Entry 19:Payapang Hating-gabi

59 3 3
                                    

Genre: Fantasy

Word count: 1493 words


Kalmado ang mga alon ngayong hating-gabi, hindi tulad noong nakaraan na halos mabingi siya sa ginagawang paghampas ng mga 'yon sa buhanginan.

Napapikit siya bigla nang bumugso ang nagyeyelo sa lamig na hangin sa direksyon niya. Sa likod ng isip ay naririnig ang nanunuya nitong tinig. Tahimik man ang dagat ay hindi nangangahulugang tanggap na nito ang kanyang presensiya. Hindi sa hinagap na darating ang araw na magbabago ang natural na agos ng mga bagay-bagay dahil lang sa nangahas siyang makibagay dito. Sa huli ay wala rin siyang magagawa kundi ang tanggapin na lang ang katotohanan. Napabuntong-hininga siya at ipinagpatuloy na lamang ang pagtitig sa kagandahan ng reyna ng gabi.

Napukaw ang atensyon niya mula sa buwan nang marinig ang kakaibang paglagaslas ng tubig. Dumagundong ng mabilis ang tibok ng puso niya hindi sa takot, hindi sa kaba, kundi sa unti-unting pag-sibol ng kasiyahan sa bawat kanyang mga ugat. Umakyat ng bahagya ang mga sulok ng labi niya habang pilit inaaninag ng mga mata ang nilalang na lumalangoy palapit sa kinalalagyan niya.

Kailangan nga ba ang unang pagkakataon na ipinaramdam nito ang presensiya?

Sariwa pa ang alaalang 'yon sa kanya. Ang kauna-unahang beses na nabighani siya sa katahimikan ng hating-gabi. Unang nangyari na marinig ang payapang karagatan. Unang pagkakataon na mapakatitigan ang maliwanag at bilog na buwan. Dahil hiniling niyang payapain noon ang sarili upang dalawin ng antok, nagdesisyon siyang tumigil sandali at maupo sa pampang.

Siya namang pagdating ng nilalang na ni sa panaginip ay hindi niya inaasahang matatagpuan.

Tahimik ang naging pagkilos nito na wari'y sinasabayan ang pagsayaw ng kalmadong mga alon. Lumilitaw sa tuwi'na ang kulay bughaw nitong buntot, na kapag nasisinagan ng liwanag ng buwan ay lalong tumitingkad at gumaganda sa paningin. Dahil natulala sa kakaibang gandang tinataglay nito, at sa pagiging pambihirang uri nito na nilalang, hindi niya namalayan ang singhap na umalpas mula sa mga bibig. Sumilakbo sa kaba ang dibdib, sa takot na marinig siya nito. May ilang dipa lang pa naman ang layo nito sa kanya. At halos mabingi siya sa lakas ng tibok ng puso nang mapagtantong narinig nga siya ng magandang nilalang.

Natigilan ito sa paglangoy at automatikong napalingon sa kanya. Doon lamang niya nasilip ang maamo at nakahahalina nitong anyo. Ang itim na alun-alon nitong buhok, ang mapulang labi, ang ilong na sa kabila ng distanya niya ay kitang-kita pa rin ang pagkatangos, at ang hugis puso nitong mukha na sa palagay niya ay kay sarap ikulong sa sariling mga palad. Nabasa niya ang pagkataranta sa mga mata nito nang maaninag siya, at akmang aalis na sana ng wala sa sarili na itinaas niya ang kanang kamay at kinawayan ito na para silang matalik na magkaibigan, dala na rin ng pagiging pilyo niya ay binati pa niya ito ng salitang alam niyang tao lang ang makakaintindi.

Gusto niyang batukan ang sarili sa kabaliwang nagawa. Anong pumasok sa kukote niya at ginawa niya iyon? Inasahan na niya na lalo lang itong matatakot at lalangoy na palayo, ngunit sa panggigilalas niya ay kumaway rin ito pabalik sa kanya! At ngumiti rin ito!

Nagsimula ang pagkakaibigan nila simula ng gabing iyon.

"Dave!" Ang masiglang pagtawag ni Slyvia sa kanyang ang naghatid sa kanya sa kasalukuyan. Binati niya itong ng matamis na ngiti, at 'yon din ang isinukli nito sa kanya.

"Kumusta na? Ilang gabi rin tayong 'di nagkita. Kumusta pala 'yung..." Napapikit ito at gumawa ng maliit na tunog gamit ang pagtama ng hinlalaki at hintuturo. Saka ito napasinghap ng malakas na wari'y ma naalala. "interview ba 'yon? Nakuha mo ba? Makapagtatrabaho ka na ba?"

"Oo, nakuha ako. Sa makalawa ay magsisimula na ako." Lumusong siya sa malamig na tubig, 'di alintana ang pagdampi nito sa balat, at umupo malapit sa kaibigan.

Second Wave and Round 2 EntriesWhere stories live. Discover now