Hit 18~Public Apology

Start from the beginning
                                    

"Hindi tayo nakakatiyak na sa akin nga ang batang iyon!" sagot ni Yano.

Bigla tuloy nagpanting ang tainga ni Nino."Hindi maruming babae ang ate ko!" giit niya sabay titig kay Yano. Sa totoo lang ay gusto niyang magbago bilang si Nino alter. Ito lang kasi ang naiisip niyang paraan para malabanan si Yano, ngunit ayaw nitong lumitaw.

"Ano bang gusto mong gawin ko?" tanong ni Yano.

Mabilis na sumagot si Nino. "Gusto kong pakasalan mo ang ate ko!"

"Ano?"

"Pakasalan mo siya!"

"Naririnig mo ba iyang sinasabi mo?" sigaw ni Yano. "Ako ang susunod na leader ng clan. Paano ako magpapakasal sa isang hamak na taga Village III?"

"Pero iyon lang ang paraan para maligtas siya!"

Naging bahagi si Nino ng student council kaya alam niya ang parusa sa mga estudyanteng nasasangkot sa ganitong eskandalo. Alam niya rin ang paraan kung paano sila maliligtas.

"Naaalala mo pa ba?" pagpapatuloy ni Nino "Nang pumayag ako na maging alipin mo, nangako ka sa akin na hindi na masasaktan ang ate ko."

Tama. Sinabi nga iyon ni Yano.

"Nasaan na ang pangakong iyon? Nasaan na!" pasigaw na sabi ni Nino. Ilang saglit pa ay bigla na siyang napaluhod. Halos humalik na siya sa lupa. "Boss! Nagmamakaawa ako sayo. Iligtas mo ang ate ko."

"Mahirap ang ipinapakiusap mo," sagot ni Yano bago ito tumalikod.

"T-Teka boss!" habol ni Nino, pero nakapasok na sa gate si Yano.

Humarang na iyong guard. "Puwede ba, umuwi kana! Ayaw ka nang kausapin ni boss!"

Hindi na nga nasundan ni Nino si Yano. Napakahina ko. Wala man lang akong magawa para mailigtas si ate. Naiyak na lamang siya.

***

"Mia, Nino, hindi pa rin ba kayo papasok?" tanong ng nanay nila.

Nang ma-suspend si Mia, naiisip ni Nino na 'wag na rin munang pumasok para hindi magtaka ang mga magulang nila. Wala naman silang kapitbahay na nag-aaral sa Yama Gakuen, kaya walang nakakapag sabi ng tsismis sa mga ito.

Gayunpaman, alam ni Mia na hindi magtatagal ay malalaman din ng mga magulang niya ang totoo kaya nga kailangan niyang maghanda.

Isang malamig na gabi ang mabilis lumipas.

Pagkagising ni Mia, sobrang bigat ng kanyang pakiramdam. Hindi lang dahil nagdadalang-tao siya kundi dahil araw na ng Public Apology.

"Papasok na po kami" paalam ni Nino.

Walang kamalay malay ang mga magulang nila sa kakaharapin ni Mia.

Sa pagbibigay ng public apology, kakailanganin ni Mia na magsalita sa harap ng school director, faculty at mga estudyante. Mukhang madali lang gawin, ngunit hiindi para kay Mia.

"Kasama mo ba ang mga magulang mo?" tanong ng homeroom adviser ni Mia.

Umiling siya. "Wala po akong lakas ng loob sabihin ito sa kanila," amin niya.

Napakunot ng noo ang kanyang guro. Isa itong matandang babae na laging problemado. Kaya nga medyo nakonsensiya si Mia dahil binigyan niya pa ito ng panibagong problema.

"Basta Miss Vergara, ihanda mo ang sarili mo," sabi ng guro niya. "Noong huling nangyari kasi ito five years ago ay sobrang napahiya iyong sangkot na babae. Marami kasing masasakit na salita na ibinato sa kanya. Halos gustohin na nga niyang matunaw. Panigurado na mararanasan mo rin yon kaya maging matapang ka."

Kizuna: The Bond Between usWhere stories live. Discover now