nito ay ang paghihirap ko.

Sinuyod ko ang malawak na bansa ng Pilipinas upang maghanap ng iba't ibang sagot na makatutulong sa aking pag-aaral. Limang taon ang inabot ko sa masusing paghagilap sa tamang sangkap, sa tamang sagot, sa tamang mga taong makatutulong sa akin ng lubusan.

Marahil ay hindi mo lubusang maunawaan kung bakit ika'y aking pinadalhan ng liham ukol rito. Hayaan mo't sisimulan ko na ang pagpapaliwanag...

Taong 1798 nang maisip ni Thomas Malthus na ang sobrang bilang ng mga sanggol ay maaaring makapagdulot ng gutom sa sangkatauhan. Dahil rito, nabuo ang isang kaisipan na hayaan na lamang mamatay ang mga sanggol habang maaga kaysa mamatay sila dahil sa gutom sapagkat kapos sa pagkain ang mundo nang mga panahong iyon.

Ngunit ang pag-aaral na ito ni Malthus ay napatunayang mali dahilan sa ang bansa kung saan may pinakamaraming bilang ng namatay na sanggol ay s'ya ring bansa na may roong pinakmaraming bilang ng nanganganak na babae.

Halimbawa nito ang bansang Afghanistan kung saan sampung porsyento ng kabataan ang namatay, ang isang ina ay may sumatotal na anim na anak ang isa. Ang bansa ay may 30,000,000 bilang ng populasyon ngayon at inaasahang lalago ito at magiging 55,000,000 sa 2050. Isang patunay na ang pagtaas ng bilang ng mga namatay na sanggol ay hindi nakapagpapababa ng populasyon.

Kaya naman inabot ako ng ika-20 kong taon dahil sa maingat na pagsasaliksik ng isang gamot kung saan dahan dahan, sa natural na paraan, ang pagkamatay ng dahilan ng pagrami at pagtaas ng populasyon---mga babae.

Apat sa limang tao sa mundo ay babae, kung magagawa kong pagpantayin ang bilang ng lalaki sa babae, mababawasan ang populasyon ngayon at sa hinaharap sa kadahilanang ang nilalang na kumakargo at nagpaparami ng bilang ng tao ay mababawasan.

Ngayon, sinasabi ko ang mga ito sa iyo sa kadahilanang ikaw ay isa sa mga subject at isa sa pinakamaseswerteng napili at nabiyayaan ng pagkakataon upang magpasimula ng pagbabago.

Mayroon ka na lamang limang araw upang mabuhay at makasama ang iyong mga mahal sa buhay.

Ngunit huwag kang mangamba. Kung hindi mo naman nais ang ganitong oprtunidad ay maaari kang hindi magpatuloy. Ibibigay ko sa iyo ang gamot sa isang kondisyon.

Marapat lamang na pumatay ka, sa kahit anong klaseng paraan mo naisin, ng limang babae.

Kung iyon ay iyong mapagtatagumpayan, ipadadala ko kaagad sa iyo ang lunas.

Gusto ko ring sabihin bilang karagdagan na ang pakikisalamuha ng isang babaeng subject ay nakahahawa hindi lang sa kapwa niya babae kundi sa lahat ng taong kaniyang nakauusap, at nadaraanan sa pang-araw araw. Kumusta na nga pala ang iyong pamilya?

Sana ay pag-isipan mong mabuti ang hinihingi ko sa iyong maliit na tulong ngunit maaaring makapagdulot ng malaking pagbabago sa tumataas na bilang ng populasyon, hindi lamang sa ating bansa kung hindi maging sa buong mundo.

Inaasahan ko ang iyong kooperasyon bilang isang mabuting babae at mabuting ina.

Para sa sangkatauhan,

Ana

Itinupi kong muli ang piraso ng papel at muling kumapa ng isa pang bagay na iniaalay ko sa aking sarili.

Matagumpay ko kasing naisakatuparan ang aking pananaliksik. Humigit pa nga ako sa aking target. Ngayon, hindi ko lamang napaliit ang populasyon ng mga babae, ngunit akin nang tuluyang nabura ang mga babae sa populasyon ng mundo.

Samakatuwid, ako ang huling babaeng nabubuhay sa pagkakataong ito kung kaya't labis akong natutuwa at labis akong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa aking proyekto. Sa lahat ng tinanggap ang aking alok at nakipaglaban para mabuhay. Sa lahat ng babaeng pumatay upang sila ang patuloy na makahinga. Lubos ang aking pasasalamat.

Nakapa ko sa wakas ang maliit na bote sa aking bulsa kung saan nakapaloob ang huling patak ng gamot na tuluyan nang makapaglilinis sa mundo.

Binuksan ko ang bote at ngumiti.

Paalam sa huling pagkaka

Second Wave and Round 2 EntriesOnde histórias criam vida. Descubra agora