Part II

71 1 0
                                    

Tatlong araw ang nakalipas ay nakausap ko naman ang ex-girlfriend ni Jojo na itatago ko naman sa pangalang "Reena".

Reena: Ganito kasi 'yan. Parang na-fall out of love ako sa kanya. Biglaan. Kahit ako, nagulat sa naramdaman ko para kanya. Mahal ko naman siya pero parang pakiramdam ko, nagsasawa ako sa mga pinapakita niya sa akin, sa mga ginagawa namin, sa lahat-lahat. Para kasing naging predictable siya. 

Ako: Normal ang makaramdam ng ganyan. Kahit sa mga mag-asawa, nangyayari yan. Pero alam mo kung ano yung nagpapanatili ng bond? Yung "faith" na magpapaalala sa'yo na test yan sa pagmamahal mo. Kapag wala yung pananalig at pagtitiwalang iyon, madaling susuko yung love mo para sa kanya.

Reena: Pinipilit ko naman na i-save yung relationship eh kaso talagang feel ko, hindi kami para sa isa't isa.

Ako: Masasabi mong hindi kayo para sa isa't isa kung hindi ka sumuko at gumawa ka pa ng extra effort galing sa part mo para manatili yung love niyo para sa isa't isa. Eh mukhang wala ka pang masyadong nagagawa ay sumuko ka na agad. It sounds unfair para sa ka-relasyon mo.

Reena: Eh parang wala rin naman siyang ginagawang effort eh.

Ako: May gawin man siya o wala, ang issue dito is yung kung ano yung ginawa mo. Kasi kung nagawa mo yung part mo at hindi pa rin nag-work, alam mo sa sarili mo na hindi ka nagkulang.At least wala kang pagsisisihan kung may ginawa ka pa.

Ako: Mahal mo pa siya?

Reena: Mahal ko pa. Kaso...

When Heart TalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon