Case 11 - That Star

En başından başla
                                    

"Sky was lucky to have lots of star. But we're luckier, to have an angelic star." I'll feel flattered on what I heard if it didn't come from Fai's mouth. Remember she's the head of Drama Club?

Tinanggal ko ang hood ko at nahiga na rin sa damuhan.

May nalalaman pa syang sky is lucky and they are luckier.

"This night was perfect until you speak, Fai." I seriously said but everyone laughed.

"Patahimikin mo kasi itong si Fai, Reyjan!" natatawang sabi ni Tim.

"Fai, bunganga mo kasi." sabi naman ni Reyjan.

"Bobo! Halikan mo, ibig sabihin ko." paliwanag naman ni Tim.

Tuwing pinagtutuksuhan sila nililiko ni Reyjan ang usapan at tumatahimik naman si Fai.

"Wag. Baka magselos si Pete, babes." sabay na natawa si Tim at Jun sa sinabi ni Reyjan.

"Si Pete?" tanong ni Ailyn.

"May nangyari na sa kanila." sagot naman ni Jun.

Napabangon si Phia at hinampas ang katabing si Pete. "Yuck! Are you guys, gay? I can't believe it."

Reyjan courted Fai for two weeks just to accomplished a dare. Nagtapat naman si Reyjan na dare lang iyon pero hindi naman nagalit si Fai. Dahil si Fai pala ang may pakana ng ginawa nyang dare. Halos isang linggong walang kibo si Reyjan noon pero bumalik rin naman sa dati ang lahat.

"Phia, wag mong hinahampas si Pete. Baka sampalin ka ni Reyjan." kana naman ni Tim.

"Mag-sorry ka Phia. Nanginginig na si Reyjan o, nanghihila ng buhok yan." pinangalawahan ni Jun si Tim.

Bumangon naman ang katabi kong si Ren at tumayo na. "Ang mauunang makarating sa hotel na tinutuluyan nina Din, pwedeng magrequest ng kahit ano. Call?" sabay-sabay namang tumayo ang iba.

"CALL!" sabay-sabay na sagot ng pito.

Naupo ako at pinanuod ko lang sila. Alam kong sinabi lang iyon ni Ren dahil alam nyang kailangan ko na talagang makabalik para makapagpahinga.

Tinulak ni Reyjan si Tim at inunahan nya ito sa pagtakbo. "Aba, gumaganti ka na. Ha?" hinabol ni Tim si Reyjan.

"It was all your fault Ren!" matinis na reklamo ni Phia. "Palibhasa hindi ka naka-heels ngayon, nagyayaya ka ng marathon?" dagdag pa ni Phia na kasalukuyang nasa hulihan at tinatanggal ang suot na heels.

Tumayo na ako at napangiti. Nawalan ako ng isang taong palaging umiintindi sa akin pero meron pa naman akong walo.

"You'll all pay for leaving me!" tumakbo na rin ako. At dahil expertise ko ang pagtakas, naunahan ko na sina Tim at Reyjan na nagbabatukan habang tumatakbo.

SLY {Fall for a Detective}  [O-N-G-O-I-N-G]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin