Chapter 1 - Aemie

5.6M 113K 130K
                                    

Chapter 1 (MHIAMB : Aemie)

“Yes class, drugs may vary depending on its effect. There are therapeutic drugs for prevention, diagnosis, disease and for the relief of symptoms and there are also narcotics and other addictive drugs that are used illegally.”

“Hayyy borrringg!” bulong ko habang nagdi-discuss si Professor Lim.

“Blah blah blah blah…”

Bakit ba naman kasi drugs and topic namin ngayon?

Teka..

Hindi kaya..

O-M-Y-G-O-D!!!

Trip ng Prof namin magtayo ng sindikato?

Tapos ano to? Kami yung gagawin nyang drug dealers? Hindi pwede! Madami pa akong pangarap sa buhay! Ayokong masira nalang---

“Miss Romero!!”

Napatayo agad ako nung tinawag ako ni Ma’am

“Po?”

“Do you agree with me?”

Agree? Eto na ba yon? Is this is? Is this really is it ng bonggang bongga? Magiging dealer na ba ako pag umagree ako? Halaaa!! Hindi pwede to! Ipaglalaban ko ang karapatan ko!

“I’m sorry mam pero hindi po ako agree sa sinabi nyo.” sabi ko with full of confidence.

“Hmm by all means I think you have a better idea on how to deal with it, so go ahead, spill it Miss Romero.”

Deal daw? Tama nga ang hinala ko! Waaaa

“Hindi po ako makakapayag na magtayo kayo ng sindikato!! Tapos ano pong gagawin nyo samin? Sinisira nyo po ang buhay naming mga kabataan mam, wala pong---“

 

“Hahahahahahahahahahah”

 

“Bwahahahahahahahahaha”

Eh?

Pano nila nagagawang tumawa sa ganito ka-seryosong bagay? Tinignan ko si Prof Lim at mukhang galit na galit na sya, ano ba talagang masama sa sinabi ko?

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon