"Salamat Mark. Bakit mo ba to ginagawa sa akin?" ang tanong niya sa akin.

PUCHA!! tameme ako. Ano sasabihin ko sa kanya? Dahil mahal ko siya?

TAENA! Natotorpe ako!!!

"Uy! Mark? Are you ok?"

"HA?W-wala syempre kaibigan kita." sabi ko naman

SHIT! Mark! Torpe mo!!!

"Ahh ganun ba? salamat ha. Nga pala i have to go. See you tomorrow" at tumayo na ito sa kinauupuan niya.

pagkaalis ni Courtney,bigla na namang nagring ang phone ko.

<tita rosalie calling>

mommy ni blake tumatawag? bakit kaya?

"Hello po tita?"

<uhmmm.... mark, do you have class today?> tanong niya sakin.

"wala naman po. Bakit po? may problema po ba?" tanong ko.

<to tell you frankly iho, meron nga. I'ts about our son, blake. ilang araw na siyang hindi lumalabas ng kwarto nya. Can you please talk to him. Your tito rene and I are going on a business trip. Mawawala kami ng ilang linggo.>

"ok po tita. Pupuntahan ko na po siya ngayon. Bye po."

at binaba ko na ang phone.

Alam ko naman ang problema ni Blake. Umaga na siyang umuwi ng gabi na sinabi niya na may date siya. Niloko ko pa nga siya kung kamusta sila ni Emily at inumaga siya ng uwi. pero, isang galit na blake ang sumaluubong sa akin. From that day on, hindi na kami nakapag usap dahil na rin sa nalalapit naming midterm.

Bumili ako ng isang case na beer sa isang malapit na convinience store at dumiretso ako kaagad kila blake.

Pinatuloy ako ng katulong nila sa kwarto niya.

Pinihit ko ang doorknob pero, nakalock ito. Kumatok ako

tok!tok! "Blake, open the door si Mark ko. Usap tayo tol. may dala akong beer."

narinig ko ang yabag sa loob ng kwarto niya.

Buti naman at buhay pa ang loko. Akala ko nagbigti na.

Binuksan niya ng kaunti ang pinto at inilabas lang ang ulo.

SHIT!

napamura ako sa itsura niya. PAra siyang ewan.

Parang ilang buwang hindi naligo.

"Halika pasok ka."

tumuloy ako sa loob. hila-hila ko ang isang case ng beer na binili ko.

"Tol, nag-aalala sila tita sayo. Pati na rin si Emily." ang sabi ko sa kanya.

"BULLSHIT ka naman mark. ano to joketime?" at kinuha niya ang isang beer at binuksan.

"Mahal ka niya Blake. Hindi pa niya alam yun. Until now."

"Bakit ngayon pa? pagkatapos niya akong saktan bigla niyang sasabihin na mahal niya ako? ano to? gaguhan?" nagagalit na boses ni Blake.

hayyysss....

minsan ang hirap din sa lalaking to, ang hirap kausapin. parang babae.

"Si jenna ang date ko sa acquaintance"

"ANO?! Nagkabalikan na kayo? kelan pa? bakit hindi ko to alam? paano na si Emily?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Hahahaha... easy lang tol. isa-isang tanong lang. una, hindi pa kami nagkakabalikan pero balak kong makipagbalikan sa kanya. At kung tinutukoy mo about our date sa acquaintance, bahala siya. Ayoko na siyang makita pa. Tol, ngayon lang ulit ako tinamaan sa isang babae,gagaguhin pa niya ako."

The Missing PieceWhere stories live. Discover now