Napaisip tuloy ako kung anong ginagawa niya dito sa Davao. Taga saan pala siya? Hmm, I'll find it out soon. Kakaibiganin kita Mr. D.


Kinagabihan lumabas ako at napagpasyahan na tumambay na lang muna sa lounge. Baka kasi makita ko si Mr. D ulit, sayang naman ang opportunity. Pero isang oras na yata akong naka upo sa sofa dito sa lounge pero ni anino ng lola niya hindi ko makita. Ang matangos na ilong at perfectly defined-jaw lang yung clue ko para makilala si Mr. D eh. Para na akong tanga dito.

Di ko na natiis kaya umalis na lang muna ako. Maghahanap ako ng makakainan dahil gutom na ako. Doon na lang ako pupunta sa Roxas street. Nakita ko kasi sa view ng room ko yung lugar na maraming naka hilerang street food na mag aakala kang may fiesta sa dami ng tao. May nakahilera ring ukay-ukay doon kaya mamimili ako after kong mag dinner.

Habang kumakain ako, naalala ko tuloy 'yong bestfriend kong si Maisie. Mahilig pa naman kaming dalawa sa mga ganitong pagkain. Kahit mayaman iyong pamilya niya napaka down to earth ng babaeng 'yon kaya nga close kami. Kahit may asawa na siyang CEO napaka humble pa rin.

Buti pa siya nahanap niya na ang prince charming niya. Ako kaya, kailan?

"Honey, I love you. Kain lang ng kain ha?" Sabi ng lalaking nasa kabilang table sa girlfriend niya. Rinig na rinig ko ang boses niya dahil di naman malayo ang table ko sa kanila.

"Oo naman, honey. Ikaw rin, kain ka pa. Ingatan mo kalusugan mo, mamahalin pa kita eh." Sagot naman ng babae sa malanding boses.

Gosh! Kalandian is the air and I need an insecticide to spray it. Nakaka bitter ha! To think na mga high school students pa itong lovers sa tabi ko, kung maka asta parang hindi na maghihiwalay. Magbe-break din kayo uy! Asa pa kayo.

Ako nga hiniwalayan kahit abot langit na 'yung sakripisyo ko. I changed my whole damn self so just he will stick with me. Ayaw niyang lumabas ako ng bahay ng naka shorts kasi malaswa, ayaw niya akong nakikipag-usap sa mga lalaki kong kaibigan kasi wala siyang tiwala at mabilis siyang mag selos, ayaw niya ang akong maglagay ng lipstick kasi mukha raw akong nang-aakit ng iba, ayaw niya akong tumugtog sa banda kasi may gusto raw ang ka band mate ko sa akin, and the list goes on of 'Ayaw ni Daryl' checklist.

I gave up my self-identity and conformed to his rules pero anong nangyari? Niloko lang ako. Ang unfair lang kasi. I loved every bit of him even his imperfections. His imperfection makes him as human, as himself. Wala naman kasing taong perfect, nasa sayo iyan kung tatanggapin mo siya ng buo o hindi. But in Daryl's case, he didn't love me completely. He turned me into his ideal girl that will never be me. He only loved the best in me, not the worst.

Mabilis kong inubos ang pagkain ko at tumayo sa harap ng mag syota na naghaharutan.

"Mga bata, alam niyo 'yung KKK?" Tanong ko sa kanila.

Napakamot naman sa ulo iyong lalaki. "Diba iyon po 'yong Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan?"

Ngumisi ako sa kanila. Buti alam niya. "Oo, tama ka. Pero may bago ng meaning 'yun."

"Eh ano po?" Tanong naman ng babae sa akin.

"KKK stands for... Kalma Kalma sa Kalandian. Kaya kayong mga bata kayo, kalma rin pag may time ha? Aral muna kayo." Nalaglag ang panga ng mag syota sa sinabi ko.

Tinalikuran ko sila at naglakad na lang papunta sa ukay-ukay. Narinig ko pa yung mga lalaking nasa kabilang table na humagalpak sa pagtawa. Narinig nila siguro yung sinabi ko. Bahala kayo. Naste-stress ako sa inyo.

Out of Bounds (Ugly Past Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon