When Heart Talks

256 8 5
                                    

 When Heart Talks

Ang akdang ito ay para sa mga pusong nawawalan ng pag-asa sa kahahanap ng tunay na pagmamahal. Sa totoo lamang, hindi talaga hinahanap ang pagmamahal, sa halip, hinihintay na dumating. Maaaring may dumating nga sa iyo pero hindi mo agad malalaman kung tunay nga ba ito o hindi. Paano at sino nga lang ba ang makakapagsabi kung dumating na nga ang taong para sa iyo?

Ang mga matutunghayan niyong nilalaman ng akdang ito ay palitan ng mga salita, kuro-kuro, suhestiyon, o komento tungkol sa pag-ibig batay sa tunay na usapan. Sa ganitong paraan ay mas madali ninyong mabubuo sa kaisipan ang mga paglalarawang gagamitin. 

Sa bawat araw ay may iba't ibang usapan tungkol sa iba't ibang aspeto ng pag-ibig. Maaaring teknikal sa inyong pakiwari ang magiging laman nito ngunit tiyak na sa huli ay may matututunan kayong aral at kung papalarin ay maisabuhay ang bawat aral na ito.

When Heart TalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon