Chapter 24: Determined

Magsimula sa umpisa
                                    

"Go number fourteeeeeen!!!" sigaw nung mga babaeng nadaanan namin.

"Kath, talo ka pa nila oh. Cheer mo na din kasi si Kenneth. Hahaha!" pang-asar ni Yna.

"Baliw ka! Kaya na nya yan."

"Uyy. Yiiee! Nagtitiwala kay Kenneth."

"Che! That was more like of a who-cares phrase pa nga. Tss!"

"Whatever you say, Katherine. Hihihi."

So far, maayos naman yung try-outs. Kakainis pa nga! Walang sablay si Monkey. Wala na akong pang-asar sa kanya, wala na. Tss. Break time na nila. Mag-isa lang ako dito sa bleachers. Si Yna, nilapitan si Kenneth. Ayoko namang pumunta dun sa baba dahil wala naman akong ibang gagawin diba. Kaya eto ako, loner.

I glanced at my wrist watch. Patay! Four-thirty na! Anong gagawin ko?!

Nagmadali akong bumaba at nagpunta palapit kina Yna. Pagkadating ko naman sa place nila, biglang tumakbo paalis si Kenneth. Umiiwas ba yun? Aray naman. Tss. Wala naman akong kasalanan dun ah? Meron ba? Err. Well whatever, may iba akong problema. Waaaah!

"Yna..." I eyed her, at siguro naman na-gets na nya yung gusto kong sabihin.

"Ha? Eh. Wait lang. Labas na tayo ng gym, at magaantay tayo ng miracle."

"Che! Baliw ka na Alyna. Tss."

"Ito naman oh. Lika na nga, labas na talaga tayo, dun tayo mag-antay ng himala."

Bago pa ako makapag-react, nasa labas na kami. Magic daw eh. Joke! Nag-apparate kami dito. Ayos noh? Hoho!

Naupo kami sa isang bench na malapit sa exit gate, nagaantay. Five pm. Grabe! Tiningnan ko ang cellphone ko, lowbatt naman. Anong gagawin ko? Ang panahon nga naman oh. Kainis! Wala na akong magagawa, late na kung late. Kung uuwi naman ako sa bahay, wala akong kasama. Tss!

Maya maya may Porsche na pumarada sa harapan namin.

"Get in." si Kenneth.

"Kath, sakay na dali. Past five na oh."

"Ah, Fast Five? Yung movie?" Hahaha! Mang-asar muna.

"Che! Baka gusto mong hindi makapuntang Vigan ngayon?"

"Ehehehe. Joke lang naman, eh sa ganun ang pagkakarinig eh. Tss!" Hohoho! Echos.

"Osya! Sakay na dali!"

"Ikaw mauna."

"Aba! Ako ba ang pupuntang probinsya ngayon? Dalian mo na."

Bigla bigla namang lumakas ang ulan. Sheet!

"Paano ka?"

"Sasabay na lang ako kila James mamaya pag-uwi."

"Siguraduhin mo lang, Alyna ha?!"

"Opo NAY! Hahaha. Ingat kayo."

Teka lang, nahihiya ako. Bakit ganun! Pero sumakay na din ako dahil hindi na ako mapagbubuksan ng pintuan ni Kenneth sa sobrang lakas ng ulan.

"Uhm, hatid mo na lang ako sa'min. Ayos na yun."

"Yna said you have to be in Vigan. So, what's up?"

"My grandma passed away." napatungo ako.

"S-sorry"

"Okay lang. So sa amin mo na lang ako ihatid. Di pa tapus ang try-outs ah. Bakit ka umalis?"

"Someone needs me more than that Basketball thing." he winked. Tch! Conceited pa din oh. Tsss!

"Yeah, right."

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon