Hit 15~RJ's First Date

Comenzar desde el principio
                                    

"Sino naman ang i-da-date ni RJ?" curious si Ivan.

"Si Mia," mabilis na sagot ni Yamapi. "Ano sa tingin mo, RJ?"

Hindi agad sumagot si RJ. Nag-isip muna ito.

***

"Wow!" Kuminang ang mga mata ni Mia nang makita ang magiging kuwarto nila ni Nino.

Inilagay na niya agad sa kama ang mga gamit at nagsimulang magpa ikot-ikot sa buong silid.

Ang ganda talaga.

Kahit minsan hindi niya naisip na mae-experience niyang mag-stay sa ganito kagandang lugar.

Nakangiti lang naman si Nino habang pinapanood siya.

Maya maya pa ay may biglang kumatok.

Si Nino ang nagbukas ang pintuan.

"Kayo pala Miss Rina, Mss Monique, Jin. May kailangan ba kayo?" tanong ni Nino.

"Gusto lang sana namin kaunin si Mia," sabi ni Rina.

Napatingin sa kanila si Mia. "Ako?"

"Mia, halika! Libutin natin ang buong cruise ship," aya ni Monique.

Nagtaka si Mia. Bakit siya niyayaya nina Monique? Hindi naman sila ganoong ka-close?

Kahit nagtataka, sumama pa rin siya.

"Ang bait naman nila kay ate. Natutuwa ako," sabi ni Nino

Ngumiti si Jin. "Ang totoo, may binabalak ang lahat," sabi nito.

Napataas ng kilay si Nino. "Anong binabalak?"

"Sumama ka sa akin para malaman mo."

Nanlaki ang mga mata ni Nino nang makita ang isang silid sa cruiseship na puno ng dekorasyon. May mga bulaklak, mga kandila at masasarap na pagkain.

Inaayos ito ng ilang mga crew kasama sina Chen Yin, Cashmere, Yamapi, Ivan at Yano.

"Nino nandiyan ka na pala." Napansin siya ni Chen Yin. "Para ito sa date nina Mia at RJ.

"Ano? Date?"

"Ito iyong sinasabi ko sayo. Ang operation hanapan si RJ ng girlfriend at para mangyari iyon naisip namin na bigyan siya ng date," paliwanag ni Jin.

"Pero bakit ang ate ko ang magiging date niya? Ayos lang ba iyon kay President?"

"Perfect si Mia para sa kanya," singit ni Cashmere.

"Eh, sayo Boss Yano? Hindi ba ito abala?"

Ngumisi si Yano. "Anong abala? Isa itong magandang ideya dahil kapag nagka-girlfriend si RJ, siguradong malilimitahan na ang pakikialam niya sa mga balak ko."

"Ganoon po ba iyon?"

"Tulungan mo na rin kami rito. Bilisan mo!" utos ni Yano.

Samantala. Salubong na ang mga kilay ni Mia dahil sa sobrang pagtataka.

Ang sabi kasi nina Rina at Monique ay maglilibot sila, pero hindi. Isinama siya ng mga ito sa kuwarto at ipinili ng damit.

"Ito. Isuot mo ito." Isang red dress ang ibinigay sa kanya ni Rina.

"Bakit ko isusuot iyan?"

"Sige na, isuot mo na!" pilit ni Monique. "Tapos a-ayusan ka namin dahil may date ka ngayon."

"D-Date?" Gulat na gulat si Mia. Agad siyang lumayo kina Monique. "Anong pinagsasabi n'yo? Ayokong makipag-date?"

"Ano ka ba naman, Mia." Hinawakan siya sa balikat ni Rina. "Pumayag ka na dahil siguradong mag e-enjoy ka."

Kizuna: The Bond Between usDonde viven las historias. Descúbrelo ahora