Hit 15~RJ's First Date

Start from the beginning
                                    

"Kanina pa ba kayo?" tanong ni RJ. "Pasensya na ha, nahuli ako. Meron pa kasi akong inasikaso."

"Teka... kasama siya?" Hindi makapaniwala si Ivan.

"Hindi raw tayo papayagan kung hindi natin siya isasama. Nakakainis!" reklamo ni Yano. Talagang pagdating kay RJ ay wala siyang magawa.

Binulungan ni Ivan si Yamapi. "Mukhang minamalas ka ngayon," sabi nito.

Walang naging reaksyon si Yamapi.

Sumakay na nga sila sa cruise ship.

Si RJ ang nangununa sa paglalakad, samantalang nasa pinakahuli naman sina Ivan at Yano.

"Ngayon ko lang napansin, partner partner pala tayo," sabi ni Ivan. "Ako at si Monique. Si Jin at si Rina. Si Yamapi at Cashmere. Si Nino puwede na kay Chen Yin tapos si RJ siguro sa ate ni Nino." Napatingin siya kay Yano. Bigla siyang natawa. "Ikaw lang pala ang walang partner, Yano."

"Huwag mo nga akong inisin!" iritang sabi ni Yano.

Nginitian siya ni Ivan bago binulungan. "Hayaan mo Yano, may ipapasa ako sayong video para masisiyahan ka."

Biglang napaisip si Yano.

"Anong pinag-uusapan?" Nilingon sila ni Jin.

Tumawa lang si Ivan.

"Siya nga pala." Huminto sa paglalakad si RJ. Humarap ito sa mga kasama. "Kahapon, nagpunta na ako rito kaya naipili ko na kayo ng magiging kuwarto."

"A-Ano? Ipinili mo na kami?" napabulalas si Ivan.

"Hindi ka naman siguro bingi," ani RJ.

Oh, hindi... Biglang nanlumo si Ivan.

"Ginawa ko lang iyon para maiwasan ang mga imoral na bagay. Ito ang magiging parings n'yo sa kuwarto." May ibinigay na papel si RJ.

Rj –Yamapi

Monique –Rina

Ivan- Jin

Chen Yin -Cashmere

Nino-Mia

Yano

Pinapunta na ni RJ ang lahat sa kani-kanilang mga kuwarto. Pinaiwan niya lang sandali ang grupo ni Yano para paalalalahanan.

"Tandaan n'yo. Dahil nagsama kayo ng mga hindi n'yo ka-miyembro, kayo ang in-charge sa kanila."

Umismid lang si Yano.

"Yano, nakikinig ka ba?" Tinitigan siya ni RJ.

"Don't worry RJ, kami nang bahala," sagot ni Rina.

Biglang tiningnan ni Yano nang masama si Rina.

Bakit mo pa ba siya kinakausap. Iyon ang mensahe na gustong sabihin ni Yano. Para sa kanya hindi na dapat pinapansin ang lalaki.

"RJ, may girlfriend ka na ba?" Nagulat ang lahat sa biglaang tanong na iyon ni Yamapi.

"Bakit mo tinatanong ng ganyan si RJ?" usisa ni Ivan.

"Ang purpose ng trip na ito ay para mag-enjoy. Hindi mo 'yon ma-mi-meet kung puro trabaho ang laman ng utak mo," paliwanag ni Yamapi.

Napaisip doon si RJ.

"Oo nga!" pagsang-ayon ni Jin. "Sa halip na matsiyagan mo kami, bakit hindi ka na lang mag-relax at mag-enjoy?"

"Makipag-date ka!" habol pa ni Yamapi.

"Date?" ulit ni RJ. Sa mga sinabi nila, iyon ang pinakatumimo sa lalaki.

Kizuna: The Bond Between usWhere stories live. Discover now