Chapter 31 : Cold Cell

Magsimula sa umpisa
                                    



Pinilit ko ang sarili ko na bumangon mula sa pagkakahinga sa mga hita ni Fiacre. Medyo naramdaman ko lang ang pagkirot ng batok at likod ko sa ginawa ko marahil ay dahil ilang oras na pagtulog sa ganoong posisyon. Napahawak na nga lang ako sa batok ko at likod ko. Ah shit. Ilang araw ba akong nakatulog? Tanong ko sa isip isip ko. 



"U-uncle S-sky." agad naman akong nabato sa kinalalagyan ko nang marinig ko ang maliit na boses na iyon. Nag-aalangan akong lumingon sa direksyon na pinagmumulan ng tinig na iyon. Napababa ang kamay ko na abala sa pagkapa sa mga nananakit na parte ng katawan ko. Ewan ko ba at nagsimula na lang na manginig ang mga kamay kong ito. 



Ito ang lubos pilit na laging binibilin sa amin ni Alexandria simula nang malaman niyang mas lumalala ang sitwasyon ng kalusugan niya noon. Pinangako namin sa kanya na isasakatuparan namin ito kahit ano pang mangyari pero ano? Ano nga ba ang nangyari ngayon? Binigo namin siya. Nawalan ng saysay ang pagtatagong ginawa namin sa batang ito. 



Nagtama ang mga paningin naming dalawa. Nasa iisang sulok at nag-iisa. Yakap yakap ng kanyang dalawang braso ang kanyang mga binting nakatupi malapit sa kanyang mumunting katawan. Inilagay niya ang sarili niya hindi kalayuan sa kanyang mga kapatid na labsak din sa pagkakatulog. Kanina pa ba siya gising? O hindi naman kaya, hindi siya nakatulog dahil sa mga bagay na ngayon niya lamang nakita? Mga bagay na hindi pa niya dapat malaman at makita. Sa isang iglap, muling nagbalik sa akin ang mga salita ng mahal kong pinsan. Ang memorya habang nakaupo siya sa kanyang kama habang latang lata ay naging malinaw na tila ba kahapon ko lamang ito nasilayan. 



"Please. Please let my little Valor to live a life of a normal kid. I know he could not escape from who he is but at least, please let him experience a happy life. A life without killing, bloodshed, or chaos. I want him to see the beauty of the world so that when he needs to fully accept his fate, he can imagine a brighter future for everyone under his command. I may not be able to witness anything but I beg to all of you this last request. P-please. T-this is my last w-wish." 



We're so sorry, Alexandria. We failed you. We failed to keep our promise. 



Bumigat ang dibdib ko at naging mahirap ang paghinga. Napabuntong hininga ko kahit na ba nananakit ang kalooban ko. Pinigilan ko muna ang panginginig ng kanang kamay ko at ginamit ko upang senyasan si Valor na lumapit sa akin. Mas lalong dumama sa akin ang sakit nang mabakas ko ang takot sa mga mata niya. What do you expect? Kahit na ba ilang beses mong sabihin sa isang bata ang maging matatag at malakas sa ganitong sitwasyon, hindi magagawa ng isang musmos na patigilan ang kanyang nadarama. He's a kid. He is supposed to be playing with other children and enjoying each day as if he has all the time in this world. 



When I somehow got the feeling that he won't be really coming for me, I decided to come for him. Due to the pain I'm suffering from, I crawl towards him. I tried not to disturb anyone at the moment. I want to console him and to talk to him alone. Nang makarating na ako malapit sa kinauupuan niya ay agad kong iniabot ang mga braso ko upang yakapin siya. Pinatong ko ang kaliwang kamay ko sa kanyang ulo na ngayon ay nakadepende sa aking dibdib. Bahagyang ginulo ko ang kanyang buhok tulad ng madalas gawin sa kanya ng ama't mga kapatid niya. I don't want to be like anyone of us. Each one of us suffered from a tragic start of our lives. I don't want him to keep everything within and suffer with it alone. We were able to save the first two but how about him? He started to be aware with these without his beloved mother. The supposed-to-be light of the family. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon