CHAPTER 7

46.5K 627 23
                                    

SUZY RAIN CARIAS HEMILTON

"Akala ko dika na papasok."bungad kong tanong sa lalakeng kaharap ko ngayon. Kahit makikita mong naiirita ang mukha nito bumagay parin ang suot nitong uniform ng SHA.

"Tsk, kung pwede nga lang hindi na. Letseng arranged marriage na'to! Winasak na nga ang relasyon namin ng girlfriend ko! Guguluhin pa ang pag-aaral ko? Kailangan ko pa talagang mag transfer dito? Para ano? Para masigurado nilang magiging maayos ang samahan natin?"

"Gusto nilang magkasundo tayo Calvin."mahinang sabi ko. Pagdating sa lalakeng to ang hina hina ko. Ang bilis bumigay ng puso ko.

"At umasa ka naman? Hindi na tayo magkakasundo Suzy! Fucking life!" Marahas na nagbuga ito ng hangin.

Napaatras ako ng bigla niya akong hawakan sa magkabilang balikat. Mahigpit ang pagkakahawak nito.

It hurts Calvin. Gusto kong sumigaw! Magreklamo! Pero diko kaya. Hindi ko kaya. Why am I like this!

" No matter what happens! Sisiguraduhin kong dika magiging masaya sa piling ko Suzy. You ruined my life! You took away my happiness! Sinira mo ako Suzy kaya sisirain ko din lahat sayo." Napapikit ako at pilit iniindi ang sakit. Mas lalong humigpit ang pagpisil niya sa mga balikat ko.

"Gagawin kong impyerno ang buhay mo."

"Ca-calvin masakit na. Tama na please." I can't take it anymore. Sumasakit na ang puso ko sa mga sinasabi niya.

"Masakit? Iyan pa lang ang ginagawa ko masakit na? Paano ako Suzy? PAANO AKO! HINDI BA AKO NASASAKTAN NGAYON! INIWAN AKO NG BABAENG MAHAL KO! IT'S ALL YOUR FAULT!"

Sa sobrang panghihina ng katawan diko namalayan ang paglayo sa akin ng isang tao sa mga kamay ni Calvin. Nakakulong ako sa mga bisig ng lalake. Tila ba prino-protektahan ako sa sakit. At bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Am i bad? Is it really my fault? Ako na lang ba lagi ang sisisihin sa lahat?

Ganito ba kasakit ang magmahal? Nagmamahal lang naman ako! Pero bakit ganito? Kailngan ko pa bang danasin ang sakit? Hindi ba pwedeng maging masaya naman ako!

Why? Why me?

"You crossed the line Mr. Santos." I heard Thea's voice. "Wala kang karapatan para saktan ang kaibigan ko. Wala ka ring karapatan para isisi ang lahat sa kanya. If lalake ka talaga! Bakit di mo gawin yang gusto mo? Bakit ka nagpapadala sa utos ng ama mo? Iniwan ka ng babae mo dahil nalaman na ikakasal ka sa iba? Eh bat di mo hinabol? Alam mo Mr. Santos? Isa kang malaking duwag! Hindi mo matanggap na wala kang magawa sa sitwasyon na'to kaya isinisisi mo ang lahat kay Suzy."

"Alam nating lahat! Na ang babaeng iyan! Kayang kaya niyang itigil ang plano nila.  Pero ano? May ginawa ba siya? Wala diba!"

Tama na please, ayoko nang makinig.

"Stop please." Tila hangin na lumabas ang mga salitang binigkas ko.

"Just hold me tight." Sabi ng lalakeng nakayakap sa akin. Naramdam ko ang dalawa niyang kamay na nakatakip sa magkabila kong tenga. "Gagawin ko ang lahat para di'mo marinig ang mga masasakit na salita. Ituon mo lang ang atensiyon mo sa aking dibdib. Kung gaano kabilis ang tibok nito."

Don't Break My Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon