"See You, Again!"

Start from the beginning
                                    

"Naaksidente ka, kasama ng kapatid ko. May sugat ka sa ulo nang mailigtas namin." Sabi ni Rave na di pa rin nito nakukuhang ngumiti man lang. Natahimik namang bigla ang dalaga. Ramdam niya ngayon ang pagkirot ng kung ano sa ulo niya! Sobrang hapdi no'n na animo'y may sugat sa loob.

"S-sobrang sakit ng ulo ko! Napakahapdi, tulungan mo 'ko!" namimilipit na sabi ni Savannah Scarlett. Kaya agad namang napatakbo sa labas ng hospital room si Rave na halos mabangga na nito ang mga pasyenteng itinutulak sa wheelchair. "Ang sakit!" namimilipit pa ring daing ng dalaga habang ang mga palad niya'y nakahawak sa magkabilang side ng ulo niya dahil sa matinding sakit.

Kalmado na ang dalaga matapos siyang bigyan ng pain reliever ng doctor. The doctor made some interview with what she feels right now and finds out that she is now blind. Napag-alaman din nilang mayroon itong Amnesia at wala pang katiyakan kung kelan magbabalik ang alaala nito.

Naging abala si Lucho sa pag-iimbestiga sa maaaring ugnayan nina Señor Lazaro at Don Sebastian. Kailangan niyang masigurado na niloko siya ng mga ito.

"Oras na malaman ko ang buong katotohanan na pinaikot niya lang ako, patawarin ako ng Diyos sa maaari kong gawin sa inyo kahit Lolo pa kita!"tiim-bagang wika ni Lucho. If there is one way to know about the whole truth now, he'll never hesitate to do that. Hiniling niya sa hotel waiters na ibalot ang mga kutsarang gamit ni Don Sebastian at ni Señor Lazaro. At ngayon nga'y hawak na niya ito, dahil naisip niyang pinapaikot lang siya. "Mukhang planado ang lahat, bakit biglang-bigla'y kailangan niyong ipakasal ako kay Cheyenne Blue, tapos biglang dumating si Don Sebastian, telling me that he is my biological father at ikaw Lolo —agad kang naglabas ng DNA test result. Sana nga'y naisip ko muna ang mga bagay na 'to bago ko pa nilayuan si Savannah. Hindi sana siya nawala, hindi sana kami nagkalayo!" aniyang puno ng pagsisisi sa sarili. Ngayong sakay na siya ng kotse niya'y bigla siyang napaisip. "Makapangyarihan si Lolo, alam kong bago pa niya pinlano ang lahat ng mga bagay na 'to'y kanya nang nagawan ng paraan upang gawing malinis ang kanyang trabaho. Maaaring nakausap na niya ang karamihan sa mga doctor na kapag nagpa-DNA test ako ay ipe-peke nila ang resulta. I can go to Hongkong, though."

Hindi pa rin umaalis ng Zamboanga Peninsula si Gabriel. Sa bawat araw ay umaasa siyang muli ay makita si Savannah Scarlett. Kailangan niyang masigurong buhay ito, kailangan niyang malamang ligtas ito tapos ay palalayain na niya sa kasunduan ng pamilya niya at ni Savannah Scarlett na magpakasal.

"I'll set you free once you're back, Scarlett. I'm willing to let go of you if that's what would make you happy. Kahit masakit na makita kang masaya sa piling ng iba. Mas mahal kita keysa sa pansarili kong kaligayahan. Sana'y magbalik ka, sana'y buhay ka at sana'y nasa mabuti kang lagay." Luhaan si Gabriel habang sakay ng yate na ipinadala mismo ng kanyang Papa upang hanapin sa bawat isla ng Pilipinas si Savannah Scarlett. Gamit niya ang telescope, sinusubukan pa ring baka bigla na lamang niyang makita ang dalagang ilang araw na ring hindi natagpuan.

Pansamantalang iniuwi ni Rave si Savannah Scarlett sa kanilang bahay habang hinihintay ang nakatakdang panahon upang operahan ang mga mata nito't maibalik ang paningin niya. Nagkataong tulog pa si Axehl sa mga sandaling 'yon.
Malamig ang simoy ng hangin, sadyang binuksan ni Rave ang mga bintana ng guest room upang makalanghap ng preskong hangin ang dalagang nakatayo sa harap mismo ng bintana.

"Mas gusto ko dito." Sabi ni Savannah Scarlett nang madama ang lamig ng simoy ng hangin. Pumikit ito saka niya itinaas aa kawalan ang mga kamay saka sinubukan niyang umikot nang umikot hanggang sa bumunggo ang sarili niyang katawan sa katawan ng gwapong binata na napakaseryoso ng mukha. Natigilan ang dalaga nang maramdaman ang init ng hininga ni Rave, lalo pa't hapit siya nito sa beywang.

"What are you doing?" he asks in a very cold voice, looking straight into her blind eyes. Kailangan ba niyang mahabag sa kaharap na dalaga?

"I want to see how beautiful it is to be here, but I see nothing but darkness." Tugon ng dalaga saka dahan-dahan niyang iginalaw ang mga kamay niya hanggang sa madama ang malapad na dibdib ng binatang kaharap, saka pinaglakbay ang palad niya tungo sa gwapo nitong mukha. Trying to know how handsome is this man as a person. Ramdam niyang may bigote ito na para bang kakaahit lang, ramdam niyang napakatangos ng ilong nito, ramdam niyang mamasa-masa ang mga labi nito, at batid niyang gwapo ang kaharap na lalaki.
Dahan-dahang hinawakan ni Rave sa magkabilang bisig si Savannah Scarlett saka marahang inalis ang mga palad nito mula sa kanyang mukha at napakagat-labi siyang dumistansya mula rito. "I'm sorry, I was just trying to memorize your face. Was trying to figure out how you looks like and I'm sorry."

"Take a rest now." Utos ni Rave sa makapangyarihang tinig na bigla na lang nagpakaba sa dalaga. Ang sarap sa tenga ng boses ng gwapong binata, kahit medyo magaspang pa ito kung magsalita, parang musika pa rin 'yon sa pandinig ng dalaga. Nangapa ang dalaga, hindi pa niya alam kung saan ang kama. Kaya maingat siyang binuhat ni Rave bagay na nagpangiti sa dalaga. Marahan siya nitong inihiga sa kama, habang nakamasid siya sa magandang mukha ni Savannah Scarlett.

"Ano'ng pangalan mo?"

"Don't dare to know who my name is —just take your rest. It will be your eye surgery after two days." Sabi ni Rave.

"Ang gwapo mo siguro, no? Suplado ka nga lang." Nakangiting wika ni Savannah Scarlett.

"Kuya Rave!" tawag ni Axehl na kakagising lang. Narinig 'yon ni Savannah Scarlett, ngayon alam na niyang Rave ang pangalan nito. Pero sino nga kaya ito? "Dumating na pala kayo dito. Nagsasalita na pala siya —hindi mo man lang nabanggit sa akin."

"Look, Axehl. Sobrang pagod na siguro ako, wala pa akong pahinga mula nang dumating kami sa hospital. Yung mga trabaho ko nga naipagpaliban ko na. Hindi sa lahat ng oras ang babaeng 'to lang ang aasikasuhin ko." Sabi ni Rave, dinig na dinig 'yon ni Savannah Scarlett kaya medyo nasaktan ang damdamin niya. "Now, that you're here, why don't you take care of her? Excuse me." Saka nagmadaling lumabas ng guest room at pabagsak pa man ding isinara ang pinto.

"Sorry, huh? Kuya Rave didn't mean it." Ani Axehl. "Ako nga pala si Axehl. Ikaw?"

"Hindi ko alam. Wala naman akong matandaan, ni pangalan ko tuluyan ko na ring nakalimutan." Sabi ni Savannah Scarlett saka mabilis na tumalikod mula sa naririnig na pinanggalingan ng boses ni Axehl. Hindi na siya kinulit pa ng binata.

Sa paglipas ng mga araw, wala pa ring naaalala si Savannah Scarlett. They are now on their way to St.Theresa's hospital for her eyes surgery. Si Rave mismo ang nagmaneho ng kotse habang nakaupo naman sa backseat si Axehl na katabi ng tahimik na si Savannah Scarlett.

St. Teresa's Hospital is a private hospital in HongKong. It is located at 327 Prince Edward Road West, in the Kowloon City, District of Kowloon. Sobrang laki ng pagamutang ito at dahil hindi pa tuluyang magaling ang mga sugat ni Axehl —si Rave na mismo ang bumuhat sa dalaga papasok sa loob ng ospital.

Papasok na silang tatlo sa elevator room nang biglang mahagip ng mga mata ni Lucho si Savannah Scarlett. Galing siya sa 7th floor para sa DNA tests at di niya inaasahan ang makikita ngayong araw.

"Savannah Scarlett!" aniya saka mabilis na tumakbo tungo sa Elevator room —nagbabakasakaling maabutan ito dahil hindi siya pwedeng magkamali. He kept on pressing the open button of the elevator, ngunit loaded na ito kaya patakbo niyang tinahak ang matataas na hagdanan ng St.Theresa's. Pawis na pawis na siya't pagod na pagod na, lalo pa't di naman niya alam kung ano'ng floor mahahanap si Savannah Scarlett.

TBC

"LUCHO: THE SUBSERVIENT"Where stories live. Discover now