"I want that..."

Di siya makatingin sa kanila dahil ayaw niyang mapalingon si Chanhyun sa kanila o maramdaman nila na tinatago niya si Chanhyun sa kanila. Ayaw niyang pangunahan si Baekhyun, pero eto yung nangyari.

"U-Uhh---- Baby tara dito tayo"

"Oy taeyeon! Snobbers?" Nagulat siya ng hawakan siya ni Luhan kaya napatingin siya.

Napatingin siya kay Chanhyun, napatingin rin si Chanhyun sa kanya.

"Tito Luhan!"

Nang marinig ni Chanyeol yung boses ay agad siyang napalingon. Bumilis agad yung tibok ng puso niya dahil sa boses. Nilingon niya kung saan nanggagaling yung pasigaw na boses ng bata.

Hindi ako nagkakamali... B-Boses to nung bata sa phone.

Hinanap niya yung boses na yun at nakita niyang may kausap na bata si Luhan. Pero nakatalikod sa gawi niya.

"Yeol, pasama naman. Gusto kong tikman yung wine dun. Free naman eh, tara!" Pag-aaya ni Sehun kay Chanyeol.

Ayaw niyang mapadali yung plano ni Luhan. Wala nga saw thrill kung agad-agad mangyayari yung gusto ni Luhan.

"Kamusta ka?" Nakangiting tanong ni Luhan kay Chanhyun habang nakaluhod.

Nakatingin lang sila kay Chanhyun. May naaalala silang mukha pero may bigla rin papasok na isa pang mukha.

Nagcross arms si Kyungsoo habang nakatingin sa bata.

"May nakikita ba kayo?" Tanong niya.

"Tsk. We know that you have the biggesy eyes, but we also have eyes, you know" sagot ni Kris kaya siniko siya ni Jongin dahil lumingon si Kyungsoo nang nakabusangot.

"Letse ka talaga! Wala kang kwentang kausap," nilingon niya si Tao, "pano mo natitiis tong isang to?"

Inirapan siya ni Tao at sinabing, "That's what you call 'LOVE'"

Nparoll eyes nalang si Kyungsoo dahil tama nga naman, si Jongin nga natitiis niya eh.

Bumuntong hininga naman si Kyungsoo dahil sa inis niya. Hindi niya maalala kung sinong kamukha nung batang nasa harap niya. Dalawang mukha yung naaalala niya.

"Im okay, Tito. What about you? Papa told me youre not feeling well that's why you didnt visit last time" sabi ni Chanhyun habang nakapout.

Napakunot naman yung noo ni Kyungsoo dahil may nakita na siyang ganitong mukha noon eh. Nakalimutan niya lang kung kanino at saan.

"Yes baby. Pero okay lang ba kayo ng papa mo?" Tanong ni Luhan kaya sinipa siya ni Taeyeon.

Tinaasan ni Luhan ng isang kilay si Taeyeon na para bang nagtatanong ng, "bakit anong ginawa ko?"

Taeyeon mouthed, "Stop asking about him"

Napanguso si Luhan at bumuntong hininga. Lumingon naman siya kila Kyungsoo at hinahanap ng mata niya si Chanyeol.

Nakita niya si Chanyeol na kausap si Sehun sa kabilang gilid pero mukhang hindi nakikinig si Chanyeol dahil nakatingin lang ito sa kanila.

"Nagsasayang lang ata ako ng laway sayo eh. Kinukwentuhan kita tungkol kay Dara---"

"Im not interested, please"

Sagot ni Chanyeol kaya napatigil si Sehun.

"What do you mean?"

Delight || chanbaek (mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon