CHAPTER 2

94.7K 1.4K 22
                                    

Trivia: nakuha ko po ang pangalang Suzy sa pinakabatang miyembro ng Miss A. ☺️ Mga kpop lovers labas jan.😘    

SUZY RAIN CARIAS HEMILTON POV

Tapos na ang klase at kaunti nalang kaming natira dito sa room. Two hours pa bago ang susunod naming subject.

"Ang gwapo niya no?" Basag ni Dafnie sa katahimikan naming tatlo.

Sabay kaming nagkatinginan ni Thea saka tumawa nang malakas dahilan para tumingin sa amin ang iba naming kaklase.

Paano naman, tulo laway pa siya. Parang totoong nakakita ng adonis.

Inabutan ni Thea ng panyo si Dafnie. Parang walang anumang kinuha niya ito saka ipinunas sa bibig. Feeling naglalaway ang babae.

"Sinong gwapo?" Pasimpleng tanong ko, kahit alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

Tumingin siya sa akin. "Yung new classmate natin." Lihim akong nasamid sa sinabi niya.

Speaking, halos sa one and a half hour naming klase kanina ramdam ko ang matatalim niyang titig mula sa gilid. Wala naman akong kasalanan para ganunin niya. Parang hindi pa naka move on sa muntik bangga na issue. Kanina ngang nagpakilala ako tinignan lang ako at inirapan.

Dahil sa nainis ako natanong ko kung bakit ang taas nang tingin niya sa sarili. Balewalain at irapan ba naman ako.


"Mataas ang tingin ko sa sarili ko Ms. Hemilton dahil alam kong gwapo ako." Pagtutulad ni Thea sa sagot ni Mr. Dela Cruz kanina sa tanong ko.

Putakte haha! Epic yun ah. Self proclaim lang, parang si Thea.

"Gaga! Mas malala iyong isang sagot niya kay Suzy." Tukoy ni Dafnie sa ikalawa kong tanong kay Mr. Dela Cruz.

"Do you want me to be your girlfriend?"

"Kong ikaw rin lang wag na. Mas gugustuhin ko pang maging single kaysa makasama ang katulad mong feeling prinsesa" napa aray si Thea nang batukan ko siya.

Walanghiya! Gayang gaya niya iyong sagot ni Dela Cruz. Pati iyong expression na parang nandidiri. Gago yung lalakeng iyon. Ako feeling prinsesa? Haha my goodness prinsesa naman talaga ako.

"Pero ang totoong pinaka epic ay iyong huling sinabi ni Suzy."

Napangiti ako nang muling maalala iyong sinabi ko. "Serious mood lang? Haha joke lang iyong tanong na yun sineryoso mo naman agad. Dont worry mas lalo namang ayokong maging bf ka. Siguro kapag nagpalit ka na nang mukha kagaya ni Zander Ford ay baka may 1% chance na magustuhan kita. Char!"

"Pero aminin mo Suzy, gwapo talaga siya no?" Kulit nitong si Dafnie. Itapon ko kaya siya mula dito sa third floor para matahimik.

"Hindi siya gwapo." sagot ko. But the truth is masakit man aminin, magkapantay sila ng kagwapuhan ni first love.

"Final." Kinuha ko ang mga gamit. "Labas na tayo."

Don't Break My Heart(Under Revision)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن