Chapter 24: Determined

45.8K 755 108
                                    

Chapter 24: Determined

***

"Narinig mo ba yun?" tanong ko kay Yna.

"Ang alin ba?"

"Yung mga babae sa labas?"

"Hindi eh. Ano bang sabi?"

Sasabihin ko pa ba? Tch. Wag na nga, baka mag-isip lang 'to ng kung anu-ano eh. Pero curious talaga ako nang bongga eh. Sporty ba talaga si Kenneth at sasali siya? Or nagpapadagdag lang siya ng popularity? Tch.

"Si mokong daw."

"Tokong? Yung pambaba?"

"Bingi ka! Tss. Si Kenneth."

She smirked. "Ay ayun naman pala eh. Sasabihan pa kasi ng kung anu-ano. Oh, anong meron kay Kenneth?"

"Magta-try out daw?"

"Ah, oo. Sinabi na sa'min nya yan, kaya nga gusto naming manuod para may support kami sa soon to be boyfriend," Umubo siya. "Mo." she finished.

Parang nabilaukan naman yata ako dun ah. "Ang baliw mo! Ahh. Tara na nga sa labas, iba na ang ambiance dito sa loob."

Punta tayong gym A! Gusto kong makita si Kenne—MALI! Gusto kong makita ang gym. Ang tagal ko na kasing di nakakapunta dun. Hehehe.

"Tara ba sa gym, Kath?"

OO, TARA! :D

"Eh! Ayoko nga dun. Ayokong pumunta sa gym na amoy pawis noh!" I denied. Ayokong magpahalata, syempre. Hehehehehe! <— Ang aking defensive laugh.

"Sus! Tara na!"

No choice. Hinila ako ni Yna papuntang gym. Pagkadating namin sa may labas ng gym, madaming students. Kahit umaambon, may pumunta pa din pala. Kaso ang tanung lang, bakit sila nasa labas?

"Puno na ba ang loob?"

"Di ko alam eh. Pero ang alam ko limited persons lang ang makakapasok sa gym. Bawal daw mapuno ng mga manonood."

Ang arte naman oh. "Bakit?"

"Para daw hindi mailang yung mga magta-try out. Yun ang sabi." Yna shrugged.

Sayang naman. Di ko mapagtri-tripan si Monkey.

"Wag ka nang mag-pout. Makakapasok tayo, nako!"

Ha? Di ko namalayan, naka-simangot na pala ako. Tss! Malay ko ba. Anubey! Syempre bago kami nakipagsapalarang makapasok sa loob, nai-defend ko muna sarili ko. Gusto ko lang naman talagang maasar si Kenneth eh, that's all.

"Miss, bawal na pong pumasok sa loob. Sa mismong game na lang po kayo manuod." sabi yata nung guard kay Yna. Ay ewan, nakatalikod lang ako, bahala na si Yna dun.

"Sige na manong, kuya. Pogi ka naman eh. Hehehe."

Pogi yata ah? Hahaha. Pogi-ta! Joke!

"Sige na nga. Dahil honest ka hija, makakapasok na kayo."

Ako! Ako ang honest. Psshh.

Aysus pa nga. Si guard, napaka-gullible. Eek! Kami lang talaga ni Yna ang nakapasok kahit nagpupumilit yung iba. Konti nga lang ang nasa bleachers, pero majority ang third year and fourth years dito.

"Kath, tingnan mo oh." may taong tinuro si Yna.

"Nasaan ba? Si James ba?" I teased. Haha.

"Eep! No way ha! Ayun oh."

Sinundan ko nang tingin yung tinuturo nya. At nakita ko siya.

Si Kenneth.

I'll be honest. Ang hot nyang tignan, but that's it. And ang number ng jersey nya ay seven. Favorite number ko, kasi birth date ko eh. Hihihi.

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now