CHAPTER 38 (PART 2)

15.4K 185 7
                                    

SUMMER HEMILTON

"Urg" i groaned. Masakit ang ulo ko. Parang binibiyak ng dahan dahan.

Sinubukan kung tumayo pero hindi ako makagalaw. Nanlaki na lang ang mga mata ko ng mapagtantong nakagapos ang dalawa kung mga paa. Kahit ang kamay ko nakatali sa poste.

Ngayon ko lang napagmasdan ang paligid. Nasa isang silid ako kung saan puti ang kulay, at tanging isang malaking poste ng kahoy ang makikita kung saan mismo ako nakapagapos.

"TULONG!!!" hingi ko ng saklolo.
Baka sakaling may makarinig sa akin.

Nakidnap ako.

"HELP ME! PLEASE ANYBO-" natigil ako ng bumukas ang pintuan.

"Gising ka na pala." Isang nakakatakot na Kylie ang nagpakita sa akin.

May dalang pagkain. Lumapit siya at umupo para maipantay ang mukha.

Ngayon ko lang naalala. Siya ang kidnaper ko.

Gamit ang kutsara ay kumuha siya ng pagkain at inilapit sa bibig ko. "Eat." She command.

Hindi ako sumunod. What if may lason?

"Walang lason yan kaya kumain ka." Hindi parin ako sumunod.

"Kakainin mo to o kukunin ko yung pagkain ng alaga kung aso at iyon ang kakainin mo?"

Napalunok ako sa sinabi niya. Duh! Sino naman ang taong gustong makikain sa aso.

Wala akong nagawa kundi ngumanga. Pasalamat siya masarap ang pagkain. Kung hindi inulawa ko to sa mukha niya. Buwisit, paano kasi ako napunta sa ganitong sitwasyon.

Nabaliktad ang lahat. Siya dapat ang nakagapos at hindi ako. F*ck her. Sa tingin ko nasa side niya ang luck.

Matapos niya akong pakainin lumabas na siya. Ngunit saglit lang dahil bumalik din siya agad.
But this time, may kasama siya.

"Bea the bitch." I murmured to myself.

"Hi, Summer the witch." I gave her a cold stare. She just shrugged.

"So, anong gagawin natin sa kanya." Tanong niya kay Kylie.

"I want her to scream."

Pareho kaming nagulat ni Bea. "Omo, mahal kung kapatid. Hindi ako lesbian."

"Idiot, not in pleasure. I want her to scream because of pain."

Pain? Sasaktan nila ako.

"W-what do you mean?"

Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay may inilabas siya sa hawak na bag.

Nanlaki ang mga mata ko sa bagay na kinuha niya. Nanginig ang mga kamay ko. Natatakot ako, hindi ko kakayanin kung iyan ang gagamitin niya para saktan ako.

"Ang ganda nito hindi ba?" Nakangising tanong niya sa akin. Gusto ko ng tumakbo palayo sa lugar nato pero paano?

Kailangan ko ng tulong.

"Kapag ito dumapo sa balat mo, magdudugo kaya o mamumula lang?"

"Kylie, parang sobra naman ata." Sabi ni Bea.

"Kung tutuusin dapat magpasalamat siya. Kung hindi ako nagtimpi malamang kanina pa siya patay."

"But Kylie, paano si Rain?"

"Rain is out of this shit. Pinatahimik ko muna siya kaya wag kang mag-alala."

"P-pinatahimik?" Anong ibig niyang sabihin? Nababaliw na ba sila. Pinag-uusapan nila si Rain samantalang nasa harapan ko siya.

Don't Break My Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now