Chapter 23 - First Monthsary (Part 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

"sumama ka ng tahimik kung ayaw mong matuluyan" maangas na sabi nung isang lalake.

Napa-sigh na lang ako saka umimik. "fine"

Pinindot ng isang lalake ang button na "B2" so meaning basement 2 ang punta namin? Psh.

Paglabas namin sa elevator ay naunang maglakad ang isang lalake. Ang isa naman ay nasa likod ko pa din.

Naglakad kami hanggang marating namin ang isang kwarto dito pa din sa loob ng building ng Roswell Company.

Pero hindi tulad ng mga opisina. This is different. Walang bakas ng working table or kahit ano. Plain wide room with a living room and a bar counter. More like a place for meeting of a big group.

There I saw Ezekiel na masamang nakatingin saken while puffing his cigarette. On his right hand is a calibre 45 pistol.

Around us ay ang mga armado nyang tauhan.

He waved his hand na may hawak ng baril at kasunod non ay nagsilabasan lahat ng armadong lalake sa labas.

Except for Ezekiel and me.

"Who gave you the permission to enter my territory Blood?" mahinahon pero ramdam ang galit sa bawat salitang binitiwan nya.

"nabalitaan ko ang tungkol sa negosyo mo at gusto ko lang naman tulungan si Miss Aemie" mabilis at balewalang sagot ko

"tulungan?!" he frowned.

"wala akong masamang intensyon Roswell" sinserong wika ko.

He threw the cigarette butt on the floor at lumapit sa'ken while his both hands on his pockets.

"anong meron sa inyo ni Aemie?" he flashes me his infamous poker face look.

"Wala, I just find your wife interesting and--" Dang! before I could finish my sentence my head banged on the floor dahil sa malakas na suntok ni Ezekiel.

Amfufu! Wala pa din syang pagbabago.

I felt a sudden dizziness dahil sa suntok at pagtama ng ulo ko sa sahig.

Pinunasan ko lang ang dugong tumulo sa may ilong ko gamit ang braso ko.

Pero wala akong balak lumaban. Hindi sa takot ako. Dahil kung mano-mano lang naman alam kong makakapalag ako pero hindi ko sigurado kung kaya kong manalo.

At kilala ko si Ezekiel. Sya yung tipo ng tao na hindi marunong magpatalo.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon