Hit 18~Public Apology

Magsimula sa umpisa
                                    

Inilabas ni Chen Yin ang mga tuta para maipakita kina Rina at Jin. Parehas kasing mahilig sa mga hayop ang dalawa.

"Talagang cute ang mga baby," komento ni Ivan. "Sana lang iyang mga tutang 'yan ay hindi lumaki tulad ng nanay nila," dagdag nito. Sa lahat kasi ng miyembro ni Yano ay siya lang ang nabiktima ni Azul. Muntik na siyang lapain nito noong unang beses siyang nagpunta sa bahay nina Yano.

Talagang cute ang mga baby.

Tumatak sa isip ni Yano ang sinabing iyon ni Ivan

Paano pala kung siya talaga ang ama ng ipinagbubuntis ni Mia? Anong gagawin niya?

Pero kalokohan iyon.

Ayaw niyang magkaroon ng anak sa isang taga Village III.

***

"Aksidente lang iyon."

Sa wakas, nagkaroon na rin si Mia ng lakas ng loob para ipagtapat ang totoo.

"Si Yano ang ama ng dinadala ko."

Naging parang bato si Nino matapos iyong marinig. Paano nangyari na si Boss Yano iyon?

Hindi siya makapaniwala.

Ipinagpatuloy ni Mia ang pagkukwento. "Parehas namin iyong hindi ginusto. Nino, bunga lang ng pagkakamali ang batang ito. Ayoko rito. Ayoko rito," nagsimula na namang umiyak si Mia. Sa kabila noon ay nagawa naman niyang idetalye ang mga pangyayari.

"Ate Mia." Niyakap siya ni Nino. "Hindi mo ito kailangang pagdusahan ng mag-isa," wika niya.

Nang gabing iyon, pinuntahan ni Nino si Yano dala ang isang baseball bat.

"Anong ginagawa mo rito? Pinapunta ka ba ni boss Yano?" masungit na bati ng guard.

Mula nang maging alipin si Nino, ganito na ang asal sa kanya ng guard. Kahit ngitian niya o pakitaan ng mabuti ay parati pa rin itong masungit.

Sa pagkakataong ito ay hindi na ngumiti si Nino. Seryoso niyang sinagot ang guard.

"Sabihin mo kay boss Yano na gusto ko siyang makausap."

"Inuutusan mo ba ko?" angil ng guard. Mabilis kumulo ang dugo nito dahil sa pabalang na pagsagot ni Nino. Gusto niya sana itong turuan ng leksyon subalit bahagya siyang natakot. Ngayon lang kasi nito nakita si Nino na umasal ng ganoon. Bigla niya tuloy naalala ang sabi sabi na natalo na nito si Yamapi.

"Hindi mo ba ko narinig?" ulit ni Nino.

Napalunok bigla ang guard. "Sige, ipatatawag ko siya."

Sandali lang naghintay si Nino. Lumabas na rin agad si Yano.

"Gabing gabi na, bakit mo ba ko inaabala?" inis na tanong ni Yano.

Isinenyas ni Nino na doon sa medyo malayo sila mag-usap.

Sinundan siya ni Yano. "Ano ba talagang kailangan mo sa---"

Hindi pa man natatapos magsalita si Yano ay bigla na siyang sinugod ni Nino. Buong puwersa nitong inihataw ang baseball bat.

Mabilis naman iyong nasalo ni Yano gamit ang kaliwang kamay.

Kasabay noon ang paghila nito at paghagis sa bat. "Baliw ka ba? Gusto mo ba talaga akong makalaban?"

"Alam ko na ang totoo! Sinabi sa akin ni ate!" sabi ni Nino.

Natahimik doon si Yano. Naging malinaw na sa kanya ngayon kung bakit ganito ang inaasal ni Nino.

"Aksidente iyon," sabi ni Yano. "Kung tutuuusin ang kapatid mo nga ang may kasalanan dahil siya ang pumasok sa kuwarto ko."

"Pero magkakaanak na kayo!" linaw ni Nino at pinagdiinan niya iyon.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon