Humigpit lalo yung mga yakap nya sakin ng maramdaman ko namang nagvibrate yung phone sa bulsa ko.

*Phone Vibrate*

"Ay hehe wait lang." Kumalas ako sa pagkakayakap nya tsaka ko tiningnan yung phone ko.

One message received from Thunder⚡

"Shaaaa! Baba kana gera na!"

"Loko loko talaga." Bulong ko.

"Who is it?" Tanong nya habang sinusubukan nyang silipin yung phone ko.

"Si Thunder, pinapababa na nila ako." Tinago ko yung phone ko at binitbit ulit yung bagpack ko.

"Um..See you later?" Tanong ko habang nakangiti sakanya.

"Sure, ako maghahatid sayo pauwi okay? Magbehave ka, be a good girl."

Grabe, parang di ako goodgirl?

"Opo. Bye Si--"

"I love you." I wanted to kiss him but nah. Mamaya nalang.

"I love you too." Tsaka ako lumabas ng office nya.

---

3 hours has passed pawis na pawis ako. Sa dami ng mga palaro ng mga SSG halos hindi magkamayaw yung mga kalahok especially yung leader namin, si Thunder. Halos lahat ata sinalihan namin at kami lang yung napagod. Sya? Ayun nandun at lumalaban pa ng Sack race habang kami naman nila Penny at Jess nakaupo sa bench.

"Grabe, lumagok ba ng isang boteng energizer yang si Thunder? Parang hindi sya napapagod." Sabi ni Penny habang pinapanood namin si Thunder na hyper na hyper sa pakikipagSack race.

"Hindi sya uminom ng energizer, sya mismo yung energizer." Sagot naman ni Jess, natawa naman ako habang umiinom ng tubig.

Nakita kong si Sir na kasali din sa Sack race at partner sila ni Ms. Lina. Tuwang tuwa si Ms. Lina, habang si Sir naman sa akin pasulyap sulyap habang naglalaro.

"Ay, gumaganun? Pasulyap sulyap ang peg nyo?" Bumalik ako sa wisyo ko at napatingin ako kay Penny.

"Kayo na ba?" Kasunod na tanong naman ni Jess.

"Uh...ehh..."

Biglang nanlaki yung mata ni Penny ng itaas ko yung kilay ko sakanya.

"Oh my god. Hindi nga?!" Ang totoong magkaibigan, tinginan palang alam na.

"Yeah." Sagot ko pa ng tabihan nya ako at inaalog alog yung balikat ko.

"Waah!! Ang haba ng hair mo!"

"Penny, stooop."

"K-kayo na?" Tanong naman ni Jess.

"Oo! Sila na! OMG!!" Si Penny na sumagot sakanya habang tumitili tili pa sya.

"Penny, wag ka maingay. Kayo lang nakakaalam at wala kaming balak ipaalam sa lahat, alam nyo namang bawal ang relasyong Proffessor at estudyante dito."

"Sure! We won't say a single thing! Right, Jess?" Pagtingin namin sa upuan ni Jess wala na sya dun at naglalakad na sya palayo samin kaya sinundan ko naman sya.

"Jess! Wait up!" Dala dala ko yung tubig ko ng habulin ko sya papunta sa likod ng campus.

"Ok kalang ba?" Tanong ko pa ulit ng tumigil sya at naabutan ko sya.

"Cha, I have something to tell you."

Ang seryoso ng mukha nya na sya namang ikinaba ng dibdib ko.

"Katakot ka, ano ba yun?"

"Please wag ka magagalit sakin sa sasabihin ko." Habang pinapatagal nya, lalo lang akong kinakabahan sa sasabihin nya.

"Pwede bang sabihin mo nalang? Natatakot kasi--"

"Ako ang nagkalat ng pictures nyo ni Sir. Yuji noon."

Parang bigla akong natabunan ng isang building sa sinabi nya.

"What do you mean? Hindi, si Maxine yun narinig ko usapan nila ni Sir. Yuji."

"Maxine is my cousin."

Napapikit ako, bakit? Kaibigan nya ko, kahit pinsan nya pa si Maxine dapat...No, bakit si Jess pa?

"I-I have to go."

"Char--"

"No! Don't you even dare to say name! P-paano mo nagawa yun Jess?! Magkaibigan tayo! Alam mo ba kung ano naramdaman ko ng araw na pagtinginan ako ng mga tao sa paligid ko? Alam mo ba yung naramdaman kong nagiisa lang ako ng araw na yun?! Paano mo nagawa yun! I don't care kung pinsan mo sya! Wala akong pakialam sakanya! Pero ikaw? Jess, kaibigan kita! Paano mo nagawa sakin yun?!"

"Mahal kita! Oo may pagkaselfish yung dahilan ko dahil ginawa ko rin yun para masira kayo ni Sir. Yuji at hindi maging kayo, I love you Cha. How come na hindi mo naramdaman yun all this time? I've even used Irene para mapagselos kita but you acted like you didn't give a damn about who I date with! Puro ka Sir. Yuji, ni hindi mo ko naalala na ako yung nandyan para sayo nung hindi kapa nya napapansin! I was there when no one else was!"

"It didn't make any sense, kung mahal mo ko hindi mo ko dapat sasaktan but yet you teamed up with your evil cousin's idea! Now, tell me Jess, worth it ba?! Naging masaya kaba nung mga araw na ni hindi ako makalabas ng bahay magiiyak sa bahay dahil hiyang hiya ako sa lahat?! Masarap bang malaman na nagtagumpay kang sirain ako that time at pandirihan ako ng lahat?!"

Naiiyak na ko, hindi ko na mapigilan. Ok lang sana kung ibang tao, pero bakit sya pa?

"Charlotte, sinasabi ko to sayo dahil ayoko ng maglihim say--"

"Ms. Briones." Natigilan kaming dalawa ng marinig namin ang boses nya. Lumapit sya agad at pinunasan ang mga luha ko.

"Let's go." Hawak hawak nya ang balikat ko habang naglalakad kami.

"Charlott--" Natigilan sya ng si Sir na ang sumagot sakanya.

"Jess, just stop. You've done enough."

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon